Chapter 8

131K 2.3K 125
                                    

                                           ***

CLARISSE

I'm half awake. But before I open my eyes ramdam na ramdam ko ang tila binabarena kong ulo. Nanunuot sa kailalim-ilaliman ng utak ko ang sakit. I massaged my forehead and when the pain slightly subsided saka ako dahan-dahang nagmulat ng mga mata.

Maliwanag na ang paligid. I tried to reach the bedside table para kapain ang alarm clock ngunit nagtaka ako nang wala akong makapang mesa. Iminulat ko nang maigi ang aking mga mata and then I realize that I'm in an unfamiliar place.

Napabalikwas ako ng gising. Kinusot kong maigi ang aking mga mata, baka sakaling namamalikmata lang ako. Pero hindi eh. Totoo ngang wala ako sa aking sariling kuwarto. Naguguluhan akong napatingin sa paligid. Ano to nasa sala ako ng isang condo unit?

Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Ang huling natatandaan ko ay nasa tindahan pa ako ni Manang Lida at tahimik na umiinom mag-isa. A-After that? Wala na akong maalala. Oh my! Was I drunk?

Bigla akong kinabahan. I quickly checked myself. Kinapa ko ang aking katawan at tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa aking paanan. Kumpleto naman ang mga damit ko maliban sa aking sapatos na nasa baba ng sopa.

But what happened? What am I doing in this place? At bakit sa sopa ako natutulog? Did I do something crazy?

I heard a creaking door at dali-dali akong napalingon sa pinto ng nag-iisang silid. My defensive instincts suddenly arose. Dinampot ko ang pares ng aking sapatos and I was ready to throw them out sa sinumang lumapit sa akin.

The door slowly opened and I saw a silhouette of a man. At bago pa man ito tuluyang makalabas, magkasunod na ibinato ko dito ang aking sapatos na may matataas at matutulis na takong.

"Ouch! What was that?!" shouted by a familiar voice.

"L-Lance?"

Lumabas ang assistant ko mula sa pinto. Pinapagpagan nito ang damit na tinamaan ng aking mga sapatos. Nakasuot ito ng pambahay na V-neck shirt at sweat pants.

"Attorney bukod sa pagiging lasinggera, may itinatago rin ba kayong pagiging bayolente?" he said while picking up my shoes at pag-angat nito ng mga paningin ay bigla itong napapikit na para bang natakot pagkakita sa mukha ko. Mabilis nitong ipinaling sa ibang direksiyon ang ulo.

"Why am I here?! And why are you here too? What have you done to me?! May ginawa ka bang masama sa akin?" walang pag-aalinlangang pamimintang ko.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon