Chapter 31

128K 2.5K 967
                                    

                 

                                                   ****

Magkakasamang nananghalian sina Clarisse, Lance at Scarlet. Everyone feels awkward while pretending to enjoy the buffet lunch served by the resort. Scarlet is beside Lance habang iwas na iwas tumingin at makipag-usap kay Clarisse, kunway inaabala ang sarili sa pag-aasikaso sa boyfriend.

"You want more fresh fruits, Babe? Ikukuha kita sa buffet table," lambing nito sa lalaki.

Clarisse is concentrating in her own plate. Kaharap niya si Lance pero hangga't maaari ay ayaw niyang magtama ang kanilang mga mata. Ingat na ingat siya sa pagkain upang maiwasang mabilaukan everytime na maglalambing si Scarlet sa binata. She's trying to act calmly but whenever she remembers his confession, she keeps having butterflies in her stomach. Nag-aalala siyang baka hindi niya namamalayang napapangiti na pala siyang mag-isa.

So it wasn't a one sided feeling after all? All night she was floating on clouds everytime she thinks about his words. Pansamantala niya munang kinalimutan lahat ng mga rason kung bakit kailangan nilang supilin ang nararamdaman sa isa't isa. Instead, she relished the feeling of being a woman. So she wasn't bad after all? With her age, status and image, she never expected that she's capable of swaying the feeling of a younger, handsome, intelligent and kind-hearted man who has an extremely beautiful girlfriend.

But since she admitted she's the older one, she needs to initiate pacifying the complicated situation.  Mas dapat niyang doblehin ang pag-iingat sapagkat ngayon, ang lalaking nasa tabi niya lagi ay hindi niya lamang gusto...kundi may gusto na rin sa kanya.

Lance, on the other hand, is giving the attorney quick glances every now and then. Kanina pa siya kinakabahan sapagkat hindi niya mabasa ang totoong reaksiyon nito tungkol sa ipinagtapat niya. Nakahanda na ang kanyang mga tenga sa salitang 'you're fired'. But since they were together this morning, wala siyang makitang pagbabago sa kilos nito. She's an expert in hiding her true feelings kaya't hindi niya malaman kung natutuwa, nagagalit o simpleng hindi ito apektado sa mga sinabi niya. He knows it's stupid for him to assume. But last night, she looked at him with different eyes. She had no sign of objection when he was about to kiss her. And when he held her hand, he felt warmth instead of coldness.

"Babe I forgot my cellphone sa room. Kunin ko lang muna ha," Scarlet said.

He nodded. Nakokonsensiya siya. Katabi niya si Scarlet pero ang isip niya ay lumilipad sa kanyang kaharap. Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya naisip na magiging masama siyang lalaki. His girlfriend is too kind and too deeply in love with him para hayaan niya ang sarili na ma-confuse sa isang babaeng may asawa.

After Scarlet left, inaasahan niya nang makakarinig siya ng mga masasakit na pasaring mula sa abogada. But still she didn't utter a word nor even bother to look at him. Tuloy lang ito sa tahimik na pagsubo. He wanted to initiate a conversation but he hesitated. Naninimbang pa rin siya sa totoong nararamdaman ng kaharap.

Napako ang mga mata niya kay Clarisse at napansin niyang wala ng lamang tubig ang baso nito. He got the pitcher beside him and refilled the glass. He's trying to get her attention. Inilapit niya ng bahagya ang baso sa babae ngunit nagulat siya nang biglang may dumampot ditong ibang kamay. Napamaang siya pagkakita sa asawa ng abogada na noon ay nakatayo sa tabi ng kanilang mesa at dire-diretsong ininom ang tubig.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon