Chapter 15

122K 2.3K 149
                                    

                                                                       ****

Naglalakad sa parking lot ng isang hotel sa may Roxas Boulevard sina Clarisse at Lance. Katatapos lamang ng meeting nila sa isang kliyente. At bago sila makalapit sa kani-kanilang minamanehong sasakyan, lumapit ang abogada sa assistant at maamong nakipag-usap.

"Lance can we drop by sa nearest mall, may importante lang akong bibilhin?"

"You have another appointment sa office. Do you really have to buy it now, baka maalanganin tayo sa oras," malamig na sagot ng lalaki.

Clarisse checked her watch. "Medyo maaga pa naman. Ngayon ko na bibilhin tutal nasa labas na rin lang ako. Mabilis lang ito," nakangiting sabi niya.

"If you want mauuna na ako sa office para kung sakaling malate ka, ako na lang muna ang haharap sa kliyente," he answered habang dinudukot sa bulsa ng pantalon ang susi ng kotse.

Mabilis na umiling si Clarisse. "No, you should come with me!" she unintentionally exclaimed.

Nagtatakang napatingin si Lance sa kausap dahil sa biglang pagtataas nito ng boses. Agad namang natauhan ang babae at unti-unting napangiti.

"I-I mean, gusto kong sumama ka because I need your opinion sa bibilhin ko," medyo may lambing ng paliwanag ng babae.

"Ano bang bibilhin mo?"

"Sa mall ko na lang ipapaliwanag sayo. And just say yes para makaalis na tayo," nagtitimpi ngunit nakangiti pa ring wika ni Clarisse.

"Okay. Let's go then," napipilitang sagot ni Lance at sabay unlock sa kanyang sasakyan.

Bago pumunta sa sariling kotse, palihim munang inismiran ni Clarisse ang lalaki. "Tutal nagbago ka na rin lang, bakit hindi mo pa idinamay yang katigasan ng ulo mo?" nakaingus na bulong niya.

Nagpunta sila sa Mall of Asia. Magkasama sila sa paglalakad ngunit bahagyang dumidistansiya si Lance sa abogada. Iniiwasan niyang kausapin ang kasama habang maya't maya napapatingin sa relos. At nang medyo naiinip na siya sa pag-iikot ng babae, hindi niya na natiis na huwag magtanong.

"Attorney, ano bang bibilhin niyo?"

"Nahihirapan nga akong magdecide eh. Lance, ano sa palagay mo ang magandang birthday gift para sa isang lalaki?" kaswal na tanong ng babae.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon