Chapter 9

128K 2.4K 265
                                    

                                                         *****

"Tadaaa!!! I've brought you some breakfast, sweetie!" masayang bungad ni Scarlet nang pagbuksan siya ng pintuan ng boyfriend.

"T-Thank you..C-Come in. You're early, babe," naghahalong tuwa at kabang sagot ni Lance.

"May breakfast appointment ako with a friend in a nearby coffeeshop. At dahil malapit na rin lang ako dito, naisipan kong dumaan before I go to my first class para dalhan  ka ng pagkain," sagot ng dalaga habang pumapasok sa loob ng condo ng lalaki.

Nakita ni Lance ang ginamit na kumot ni Clarisse na nakakalat pa sa sopa. Pasimpleng lumapit siya dito at tahimik itong tinupi.

"I hope tama ang timing ko. Hindi ka pa nag-aalmusal, right?" tanong ni Scarlet na noon ay nagtuluy-tuloy lamang patungong kusina ng boyfriend.

"Not yet but I had coffee already. You know that I don't eat heavy meal in the morning."

"That's exactly the reason why I come. Since you're working already, dapat matuto ka nang mag-almusal ng normal to maintain your energy for the whole day."

Scarlet prepared the food she brought. At napansin niya ang dalawang gamit na coffee mugs sa sink ng lalaki. "Did you have a visitor?" kaswal na tanong niya.

Lumunok muna si Lance bago sumagot. "N-No... Except you, wala na akong ibang bisita. Who will visit me at this hour in the morning?" sagot ng lalaki habang inaabala ang sarili sa pagliligpit ng kumot at iniiwasang tumingin sa kausap.

"Then kaninong mug to? Don't tell you just finished two cups of coffee. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na too much caffeine is not good. I know you like coffee but try to lessen your intake of it bago ka pa man maging dependent dito."

Saka lamang humarap ang binata sa nag-aalalang girlfriend. He looked at her with strained smile habang pasimpleng itinatabi ang tinuping kumot. "I only drank one cup. K-Kagabi pa yan. N-Nakalimutan ko lang hugasan."

Napakunot ng noo si Scarlet habang nakahawak sa mug. " But it seemed that this cup is newly used dahil medyo mainit pa. I think your lying."

Mabilis na nag-isip ng palusot si Lance. "Ah! I recall now, pinagtimplahan ko yan ng coffee just now but masyadong matapang ang pagkakagawa ko so I made another one using a different cup," kunwa'y tatawa-tawang paliwanag niya.

Tumahimik na si Scarlet. Nakumbinsi naman ito sa sagot ng kausap at hindi na muling nangusisa. Ipinagpatuloy na lamang niya ang paghahanda ng almusal ni Lance. Inilagay niya sa plato ang biniling ham and bacon sandwich at mushroom omelette sa boyfriend. Pinagtimpla niya rin ito ng juice.

"The table is ready. Have your breakfast now, sweetie."

"Thank you. Just leave it there babe. I'll take a shower first bago ako mag-almusal."

Lance stepped toward his room pero mabilis siyang sinundan ni Scarlet at hinarangan.

"Oops! Where are you going? I know your style, nagdadahilan ka lang para makaiwas sa breakfast. Eat it now, babantayan kita," madiin ngunit may lambing na sabi ni Scarlet.

"You made an effort for that kaya't pwede ba namang hindi ko yan kainin. But I just had coffee so I have no appetite yet. Mamaya na lang ako kakain pagkatapos kong mag-ayos," paliwanag ni Lance ngunit ang totoo ay gumagawa siya ng dahilan para maisipan na ng girlfriend na magpaalam.

"No. Eat now."

Walang nagawa si Lance kundi pagbigyan ang gusto ng babae. He sat in the dining table at umupo naman sa harap niya si Scarlet upang bantayan siya. She's smiling habang nakapangalumbabang pinapanood siya. Nakayuko lamang siya habang sumusubo. Binibilisan niyang kumain while avoiding the eyes of the lady in front of him. Umuukapa sa isip niya ang nagtatagong amo sa closet. Hindi kaya nasusuffocate na ito?

Love Me TooWhere stories live. Discover now