Chapter 16

131K 2.5K 257
                                    

                                                                     

                                                                                     *****

LANCE

Alas-otso na ng gabi pero nasa opisina pa rin ako. I'm supposed to leave dahil may lakad kami ni Scarlet kasama ng mga kaibigan niya sa isang disco bar. My girlfriend doesn't go on a night out nang hindi ako kasama. If I have to base on my habits, I should be on on my way now rushing to pick her up...pero sa mga sandaling ito nabibigatan ang aking mga paa na umalis ng opisina.

Hindi ko maiwan-iwan mag-isa si Attorney De Silva. I've been worried about her simula pa kaninang pagkagaling namin sa mall. Hindi pa rin ito nagpapakita ng normal na reaksiyon matapos mahuli ang asawa na may kasamang ibang babae. Nag-aalala ako na baka anytime ay bigla-bigla na lang itong mag-breakdown.

After what I witnessed, I started to doubt my decision kung tama ba ang ginawa kong pag-iwas sa kanya nitong mga huling araw. Does she have a miserable married life? Isa ba sa mga dahilan niya kung bakit ayaw ipaalam ang tungkol sa pagkakaroon niya ng asawa is due to the fact that she's having a hard time because of her husband? Kaya siguro hindi pa rin ito tuluyang makamove-on sa frustration ng dati nitong pag-ibig because the person who's supposed to heal her pain is actually adding more wounds to her. Maybe my old impression about her wasn't wrong after all. Ang pagkakaroon lamang nito ng asawa ang ipinagkaiba but still, I think she's a pitiable person. 

Lumingon ako sa kanyang personal office. Pagkatapos ng client meeting namin dito sa opisina, hindi na ito muling lumabas pa ng kanyang sariling silid. Nakaumang ang pinto ng opisina nito kaya't natatanaw ko siya on her desk from my table. Kanina pa ito seryoso habang inaabala ang sarili sa trabaho. And right now, she's talking to someone on her cellphone with a very serious face.

Kausap ba nito ang asawa? Pinag-uusapan na ba nila ang nangyari?

Natatanaw ko ang pag-angat baba ng kanyang balikat mula sa malalalim na paghinga. And when she finished the call, sumandal ito sa upuan. Hinubad nito ang salamin at pumikit ng ilang sandali hanggang sa maya-maya lamang ay napasubsob na ito sa mesa.

Agad akong tumayo at lumapit sa kanyang pintuan.

"Is there a problem?" tanong ko.

She slowly lifted her head and rubbed her eyes. She looked at me with a tired face. "Huh? You're still here?" gulat na sabi niya.

Wala nga ito sa tamang konsentrasyon. All throughout hindi niya alam na may kasama pa pala siya sa opisina.

"Are you okay? You look bothered," ulit ko.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon