HC1:First day of school

4.1K 113 12
                                    

Kylie's POV

*RING!

*RING!

*RING!

"Hmm.." Sabi ko nalang dahil sa sobrang antok at sinubukang kapain ang alarm clock sa Table sa tabi ng higaan ko.

*RING!

*RING!

"Hmm!" This time napa-dilat na ako dahil hindi ko mapatay yung alarm clock.Kakabili ko lang kase nito kahapon kaya hindi ko pa alam kung paano gamitin.Uso kasi ito sa Wattpad kaya bumili ako.Huehuehue!

Nang makita ko kung anong oras na ay napabangon ako ng di oras at dumiretso sa banyo.

Ako si Kylie Justin Villanueva.Panglalaki ang second name ko dahil yun ang gusto ni Papa dahil ako lang ang nag-iisang anak nila.11 years old at Grade 6 ako ngayon pasukan sa Vincent's School na pagmamay-ari ng Ninang ko.

"Morning." Sabi ko pagkababa ko papunta sa kusina.Kumuha na ako ng sarili kong plato at naglagay ng pagkain at umupo.

"Kamusta gising mo 'nak?" Tanong ni Mama habang naglakagay ng pagkain sa baunan ko.

Isang chef si Mama at nagtapos ng culinary kaya nakapagpatayo siya ng sarili niyang Restaurant at ang pinakaunang branch namin ay sa labas pa lang ng village kung saan kami kasalukuyang nakatira.So far,madami-dami na din ang regular customers.

"Masakit pa din po yung hita ko pero medyo lang naman dahil nilagyan ko naman po ng cold compress bago ako matulog kagabi." Paliwanag ko.

Tuwing Summer kase ay kumukuha ako ng summer class sa taekwondo at karate and also judo.Happy to say may blackbelt na ako!

~~~~

"Morning Kylie!" Bati sa akin ni Ate guard.Hindi lang naman ako ang close kay Ate Guard.Halos lahat din ng estudyante dahil friendly yan si Ate at nakikipagkwentuhan tuwing may mga nakatambay dito sa Gate na naghihintay sa mga services.

"Morning po!" Bati ko pabalik.Monday ngayon kaya pagka-iwan ko ng bag ko sa room ay dumiretso ako sa Ground kung saan magaganap ang flag ceremony.

Ang Vincent's School ay maliit kang kaya kakaunti kang din ang nga facilities.Tatlong faculty na office ng mga teachers at kulang pa kaya ang library ang ginagawang office nung iba.Meron ding Ground kung saan nagaganap ang flag ceremony at lugar kung saan gingawa ang karamihan sa mga activities at events ng mga students.Meron ding Avr or Audio Visual room kung saan din nagaganap ang ilang events at activities.Merong guidance office na matatagpuan sa library at clinic na matatagpuan sa Faculty.
   

"Magsipila na ang lahat by Level and Sections Please." Sa tingin ko ang nagsalita ay si Maam Jen.Siya ang adviser ko ngayong School Year.

Nakipila nalang ako sa ibang level dahil hindi ko makita yung pila namin.Pumila ako sa likod para hindi Out of Place.

Natapos na ang flag ceremony kaya nagsipuntahan na ang mga estudyante sa mga kani-kanilang rooms.

Nadatnan ko sa room ang mga kaklase kong nagkakamustahan na at nagkukwentuhan.May mga naglalaro pa sa gilid,in short magulong classroom ang nadatnan ko.

Wala akong ganang makipag-kwentuhan ngayon kaya nakayuko akong pumasok sa room at pumunta sa upuan sa dulo kung saan ko iniwan ang bag ko.Kulang ako sa tulog dahil nagsurf pa ako sa internet at inabot ako ng madaling araw.

Zzz...

Zzz..

Zzz...

Zzz..

"Tulog!"

"Gisingin natin!"

"Ikaw mag-gising ikaw malapit eh!"

"Gigisingin mo lang eh!"

"Ako na nga lang!Gigisingin niyo na nga lang mag-aaway pa kayo eh!".

Maya-maya pa ay naramdaman kong may umaalog sa akin kaya napa-ayos ako ng upo.

"Kylie!!" Sigaw ni Drew sabay yakap sa akin.Sumunod naman sila Yesha,Juliana,Elle,Angel at Sam.

"Namiss ka namin!" Sabi ni Drew at nagsi-alis na sila sa pagkakayakap.

"Oo nga!" Sabi ni Yesha at umarte pa na nami-miss ako.

"Miss ka namin!" Sabi ni Angel at nakigaya na silang lahat kay Yesha.

"Mai-iyak na sana ako sa drama niyo kaso naalala ko kaka-kita lang natin kahapon nung bumili tayo ng school supplies. -_-"

"Bhes!Dapat naki-ride ka na lang!" Sabi ni Juliana at umayos ng upo.

"Sayang effort!May luha pa yun eh."Pag-iinarte ni Yesha.

" Mabuti nalang talaga Kylie Justin ang pangalan mo.KJ!"Sabi naman ni Ate Elle.

"Hayaan niyo na!Kakatapos lang ng mga Lessons niya di ba?Tapos nag-group chat tayo na inabot ng madaling araw." Bagay talaga ang pangalan ni Angel sa ugali niya.

"Congrats pala ,balita ko black belter ka na ah?" Sabi ni Sam.Tumango nalang ako.

"Bakit ka pala nagte-take ng summer class sa Taekwondo?10 months ka na naming kaibigan hindi pa din namin alam kung anong dahilan mo." Tanong ni Sam.Last year lang kami naging magkakaibigan dahil last year kang kami naging magkakaklase.

"For self-defense.Busy si Papa sa trabaho kaya hindi niya ako masyado nasasamahan.Delikado pa naman ang mga lugar at kabi-kabila ang mga patayan kaya pina-enroll ako ni Papa para kahit papaano maligtas ko yung sarili ko." Paliwanag ko.

"Oo na noh.Mag-enroll nga din ako." Sabi ni Sam.

"Magpaturo nalang tayo kay Kylie para makalibre." Sabi ng Forever Feeling Poor Kid na si Drew.

"Wala ka din namang matututunan dahil puro kain ka lang tuwing naglelesson tayo!" Reklamo ni Elle..

"Grabe siya!Hindi naman!" Depensa ni Drew.

Sumabat naman bigla si Juliana."Eh anong tawag mo diyan?"Turo niya sa Clover na hawak-hawak ni Drew.

"Mamigay ka naman!Kain ka ng kain eh!" Sabi ko.Favorite ko kasi yun.

"Eh!Bumili kayo sa canteen!" Sugaw niya at tinago ang clover.

"Damot!" Sabi ko."Nasaan pala si Maam?"Pagtatanong ko matapos makitang magulo pa din ang classroom.

"May meeting daw ang mga teachers ngayon sa faculty." Paliwanag ni Angel.

~~~~

Tapos nalang klase kaya cleaners nalang at kami ang natitira at eto ako ngayon,nag-aayos ng gamit.

"Tara na." Sabi ko matapos magligpit ng gamit ko.

"Kylie libre mo kami fries.Mabait ka naman." Pambobola sa akin ni Drew."Samahan mo na din ng Shake."Pahabol niya pa.

"Eto si Drew talaga eh!Mahiya ka nga!" Saway sa kanya ni Juliana."Ako bhe,burger."Isa pa toh,gusto din naman pala. -_-.

END OF CHAPTER 1
Edited√

Vote and comment please!

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now