HC2:RED TEAM.

2.1K 80 11
                                    

Dedicated sayo bhes dahil sa pagpapahiram mo ng wifi!Haha

~~~~
7 months later...

7 months later pero ganun pa din kaming magkakaibigan.Nag-aaral kaming lahat at panay ang group study kaya lahat kami ay mga top students.

Nandito kami ngayon sa canteen at ako ay bumibili ng makakain namin.Bumili na din ako nga candy na nakaugalian ko sa loob ng 7 months.Eto na lang ang iinililibre ko sa kanila kesa sa araw-araw na fries at shake.

"Oh!Ayan!" Sabi ko sabay lapag sa lamesa ng supot ng plastic na naglalaman ng candy.

"Bait mo talaga kylie!" Sabi ni Drew na siyang nanguna sa pagkuha ng candy.

"For your information,naiinis na sayo yan si Kylie kakalibre sa atin lalo na sayo dahil sa katakawan mo!" Reklamo ni Juliana.

"For your information din!Isa ka sa pinakamaraming nakakain sa mga nililibre niya!" Depensa ni Drew.

"For your information din!Ang ingay niyo!Dinig na dinig kayo sa buong canteen!" Literal na sabi ni Angel sa kanila.Literal dahil maliit lang naman talaga ang canteen at may 9 long tables lang ang meron.

"May club na ba kayong sasalihan?" Change topic ni Sam.

Since malapit na ang foundation week,marami nang clubs ang nagbukasan at open na para masalihan ng mga students na gustong magpa-member.

"Bukas nalang ako sasali.Pipili pa ako." Sabi ko sa kanila kahit nakapili na ako.Bukas pa kase ang audition for Dance Club.

"Bukas pa ako sasali sa Singing Club.Bukas pa yung audition." Sabi ni Drew.

"Angel,Singing club ka din diba?" Pagtatanong ni Yesha kay Angel.

"Oo,sabay nalang kami ni Drew mag-audition bukas." Sagot ni Angel.

"Anong kakantahin niyo?" Tanong ni Elle.

May mga club na kailangan mo pang ipasa ang audition kaya kailangan may requirements na dala.Katulad nalang sa Singing Club na kailangan ng minus one na kakantahin mo sa audition,Dance club na kailangan ng kanta na sasayawin mo sa harap ng mga Club President, at last ay ang sa Art Club na kailangan ng sketchpad at drawing materials like pencil.

"Tadhana." Sabi ni Angel.

"Ikaw Drew?" Taning ulit ni Elle.

"Thinking of you ni Katy Perry." Sabi ni Drew.

"Lakas maka-hugot ng kanta!May lovelife na ba?" Natatawang tanong ko.

"Yieeeee!!Si Jin!" Pang-aasar ni Juliana kay Angel.Sad to say nagka-crush siya sa Bestfriend niya.

"Shhh!!Tumahimik ka nga!" Suway ni Angel dahil nasa likod na table lang namin ang barkada ni Jin.

Grade 8 na si Jin at naging bestfriend niya ito dahil magkapit-bahay sila at bestfriend simula nung ipinanganak sila dahil malapit na magkaibigan ang nanay nila.Sad to say magpapari yata.

"Tara akyat na tayo.Papa-akyatin ko pa yung mga kaklase natin." Sabi ni Angel dahil siya ang president ng klase.

Gaya ng sabi niya ay umakyat na kami habang siya ay pinapila na ang mga kaklase namin.Dinig na dinig ko pa hanggang dito sa hagdan ang sugaw niya.Mukhang nagpapasaway na naman si Jake.Ang dakilang trouble maker ng school,suki pa ng Guidance.Sad to say,kaklase namin siya kaya tinagurian ang section namin na pinaka-pasaway dahil sa amin na nag-ipon ang mga pasaway na hinawaan niya.

Pagkadating sa room ay dumiretso na kami sa kanya-kanyang upuan at sumunod naman nagsidatingan ang mga pinapila niya kaya napuno ng ingay ang room.

Highschool ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon