HC21:Bestfriend

695 39 4
                                    

Happy 5k reads :))


~~~~
"Uhmm..Kayo na ba?"

Pagkasabi nun ni Ate ay ang pagkagulat ko.As in,grabe.Mukha ba kaming couple?Kase kung oo,Ate gusto na kita.Huehuehue.

"I mean,boyfriend-girlfriend thingy o kaya M.U.?" Paglilinaw niya.

"Hindi po kami.Magkaibigan lang po." Sabi niya.Para namang may tumusok sa dibdib ko.Friendzoned.Psh.

"Ahh,okay.Sige,alis muna ako bibili muna ako ng bagong stock ng medicines.Pakilagay nalang dyan sa table kung tapos na kayo." Sabi ni Ate at Umalis na.

#Awkward

Tahimik lang ako habang pinapahid niya yung cold compress sa noo ko.Medyo ramdam ko na din na nawawala na yung bukol.

"Ayos na." Sabi niya sabay lapag sa table nung cold compress."Tara na."

Tumayo na kami at lumabas na ng clinic.Still...Awkward.

"Uhmm..Salamat."

"Okay lang.Para na din kitang kapatid." Asdfghjkl?!Friendzone kanina ngayon kapatid?!

Pinilit kong huwag umiyak,like duh.Babae ako,maramdamin. Tsaka,wala akong maayos na confession pero matinding rejection na ang natanggap ko.

"Aww!" Bago pa tumulo ang luha ko ay umacting na akong napuwing.

"Anong nangyari?" Halatang may paga-alala sa boses niya.

"W-wala.Napuwing lang.Mauna kana may pupuntahan pa ako." Sabi ko at tumakbo na palayo.

Hindi na niya ako sinundan kaya dumiretso na ako sa C.R. ng girls tsaka naghilamos.Napatingin naman ako sa reflection ko sa salamin.

"Tsh,ang panget mo umacting."Sabi ko sa sarili.Nagstay lang ako sa loob ng C.R. hanggang sa mawala ang pamumula ng mukha ko.Mabuti nalang at wala masyadong nagsi-C.R.

*Kring!Kring!*

Dumating ang recess.Mabuti nalang at walang morning teachers.

Lalabas na sana ako ng C.R. ng may makabunggo ako.

"Sorry.Sorry po." Sabi ko.May payuko-yuko pa tsaka pinulot yung mga gamit na nahulog niya.

"Tsk!Hindi kase nag-iingat.Akin na nga yan!" Sabi niya sabay hablot ng gamit niya sa akin tsaka umalis na.

Tss,baliw.-_-

Walang gana akong naglalakad sa corridor habang ang isang kamay ay nasa bulsa ng palda ko.Walang ganang sinisipa ang mga gamit na nadadaanan.

"Psh—Ayy!" Nagulat naman ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod.

"Van?!" Gulat na sabi ko ng makita ang childhood friend ko.

Childhood friend ko siya nung Three years old ako hanggang sa mag 7 Years old ako. Nagkahiwalay lang kami ng lumipat sila ng matitirahan.Siya din ang nagbigay nung charm bracelet na nawala ko.

"Haha!Akala ko hindi mo na ako maaalala." Natatawang sabi niya.Namiss ko yung gantong tawanan namin sa simpleng bagay.

"Ikaw lang naman ang walanghiyang laging yumayakap mula sa likod." Natatawang sabi ko."Musta na?Tagal na kitang hindi nakita ah!"Sabi ko sabay suntok sa dibdib niya.

Bumabalik ang pagiging boyish ko.Nasanay kasi akong naglalaro ng kotse-kotsehan kasama siya. Bihira ang barbie doll since wala akong masyadong kalarong babae.

"Eto gwapo pa din.Ikaw?Boyish pa din ba?"

"Medyo na lang.Haha!Napunta ka dito?" Tanong ko.

"Plano ko lumipat.Nag-tour pang ako para hindi na ako maligaw kapag pumasok na ako."

Highschool ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon