HC11:Clinic

827 61 6
                                    

Dedicated sayo toh!Masyado akong natuwa sa comment mo sa previous chapter hahaha!
~~~~

Kinabukasan nagising ako nang 11 o' clock.Grabe,ang haba nang tulog ko.Biruin mo 11 ng madaling araw na ako natulog tapos nagising din ako nang 11 tanghali.13 hours akong tulog.

Nakipag-chat pa kase ako kanila Drew at puro reklamo sila dahil hindi ko sila sinama sa pagtago kaya nahuli sila.Nakapagpiyansa yung tatlo habang yung tropa ayun,mga dakilang PoorKid kaya nagtiis sila ng Isang oras sa loob.
 
"Morning."Sabi ko ng makita ko sila Mama na kumakain na ng lunch.Hindi natuloy ako nakapag-breakfast,magising ba naman ng tanghali eh.

"Kain ka na!" Sabi ni Mama kaya umupo na ako para kumain.

"Anong oras pasok mo ngayon?" Tanong ni mama habang kumakain kami.

"Ala-una po.May practice po kami ng sayaw." Sabi ko.

"Musta naman pala yung event?Ikamusta mo ako sa ninang mo ha!" Sabi ni Mama."Namimiss ko na yun eh!Tsk!Imbitahin ko nga sila dito pag may time noh Karl?"

"Oo nga noh?As soon as possible.Magse-set na ako ng date." Sabi naman ni papa at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Ilang oras pa ay natapos na akong kumain ay umakyat na sa kwarto para maligo at mag-ayos para maka-alis na ako.Mas mabuti na yung maaga ako makadating tsaka mahirap mapuno ang tricycle ng ganitong oras.

"Ma!Pa!Alis na po ako!" Sigaw ko dahil nasa kusina pa sila. Gumagawa na naman siguro ng bagong recipe si Mama.

"Geh!Mag-iingat ka ha!Ikamusta mo ako sa ninang mo!" Sigaw din ni Mama.

Umalis na ako at sumakay na ng tricycle.Inabot din ako ng Labin-limang minuto bago makadating sa school.Dumiretso naman ako kaagad sa room pero pagdating duon ay walang tao.Nasaan yung mga yun?

Tinignan ko muna ang orasan ko.12:05 palang pala.Marami pa akong time para hanapin sila.Habang naglalakad ay nakadinig ako ng ingay.Kahit maingay sa paligid alam ko pa din ang ingay nila.Yung ingay na pang-abnormal.

Nakita ko naman sila sa isa sa mga room sa building B.As always, nagkakagulo na naman sila.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko.

"Tayo daw ang gagawa ng Horror Booth sabi ni Ma'am." Paliwanag ni Angel.Kaya pala may mga paagiw-agiw pa sila.Akala ko normal na kalat lang nila.

"Mukhang patapos na kayo ah?"Puna ko.May mga takip na yung bintana,may mga nakasabit na sinulid at may mga bulak pa.Naka-ayos na din yung mga upuan nila.

"Hindi pa,lalagyan pa namin ng make-up yung iba." Sabi ni Angel.

"Wag niyo nang lagyan ng make-up si Jake.Ngumiti lang yan, nakakatakot na eh." Sinadya ko talagang lakasan para madinig ni Jake.

"Tawagin ko kaya si Xiz!" Reklamo niya.

"Gawin mo!" Sigaw ko pabalik.Ako pa talaga hinamon niya ah!

"Sige!" Sabi niya at lumabas.Hayaan ko nalang yun.Lalabas lang yun.

"Ako nalang mag-make up sa iba,sino ba yung lalagyan ko ng make-up?" Tanong ko at hindi na inalala si Jake.

"Cass!Fey!Halika kayo!" Tawag ni Angel."Sila yung makakasama mo sa paglalagay ng make-up.Duon nalang kayo banda." Turo ni Angel sa isang sulok. Tumango nalang kami at pumunta na doon.

"Xiz!Pasok ka dali!" Agad naman akong napatingin sa Pinto at kasabay nun ang pagtigil ko sa paglalakad at pagtigil sa paggalaw ng mga tao dito sa loob.

"Hinahanap ka ni Kylie,yun siya oh!" Dagdag pa niya.

Pagkapasok ay napahinto naman siya sa may pinto.Kasama niya sa likod si Kuya Jacob.Napansin din siguro niya ang awkward na bumalot sa buong room.

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now