HC33: Lei's Feelings

743 35 7
                                    

Nang madinig ko ang sinabing iyon ni Drew ay kinabahan ako.Kung bukas nalang kaya ako umamin?Bukas nalang kaya para siguradong medyo malamig na ang ulo nun.Baka kapag umamin ako ngayon,ako yung mapagbuntunan pa ng galit nun.

Tsk!Malapit na ang uwian pero hindi ako makapagdesisyon.Ang hirap talaga umamin. Nakakatakot makatanggap ng rejection.Ilang beses akong napabuntong-hininga bago ako makapili.

Bukas nalang para sigurado at para madagdagan ang lakas ng loob ko.

Tumayo na ako at inayos ang bag bago lumabas.Sakto namang nakasalubong ko si Van.

"Kylie,tulungan mo naman ako dito." Sabi ni Van.Halata sa mukha nya na nahihirapan siya sa mga librong buhat-buhat niya.

"Kawawa ka naman." Pang-aasar ko sa kanya at kinuha ang ilang libro at binuhat ito.

"Bilib talaga ako sa'yo Kylie. Tutulong ka na ngalang ,tatlong libro pa ang kinuha mo.Kung nabibigatan ka sabihin mo lang,ibalik mo nalang dito." Sarkastikong sabi ni Van sa akin.Sa 15 na makakapal na libro ay tatli kang ang kinuha ko.

"Saan mo naman dadalhin to?" Tanong ko.

"Sa may library,mga bagong libro na bagong deliver lang at inutusan ako ni Ma'am na ingatan to habang papunta ng library." Napatango nalang ako sa sinabi niya at nagsimula na kaming maglakad.

"Ghad!Ang sweet ni Kuya, tinutulungan si Ate magbuhat!"

"Kaya nga,magjowa siguro."

"Siguro nga,bagay sila.Kyaa!"

"Siguro nakita niyang nahihirapan si Ate kaya tinulungan ni Kuya."

"Siguro nga.Ang sweet naman!"

Napatigil ako sa paglalakad ng nadinig ko ang bulungan ng mga estudyante na nagtsitsismisan. Humakbang ako paatras upang makaharap sila,mga Grade 6.

"Hindi kami magjowa at never kaming magiging magjowa, okay?" Paglilinaw ko at naglakad na.

"Peto bagay kayo ate!" Pahabol na sigaw nila.Babalikan ko pa sana kaso nagsitakbuhan na sila.

"Haha!Nakaka-G na ba?" Natatawang banggit ni Van.Natatawang tumango ako.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makapunta kami sa library.Pinalapag sa amin ni Ma'am yung mga libro sa rable at siya na daw ang bahalang maglagay nun sa mga shelves dito sa library.

"Sige ma'am,una na po kami." Tinanguan nalang kami ni Ma'am atsaka lumabas na ng library.

"Oy,may utang ka saaking Clover ah.Tinungan kita duon sa libro,bigat na bigat ako duon." Pang-aasar ko habang hinihimas-himas ang braso ko na akala mo ay inabot ng 10 kilos ang bigat ng libro.

"Wow!Nahiya naman ako kung sabagay,magaan lang ang mahigit sampung libro!" Sarkastikong sabi niya at mas lalo ko lang siyang tinawanan.

"Okay lang yan,atleast, napatunayan mo na lalaking-lalaki ka talaga." Pang-aasar ko pa at hinagod ang likod.

"Sinasabi mo bang bakla ako?" Halatang naasar na sabi niya.

"Parang ganun na nga." Natatawang sabi ko at tumakbo palayo.Siguradong batok ang aabutin ko sa babae—este sa lalaking yun.Hahaha!

Kahit hindi niya na ako hinahabol ay tumakbo nalang ako.Bigla naman akong may nabangga ng paliko na ako.

"Sorry!Sorry!" Sabi ko at pinulot ang ilang gamit na nahulog. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ang pangalan sa isa sa mga librong nahulog.

"Pranx—" Nang maiangat ko ang tingin,akala ko si Pranxiz ang makikita ko.Si Ate Lei pala.

"K-kylie,ikaw pala." Sabi niya at  kinuha naman niya sa akin ang mga librong nahulog.

Halatang gulat na gulat siya na makita ako dahil sa panlalaki ng mga mata niya.Medyo nanginginig pa ang kamay niya ng kuhain sa akin ang mga libro.

"Ate Lei,sorry." Sabi ko.

"O-okay lang,suge una na ako." Sabi niya at nagmamadaling umalis.Bakit kaya siya nagmamadali?Weird.

Epekto siguro ng tambakang project,activities at homeworks.Magsi-senior high na kase sila kaya sinasabon na sila ng mga teacher.Kaya siguro highblood si Xiz.Tsk.

~~~~
Dumating na naman ang Monday,Ber months na naman pala.

Naalala ko tuloy yung mga christmass party namin last year.Lagi kong hindi nakakasama si Xiz dahil laging abala sa pagpapractice ng mga performance lalo na ako dahil kasama ako sa dance club.
Tuwing araw naman ng performance ay lagi akong nasa backstage dahil maya't-maya ay kami na ulit ang susunod na magpe-perform.

Jeez,feeling ko tuloy hindi ko ulit makakasama si Xiz ngayong Christmass party.Baka kase this week ay magkaroon na ako ng kapal ng mukha at lakas ng loob umamin sa kanya tapos after nun ay magkakaiwasan na kase nga "awkward".

"Haay!!Ber months na naman!" Sigaw ni Van ng makapasok ng room.

Kung titignan ang mukha niya ay maaliwalas ito at walang bakas na may problema siya na katulad ko.Oo,namomoblema din ang loko kung paano umamin kay Peach na love of his life. Nagagawa niya pang magloko na may gusto "daw" ako sakanya samantalang ako,eto,halos lumabas na ang utak kaka-isip kung paano umamin.

"Huy!" Pinutol ni Van ang pag-iisip ko habang iwinawagayway ang kamay sa mukha ko.

"Ikaw ah!Sabi ko na nga ba eh!May gusto ka talaga sa akin." Sabi ko na nga ba.Mang-aasar na naman ang loko. -_-

"Okay kang na titigan mo ko.Para ma-appreciate mo kung gaano kagwapo ang mukha ko." Inirapan ko nalang siya at nanataling nakatitig sa kawalan.

"Ewan ko sa'yo.Tignan natin kung makapag-asar ka pa kung sasabihin ko kay Peach yung lihim nung isa diyan." Napangisi ako."Maniniwala naman yun kase kaibigan ko yun eh.Ano kaya magiging reaksyon niya?"

"K-kylie,maraming akong allowance this week.Libre kita mamaya sa canteen ng clover,ilan gusto mo?" Halatang kinakabahan na sabi nito.

"H'wag na,madami din yung baon ko.Masaya akong magkukwento habang nakain mamaya kasama sila Peach."

"K-kylie,wala namang ganyanan. Hindi ko naman sinabi yung tungkol sa plano mong pag-amin kay Xiz eh." Pagmamakaawa niya pero tinawanan ko nalang siya.

Lumabas mun ako saglit ng room at dumiretso ng canteen.Katatapos lang ng flag ceremony at hanggang ngayon ay puno pa din ang school ground.

Nakapasok na ako ng canteen ng makita ko si Ate Lei kasama sila Drew.Mukhang wala din ang teacher nila.

"Hi." Bati ko at naki-upo sa tabi ni Elle.

"Yows,wala din kayong teacher?" Tanong ni Angel,umiling nalang ako.

"Ano nga ulit yung sasabihin mo Ate Lei?" Tanong ni Juliana.Mukhang may pinag-uusapan sila kanina bago ako dumating.

"W-wala,next time ko nalang siguro sasabihin." Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain ng sandwich na baon niya.

"By the way,may ipe-perform na ba kayo sa X-mass party?" Tanong ko.

"Aga naman?Wala pa ngang november teh." Nakangising sabi ni Drew.

"Alam mo na ba yung Date ng x-mass party?" Tanong ni Juliana.

"Ang sabi ni Ma'am,second week of December daw." Sabi ko."Ang bilis ng panahon noh?Parang kahapon lang ay excited na ako sa summer tapos ngayon,magde-december na naman."

"Buti nga ang panahon unuusad,ang feelings mo kailan?Bhe yung totoo,kailan ka ba talaga magmumove-on?" Pang-aasar ni Drew.

"Tsk,kaya nga eh.Siguro darating dun yung panahon na yun.Hindi nga lang ngayon." Kibit-balikat na sabi ko.

"Gusto ko pa din ba si Xiz?" Tanong ni Ate Lei,napatungin naman ako sa kawalan.

"Hindi,mahal ko na yun eh." Sabi ko at nginitian siya,kabaliktaran ng nagung reaksyon niya.

"G-gusto ko na din ata siya Kylie." Gulat kaming tatlo na napatingin sa kanya."Sorry."

End of Chapter 33

Shocks!Hindi nakapag-ud kaagad.Sorry guys!

By the way,ano bang magandang name ng girlgroup?Kpop ah!Comment below,tnx
<3<3<3<3

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now