HC17:2 years later..

775 46 3
                                    

Days have passed at first day af school na naman.First day of being a Grade 9 student to be exact.

"I nominate Kylie Villanueva for Muse." Napayuko na lang ako sa sinabi ni Ivy.

To tell you what happened for the past two years.Well,Ninang offered me to accelerate kaya eto,Grade 9 na ako.Sila Drew naman ayun,mga loka-loka pa din and i still remember kung paano nila ako pinagtulakan na mag-move ng one year.Sabihin ba naman na...

"Sige,mag-accelerate ka,now na tapos mag-accelerate ka ulit next year para magkaklase na kayo ni Xiz." -_-

Minsan nalang din kami makapag-bonding since tambak na ang mga projects at activities last year at expected ko na mas tambak pa ngayong school year.

"So who's in favor for Shy?" Tanong ni Ma'am.Maganda naman siya kaya siguradong mananalo siya pero dahil pinagtitripan ako ng buong klase walang tumayo para sa kanya. Sana pala hindi nalang ako nag-accelerate.-_-Wengya talaga.

"Then,who's in favor for Kylie?"

Pagkasabi nun ni Ma'am ay kasabay ng pagtayo ng lahat ng kaklase ko.May hiyawan pang ganap ang mga loko. -_-

"Okay so our muse is Kylie Villanueva.So let's move to our next nomination.The nomination for Escort is now open." Sabi ni Ma'am.

Halos lahat ng nagtaas ay babae. Gusto ko din sanang magnominate kaso wala akong kilala pa.Nag-introduction naman kanina kaso hindi ako nakapag-focus na kabisaduhin ang pangalan at mukha nila sa sobrang kaba ko.Masyado akong nape-pressure.Mahirap din habulin ang lessons na hindi ko napag-aralan dahil nagskip nga ako ng One year.Two years older pa ang mga kaklase ko kaya parang mahihirapan yata akong makahanap ng kaibigan—O hindi?

"Hi Kylie!" Nagulat naman ako kay Ivy,biglang nasigaw.

Tapos na pala ang nomination kaya breaktime na.Kaya pala ang lakas na ng loob nilang mag-imgay.-_-

"H-hi." Nahihiyang sabi ko.

"Ivy nga pala." Psh,paanong hindi ko matatandaan ang pangalan niya eh siya lang naman ang walanghiyang nagpakilala sa harap.May mga hand gestures pang nalalaman pero kami ay nangangatog na ang tuhod sa sobrang kaba.

"Ano ka ba!Wag kang mahiya sa akin.Mabait ako tsaka hindi naman ako nangangain." Sabi niya ng mapansing hindi ako nasagot.

"May mga kaibigan ako,gusto mo makilala?" Tanong niya."Para naman hindi ka masyadong ma-OP.Tsaka,One Year older lang kami sa'yo noh."Tukoy niya sa mga kaibigan niya.

Well,wala namang masama diba?

"S-sige." Natangong sagot ko. Tumayo siya at sumunod naman ako sa kanya.

Nadatnan namin ang kaibigan niya na nanonood sa phone habang nagsasalo sa isang malaking chichirya.

"Bhes!Bago kong kaibigan!" Napatingin naman sa amin yung mga kaibigan niya.

"Kylie si Peach at Kate.Kate,Peach eto naman si Kylie." Pagpapakilala sa akin ni Ivy kanila Kate at Peach.

"Hi!Peach nga pala.Hindi Orange hindi Pink.Peach!" Pagliliwanag ni Peach na hindi Orange at hindi Pink daw.

"Kate is the name.Ikaw si Kylie diba?" Tanong niya.Tumango nalang ako. Kakasabi lang ni Ivy diba?

"Kasama mo ako sa modelling agency.Senior kita!"Nagtaka naman ako sa sinabi niya.Ako?Senior?Eh mas matanda nga siya sa akin eh!

"I mean,rookie palang ako sa agency as in kakapasok ko lang last month.Mas nauna ka sa akin kaya senior kita.Idol kita!" Nakangiting paliwanag niya. Nahiya tuloy ako.Ang panget ko kaya,mas maganda pa siya sa akin.

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now