HC32:Someone's Jealous

821 37 15
                                    

Hi to LouieJaneGadja, KarelCodero,LeynCarla, nerd_thailove,smnthmjmllsclcs (pinahirapan mo ako sa UN mo😂) and to Arianators2113.
Pati pala kay Julianaelles(?)
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Sampung puso para sainyo😂

~~~~
7:00 palang ay nasa school na ako,nasa room to be exact.

Wala pang masyadong estudyante at mga teachers palang yata ang kasama ko ngayon sa buong campus.Trip ko lang talaga pumasok ng maaga kahit mamayang eight pa ang simula ng klase.

Nang mailagay ko na ang gamit ko sa upuan ay bumaba muna ako at naglakad-lakad muna sa may garden habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

Naalala ko tuloy yung naisip ko kagabi,confession na naman. Paulit-ulit na confession na hindi naseseryoso dahil biglaan lang.
Maganda sana kung February ako aamin para saktong Valentine's Day kaso 5 months pa yun.Nakakasawang mag-antay. -_-

Bakit kaya ganun?Ilang beses na akong umamin kay Xiz pero parang hindi naman niya sineseryoso.Pag-umamin ako,kinabukasan ay parang walang nangyari.

Makakalimutin ba siya o sadyang hindi niya lang talaga sineseryoso?O baka naman hindi siya naniniwala at gusto niya yung bonggang confession?

With confetti and flowers ba?Tsh,new generation na ngayon at hindi na uso ang lalaking nanliligaw sa babae.Sa Panahon natin ngayon dapat gumagalaw na din ang babae para sa ikauunlad ang ekonomiya natin.Lol.

Eh kung card nalang kaya?Tutal medyo pangbabae naman yun tapos chocolate.Kapag bulaklak naman ay bibili pa ako kaso hindi naman valentine's day kaya mahirap maghanap tsaka mahal yun.

Nang maisip ko ang mga pwede kong ibigay ay agad akong bumalik sa room at kumuha ng pera sa bag ko,kasya na siguro sa 20 pesos.15 pesos na chocolate tapos 5 pesos na colored paper.Hehehe.

"Ate bibili lang ako sa may 7 eleven." Paalam ko,tumango naman ito at pinagbuksan ako ng gate.

Tingin sa kanan at kaliwa bago ako tumawid at makarating sa nasabing convinient store.As expected ay kakaunti lang ang tao.Hinanap ko na ang mga kailangan ko tsaka nagbayad sa counter.Dito muna ako para malamig..

Umupo ako sa isa sa mga tables tsaka inilapag ang gamit ko nang maalala ko na nasa bag pala lahat ng art materials ko.Kapag tanga ka nga naman ay nakalimutan kong dalhin ang materials na gagamitin ko.Tsk.

Bumalik nalang ako ng school at dumiretso sa room at umupo sa upuan ko.

I folded the paper into half tsaka dinikitan ng kung anong kaekekan na ginupit ko lang sa binili kong colored papers.

"Kylie,aga mo naman." Si Cathy pala.Agad ko namang inalis yung mga kalat ko sa table ko.Mabuti at hindi nya nakita,hindi ko pa kase nabubuksan ang ilaw sa room kaya madilim pa.

"Ang dilim naman dito,anong ginagawa mo?Mukha kang nangkukulam." Asar niya sabay bukas ng ilaw.

"Grabe,ang sama mo sa akin."Sabi ko habang palihim na inaayos yung materials na nakatago sa ilalim ng desk ko.

"Pupunta ako ng canteen,sama ka?" Taning niya.

"No thanks,sige lang." Sabi ko.

Pagkalabas niya ay inilabas ko na ang material ko tsaka sinimulan ng gawin.Sana lang ay wala pang dumating para matapos ko toh tsaka sana,kapag binigay ko rmtoh kay Xuz ay tanggapin niya kase kung itatapo—

"Boo!"

"Kingina mo!" Sabi ko tsaka pinaghahampas si Van.More on sapak.

"Aray!Ang sadista nito,ginulat ka lang eh!" Depensa niya."Teka,letter ba yan?"

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now