HC27:Andrea

662 37 5
                                    

Hindi ko na hinayaang mahimatay ako dahil sa parang kaunti nalang ay lalabas na si Heart kaya lumabas na muna ako ng AVR.

Takte,mukhang ang maganda pa naman yung topic nung video  kanina. Hayaan na,kokopya nalang ako kay Van.

Didiretso na sana ako sa room ng may maramdaman akong sumusunod sa akin.Mas binilisan ko pa ang paglalakad or more on tumakbo na ako sa pagbabakasakaling hindi niya ako maabutan.

Pero sadyang mabilis ang taong sumusunod sa akin kaya naabutan niya ako.

Hinarangan niya ako at nagulat ng makitang si Xiz yun. Ghad,akala ko naman may stalker ako na sumusunod sa akin katulad ng mga nabasa kong pocket books.Akala ko lang pala,wengya. -_-

"I-i l—"

OMAYGHAD!

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh,matutuloy na.Bumabalik na yung feels na naramdaman ko nung unang beses.

"May pupuntahan pa ako." Sinubukan kong tumakas pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako.

"I-i left my wallet in your bag pwede ko bang makuha?"

...

...

...

...

...

...

....

...

...

My world stopped.

So all this time,

Naga-assume lang ako..

Na magco-confess siya sa akin?

#Kaiyak

"H-ha?Anong W-wallet?" Pigil ang iyak na tanong ko.Nakakaiyak ang pagiging assumera ko.Pwede na akong bigyan ng award na Assumera of the Year.

"Remember nung recess?Di'ba sabay tayong kumain kasama sila Lei,magkatabi yung bag natin at accidentally,nailagay ko yung wallet ko sa bag mo.Kukunin ko na sana." Napakamot siya sa batok."Nung isang araw ko pa sana sinabi sa'yo kaso pinutol nung kaibigan mo."

"A-ah,ganun ba?Sige,kukunin ko tutal papunta naman ako sa room."

"Samahan na kita." Alok niya na hindi ko tinanggihan.

Pagkapasok ng room ay dumiretso ako sa upuan kung nasaan yung bag ko at hinanap duon ang wallet ni Xiz.Nakita ko sa sulok ang black leather na wallet na sa tingin ko ay kay Xiz kaya kinuha ko ito at ibinalik sa kanya.

"Tara,balik na tayo." Alok niya ulit.

"Mauna ka na,may pupuntahan pa ako." Paalam ko.Hindi na siya nagtanong pa kaya pumunta na ako sa Garden.

Habang nagpalakad ay lumulutang ang isip ko.Swerte nang isip ko,baka sa kakalutang ay nakapunta na ng Seoul.

Wala sa sariling umupo ako sa tabi ng punong may ukit ng pangalan ko at ni Xiz kaya nauntog ako sa may puno.

Maya-maya pa ay bigla akong natawa,natawa sa sariling kabaliwan na nagsasabing aamin sa akin si Xiz na gusto niya ako.
Mukha akong baliw na tumatawa mag-isa dito.

Kakatawa ay may lumabas na tubig sa mata ko,hindi ko alam kung tears of joy,luha dahil mali yung akala ko at ang mas malala ay luha dahil umasa na naman ako.

Hindi pala umasa,umaasa dahil patuloy akong umaasa sa loob ng dalawang taon na lumipas. Nagdaan ang mga panahon at nadagdagan na ang mga crush ko pero nagii-stay strong siya sa loob ni Heart.

Ayaw niyang umalis,pagiging madre na yata ang destiny ko.

At forever mentally in a relationship with Mr.Jeon Jungkook.

"Magmu-move on na talaga ako this week." Bigla akong nabuhayan ng loob at napatayo ako.

Wala namang makakakita sa gagawin ko dahil nasa klase lahat ng mga estudyante.

"MAGMU-MOVE ON NA AKO KAY XIZ!AAHHH!" I shouted 'til I run out of breath.

"Talaga?Magmu-move on ka na?"

O_O

End of the world na para sa akin ng marinig ko ang boses na yun

Dahan-dahan akong tumingin sa direksyon ng nagsalita at mas lalong nanlaki ang mata ko sa nakita.

"A-andrea."

"H-hi?" Lumabas siya mula sa likod ng puno na sa tingin ko ay kanina pa siya nakatambay.

"Hindi ko sinasadyang marinig yung sinabi mo pero,crush mo lang ba talaga si Xiz?"

"H-ha?" Painosenteng tanong ko.

Napatawa siya,"Ikaw,wag mo nang itago.Parang buong camous ay alam na ang tungkol d'yan sa feelings mo."

Seriously?Buong Campus?!

"I'm not your enemy by the way, ang incest kung magkakagusto ako kay Xiz.".

Another "Ha" ang natanggap nya mula sa akin.So all this time,ang pinagseselosan ko ay kapatid niya?!

"M-magkapatid kayo?",hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hindi pero we treat each other like brother and sister,I'm older than him at kapatid lang ang turing ko sa kanya.Malapit ako sa kanya since I'm an over-protective sister sa kanya kaya siguro ako napagkamalan na may gusto sa kanya ng karamihan sa estudyante dito."

"I'm Andrea by the way." Dagdag niya.

"Kylie."

"Yeah,I already know you.Medyo sikat ka na dito."Umupo siya sa may damuhan.

"So back to the topic,crush mo ba talaga si Xiz?"

Wala namang masama kung sasabihin ko,kagaya nga ng sabi nya ay alam naman ng karamihan ng estudyante sa campus.

"S-Siguro?" Naupo ako sa tabi niya.

"Siguro?Magmu-move on ka na sa feelings mo na hindi ka sigurado." Hindi ko ma-gets. -_-

"You know what,hindi mo naman kailangang itago sa akin.I'm a good listener at hindi ko naman ipagkakalat ang sikreto mo."

She looked sincere at totoo sa mga sinasabi niya.Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"I-i do not know kung crush parin p-pero magmu-move on na ako sa kanya."

"Bakit ka ba kase magmu-move on eh wala namang kayo."

Bull's eye..

"H-ha?I mean,i le-let go ko na yung feelings ko sa kanya."

"Bakit nga."

"K-kase.. I don't think na may pag-asa pa ako sa kanya.As you can see,dalawang taon na ang nagdaan pero walang progress sa feelings ko."

"Ganito nalang,I will help you move on then kapag hindi ka nakapagmove-on within a week,may sasabihin ako sa'yo."

Agad naman akong na-curious sa sasabihin niya."Ano yung sasabihin mo?"

"Sasabihin ko kapag hindi ka nakamove-on kay Xiz."

"Eh,pwedeng pa-extend ng 3 weeks?" Computer shop lang?Pa-extend?

"Tsh,bawal."

"K." Maikling sagot ko."Uhmm,una na pala ako."

"Sige,basta yung sinabi ko ah.Kita nalang tayo bukas."

Tinanguan ko nalang siya tsaka bumalik sa AVR,hindi maalis sa isip ko yung sinabi niya kanina.Ano kayang sasabihin nun?

Bahala na,basta ang mahalaga ay kapatid lang ang turing niya kay Xiz.Nabawasan ang kaagaw ko.

Hahaha!

End of Chapter 27

Highschool ConfessionOnde as histórias ganham vida. Descobre agora