HC39:Hate

706 28 16
                                    

"Pang-ilang araw mo nang nakakatanggap ng ganyan?" Tanong ni Aris ng makitang may kinakain na naman akong chocolate.

"Hmm,pang-apat." Sabi ko habang binabasa ang letter na nanduon.

I - letter I for your Irresistable Beauty.

R - letter R for you Recognizable Cuteness.

"Cute daw ako.Haha!" Natatawang banggit ko sabay kain ng isang chocolate.

"Masyado ka nang pinupuri ng admirer mo,lumalaki tuloy ulo mo.Mas lalo kang hahangin." Seryosong sabi niya sa akin.

Inirapan ko siya,"hindi ko alam kung bakit ansama mo sa'kin.Baka naman..Inggit ka lang?Sabihin mo lang,ibibigay ko nalang sayo tong isa." Alok ko.

"Tsh," tanging sagot niya.

"Sa tingin mo,sino 'yang admirer mo?" Tanong niya.

"Hmm," napaisip naman ako."Hindi ko alam..Pero sana guwapo."Nakangiting sabi ko.

"Kylie!" Nagulat naman ako ng makitang tinawag ako ni Sam.Kasama nito ang barkada.

Nginitian ko sila habang sila ay lumapit sa puwesto namin ni Aris.

"Andaya mo!Akala namin iniiwasan mo kami." Nakasimangot na sabi ni Drew.

"Oo nga!Yun pala,nakikipag-date ka kay Aris!Daya mo bhe, inunahan mo kami." Sabi ni Angel.Binulong niya ang huling sinabi na nagpatawa sa akin.

"Hayaan mo,rereto ko kayo.",nakangsing sabi ko habang walang kaalam-alam si Aris na siya ang pinaguusapan namin.

Busy lang siya sa pagusisa sa box ng chocolate.

Magsasalita sana si Yesha ng makita ang chocolate na kasalukuyan kong kinakain.

"Sino nagbigay?" Tanong niya at dahil busy ako sa pagkain ay tinignan ko nalang si Aris,senyas na siya ang sumagot.

"Sa admirer niya." Tipid na sabi nito pero ganun nalang ang epekto sa mga kaibigan ko.

Nakita ko nalang silang naka-upo sa damuhan habang naghahampasan.Mga hindi na nahiya. -_-

"Pasensya ka na sa mga kaibigan ko,minsan lang silang ganyan." Natatawang bulong ko kay Aris.

"Para sayo minsan.Ako,araw-araw ko silang nakikitang ganyan." Reklamo nito.Wengya talaga tong mga kaibigan ko.

"Bili muna ako ah,ikaw na bahalang.." Tinuro ko yung mga kaibigan kong nakaupo pa din sa damuhan."Alam mo naman."

Wala na siyang nagawa at tumango nalang."Oo,bilisan mo nalang."

"Wait,may ipapabili ka ba?" Umiling siya kaya naman mabilis akong tumakbo papunta ng canteen at tsaka bumili ng paborito kong clover.

Habang pabalik sa garden ay hindi inaasahang nakita ko si Xiz na tahimik na nagbabasa sa isang bench.

Hindi na ako nagdalawang isip,kahit kinakabahan ay lumapit ako sa kanya.

"Uhmm,Xiz." Hindi siya lumimgon kaya nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.

"G-gusto kong sabihin n-na.."

"Na s-sana magkaibigan pa din sana t-tayo." Mukhang wala talaga siyang balak magsalita."Y-yun lang."

Aalis sana ako ng magsalita siya.Bigla naman akong nagkaroon ng pag-asa sa himdi malamang dahilan.

"Kylie."

Lumingon ako at nakitang nakatutok pa din ang mukha niya sa libro.Yung pag-asa naramdaman ko ay biglang nasamahan ng kaba.

"Gusto ko.." Tumingin siya sa akin.

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now