HC7:HHWR

967 57 1
                                    

New Version of Chapter 7!!

~~~~
"Shiro!" Tawag ko sa aso ko na kakabigay lang sakin nila mama kahapon.

Mabuti nalang at weekend ngayon kaya kahit papaano ay kahit dalawang araw lang ay may roon akong mapayapang araw.

Walang gulo..

Walang maingay..

Walang daldalan..

Walang nag-aaway..

Walang nang-aasar..

Walang Tsismos—.

"Nak nandyan yung mga kaklase mo sa baba." Sigaw ni Mama mula sa labas.

Yung word palang na 'kaklase' ay alam mo na nandyan ang barkada.Yung Magulo,Maingay, Madaldal,Nag-aaway,Pang-asar at  mga tsismosang mga kaibigan ko. -_-

Iniwan ko muna yung aso ko sa kwarto tsaka bumaba na.Nasa hagdanan palang ako ay dinig na dinig ko ang daldalan nila sa baba.Kahit saang lugar o kahit anong oras man basta magkakasama sila ay hindi mawawala ang salitang Magulo, Maingay,Madaldal,Nag-aaway, Pang-asar at Tsismosa.

"Hi Kylie!" Bungad ni Sam pagkababa ko.Napahinto naman sila.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

"Pwedeng pakainin mo muna kami Kylie?Kahit pancit canton lang o kaya tinapay.Napagod kami sa paglalakad eh!" Reklamo ni Jake na hindi ko alam kung bakit nandito.Bakla talaga siguro toh..Ayaw pang umamin. -_-

Agad naman akong pumunta sa kusina para tanungin si Mama kung meron bang pagkain.

"Wait.Hintayin ko na lang maluto yung brownies." Sabi ni Mama habang hinahanda ang lalagyanan kung saan ilalagay yung brownies.

"Sige po.Salamat." Sabi ko at saka pumunta na sa sala.

"Kylie,niluluto na ba?" Tanong ni Drew.Tinanguan ko nalang sya tsaka pinausod si Elle para maka-upo ako.

"Anong gagawin niyo dito?" Tanong ko.

"Wala naman,susunduin ka kase dapat namin kaso ginutom kami kaya dito nalang kami makikikain tsaka,ipapaalam ka namin." Paliwanag ni Angel.

"Eto na meryenda niyo oh." Sabi ni Mama sabay lapag namg brownies at juice sa may table.

"Salamat po." Sabi ko kay Mama.

"Tita..Ipapaalam po sana namin si Kylie.Dyan lang po sa may simbahan." Paalam ni Juliana.

"Sige,basta makakauwi siya ng 5 ó clock." Nakangiting sabi ni Mama tsaka bumalik sa kusina.Okay lang naman na gumala kami dahil dito lang naman sa loob ng subdivision, tsaka,marami namang tanod na nagkalat.

"Anong naman gagawin natin sa simbahan?" Tanong ko.

"Magpapakabanal lang." Sabi ni Drew habang lumalantak na ng brownies.

"Luh?Anong Nakain mo?" Tanong ko at nakikuha na din sa brownies na malapit nang maubos.Ang takaw talaga ng mga toh. -_-

"Brownies." Obvious na sabi niya.Inirapan ko nalang siya.

"Tara na.Nandun na daw sila." Sabi ni Yesha.

"Sinong sila?" Tanong ko.Nagkatinginan naman silang lahat.

"Si ano..Basta yung sakristan na crush ni Angel." Paliwanag ni Yesha.

"Bakit naman nakikipagkita?" Tanong ko at tumayo na.

"Basta.Magbihis ka na lang." Sabi ni Angel habang tinataboy ako.Mga Wengya talaga. -_-

Pag-akyat sa kwarto ay naghanap ako ng damit ko.Hindi na ako naligo dahil naligo na ako kaninang umaga.Simpleng T-shirt lang tapos shorts na hanggang tuhod.Okay na toh kesa sa suot ni Juliana na naka-pajamas pa at nakasando naman si Jake.Hindi na nahiya,pupunta kami ng simbahan ng naka-ganyan sila. -_-

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now