HC9:Foundation Day!

1K 43 6
                                    

Umaga palang andito na ako sa school.To be specific nandito ako sa bahay ni ninang.Siya yung nagpatayo nitong school tapos nakatira siya sa dulong floor ng  building B.Masyado akong nae-excite kaya nauna na ako pumunta kahit hindi pa start ng parada.Hindi din naman ako sasabay sa parada dahil mainit ang panahon ngayon.

"Mhie! nood ako t.v. ha!" Sabi ko tapos talon sa sofa ng bahay ni mama.Mhie tawag ko sa kanya tapos sa tunay na nanay ko,mama.

Maliit lang itong bahay ni tita pero mukhang maluwag.Para nga itong condo sa laki at ganda ng interior designs.Halatang mayaman ang nakatira.

Nanood nalang ako ng cartoon network habang si tita gagawa ng speech niya para sa program mamaya.Foundation na kasi mamaya tapos dinala ko na lahat ng gamit na dadalhin ko para sasabay nalang ako kay tita mauuna kasi sila.

Habang nanonood ako nakaramdam ako ng gutom kaya sinuot ko muna yung jacket ko na may hood tapos bumaba na. Nakapajamas ako kasi ayoko ng masyadong expose yung katawan kahit yung nakashorts na hanggang sa taas ng tuhod tapos kapag magsasando ayoko din.Feeling ko kasi nakahubad ako eh.

Bumili na ako sa labas ng school.Bukas naman yung canteen sa school kaso ayoko kumain duon.Magja-jollibee ako.Sayang naman yung pera na ibinigay ni Mama sa pagkain ko nalang gagastusin.

Hindi kase makakasama sila Mama at Papa.Si Papa may trabaho,si Mama naman busy sa restaurant namin.May maliit kase kaming restaurant. Pinagawa yun ni Mama since nakapagtapos siya ng Culinary.

Tumawid na ako sa kalsada tapos lumakad na hanggang sa madaanan ko yung parish kung saan ako bininyagan tsaka dito ako lagi nagsisimba kasama sila mama tsaka ni papa.

Nang makita ko si Father kinawayan ko siya tapos binati."Good morning Father!"sabi ko.

"Good morning din kylie!Galingan mo ha!" Sabi ni Father.

"Bakit po?" Nagtatakang tanong ko habang nagbe-bless kay Father.Hindi ko siya nakita nung pumunta kami dito nung isang araw.

"Di ba sasayaw ka?Galingan mo ha!" Sabi ni Father na ikinagulat ko.

"Sige po!Thank you!" Sabi ko tapos nagsign ng 'bye' tapos naglakad ulit hanggang sa makapunta na ako sa jollibee.

"Anong order nyo po maam?" Tanong nung babae.

"Isang large fries  tapos isang coke float." Sabi ko tapos binayaran ko na din agad. Kakaunti lang naman tao dito. Puro single lang yung nasa paligid.Wala kasing Poreber.-_-

"Dine in po o Take out?"

"Take out."

"Eto na po maam!Thank you for coming,come again!" Sabi nya tapos lumabas na ako tapos naglakad ulit.

~~~~
Pagdating ko sa school nandun na yung ibang teachers na kasama ni ninang sa pagaayos sa GreenSide Auditorium.

Pag-akyat ko nagaayos na si ninang kaya nag-ayos na din ako tapos dinala yung skate board ko.Malaki space sa likod nung auditorium kaya magandang pang-skateboarding.

"Mhie una na ako sa kotse" sabi ko kay ninang nung ready na ako.

"Sige kunin mo nalang yung susi ng kotse sa table." Sabi ni Ninang habang inaayos yung gamit na dadalhin niya.

"Sige po." sabi ko tapos kinuha na yung susi tapos bumaba na papuntang kotse.

Pagkababa ko dumiretso na ako sa kotse tapos binuksan yung engine tapos sinalpak yung cp ko sa speaker nung kotse.Marunong akong magdrive pero bawal pa akong  magdrive mag-isa. Tinuruan ako ni Papa nung summer.

Pagkakabit ko ng cp ko dun sa speaker ng kotse pumili na ako ng songs tapos pinili yung closer by the chainsmokers.

"So baby pull me closer in the backseat of your rover that i know you can't afford ten ten ten ten ten ten tenten" Sabay ko sa kanta.May 'tenten' sa dulo kase di ko alam yung lyrics.

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now