HC2/43:Sana

673 25 9
                                    

Nakalimutan ko na kung kailan yung huling UD ko😅😅Hehe.Nasira kasi ulit si CP ko kaya hindi ako kaagad nakapagupdate.

So backread nalang kayo.Hehe😅😅
Sorry for the grammatical errors and wrong spellings.

~~~~
Kinaumagahan ay maaga akong nagising,malayo sa oras na ini-alarm ko sa aking orasan kaya naman imbes na bumangon ay humilata na lang muna ako.

Sa ilang minutong pag-iisip, ngayong umaga ko lang tuluyan naproseso na liligawan na ako ni Xiz.100%!

"Kyaaaaahhh!" Tili ko habang nakatakip ang unan sa mukha ko.

Hindi pa nakuntento at nagpagulong pa ako sa kama,huli na nang malamang nasa dulona ako kaya ang ending..

*BOOGSH!*

Bumagsak ako sa sahig,.

Imbes na mag-inarte sa sakot ng puwetan ay kinikilig na inalala ko yung nga nangyari kagabi kaya naman naalala ko yung ginawa kong pagsigaw ng pangalan ni Aris nung oras na yun kahit na ginawa ni Xiz ang sorpresa na yun.

Nakakahiya!

Ano kayang inisip nila nung sinigaw ko yun?Si Aris kase hindi sinabi sa akin na hindi siya yung nagbibigay nung chocolate at lette—so ako nga yung tanga,ako na yung tangang hindi naniwala na hindi siya ung nagbibigay kahit na inulit-ulit niyang sinabi sa akin.Nakakahiya!

Mamaya isipin ni Aris na may gusto ako sa kanya,haha!

Pero pinagtulungan ako ng mga loko!Umiyak-iyak pa ako,move-on move-on pa pero anong nangyari?Kay Xiz pa din ang bagsak ko.

Hindi man lang ako ininform. -_-

*TOKTOK!*

May kumatok sa pintuan kaya agad akong napabangon mula sa paglakahilata sa sahig.

"Nak!Gising na!"Sigaw ni Mama mula sa labas.

" O-opo!Susunod na po ako sa baba!",sigaw ko at kaagad dumiretso sa banyo upang maligo.

Habang naliligo ay hindi ko na naman maiwasan na maisip na nililigawan ako ni Xiz!

Paulit-ulit pero ganun talaga.CRUSH KO YUNG NANLILIGAW SA AKIN MGA BHE!Capslock para hindi halatang kinikilig.Chos.

Hindi ko pa tapos ang pagsha-shampoo ko nang makadinig na naman ako ng katok sa pinto. Isinara ko naman ang gripo para makadinig ng mabuti.

"Anak!And'yan na yung manliligaw mo,bilisan mo na d'yan!" Sigaw ni Mama mula labas.

"Opo!" Sigaw ko pabalik.

Sino namang manliligaw yun?

Sa kuryosidad ay binilisan ko ang pagligo ,pagbihis at ang pag-aayos ng gamit ko.

Pipihitin ko na sana ang doorknob ng may pumasok sa isip ko.Nagflashback bigla yung sinabi ni Mama sa akin sa banyo kanina.

"Anak!And'yan na yung manliligaw mo,bilisan mo na d'yan!"

Andyan yung manliligaw.

Yung manliligaw.

Manliligaw.

"Manliligaw?!" Napasigaw ako ng di-oras atsala dali-daling tumakbo papunta sa tapat ng salamin.

Umupo ako duon atsaka kinuha ang pulbo at naglagay ng kaunti sa mukha,maputi naman na ako at medyo pinkish na ang labi kaya mas onti pa sa kaunti ang inilagay kong lip tint sa labi ko.

Agad ulit akong tumakbo sa pintuan at napahinto ulit para lumingon sa salamin upang tignan kung maayos pa ang pagkakasuklay ko sa buhok ko.

Ayos na!.

Highschool ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon