HC4:Coincidence

1.1K 66 2
                                    


"Oo...Crush ko na." Sabi ko habang nakatulala pa din duon sa lalaki.

"Saan?"

"H-ha?" Tanong ko.Hindi ko kasi maintindihan.Masyado akong nagde-daydream duon sa lalaki.Lol.

Hindi naman ito ang first time ko na magkaroon ng crush pero ito ang first time na napatulala ako.

"Ang sabi nasaan!" Pagu-ulit niya.

"Nandun!—" Napatigil ako ng makitang nawala na sa dating puwesto yung lalaki."N-nawala." Sabi ko at tumingin pa sa paligid pero hindi ko na talaga makita.

"Mukha kang baliw.Sabi ko sa'yo uminom ka ng gamot mo ng hindi ka natutulala!" Biro niya.

"May nakita talaga ako!Promise!Cross my heart,mamatay ka man!" Sabi ko at itinaas pa ang kanang kamay.

"Oo na!Pinatay mo pa ako eh!Tara,hanapin natin yung forever mo!" Sabi niya sabay hila sa akin.

"Walang forever!" Reklamo ko.

"Edi love mo!"

"Crush ko palang!"

"Teka!Hindi mo naman alam itsura niya,paano mo siya mahahanap?" Tanong ko habang hila niya ako.

"Kaya nga hila kita diba."

"Sabi ko nga."

~~~~

"Haayss!!Mahigit Thirty minutes na tayong naghahanap hindi pa natin makita!Sa tingin mo,saan kaya nagpunta yun?" Tanong niya sa akin habang hinahabol ang hininga niya.

"Sa Garden?Duon ko naman siya nakita tsaka,yun nalang ang hindi natin napupuntahan." Suggest ko.

"Okay!Tara na!" At hinila na naman niya ako.

Waahh!!Napapagod na ako!

"Hi Ma'am Joy!" Bati namin ni Juliana kay Ma'am.Ka-close kasi namin yan si Ma'am at masaya kasama.

"Anong ginagawa niyo dito?Diba may practice?" Tanong ni Ma'am.

"Hinahanap po namin yung forever niya." Sabi ni Juliana kaya agad akong sumabat.

"May hinahanap lang po kami."

"Ano bang itsura nung lalaki nung nakita mo?" Bulong niya sa akin.

"Hmm...Naka-black na long sleeves na damit tapos naka-P.E. pants." Sagot ko.Agad naman itong lumapit kay Ma'am.

"Ma'am, may estudyante ba kayong naka-black na long sleeves?" Tanong niya kay Ma'am.Kapal talaga ng mukha ng bruhang toh.-_-.

"Tignan ko..Ayun!Yung nasa kaliwa." Sabi ni Ma'am habang tinuturo yung direksyon kung nasaan yung lalaki.

Pagkatingin namin ay nagulat ako dahil siya nga yun at mas lalo akong nagulat ng tinawag siya ni Ma'am.

"Xiz!May naghahanap sa'yo!"

"Tara na bhes!" Sabi ko sabay hatak sa kanya palayo.

"Aray!Grabe maka-hatak tsaka,sayang yung chance!Tinawag na nga para sa atin eh!" Reklamo niya.

"Ehh!!Nahihiya ako!" Sabi ko at napasandal nalang sa pader kung saan kami nahinto.

"Oo nga,halata sa'yo ,namumula ka eh."Sabi niya.

"Pero,maganda ka naman tapos nahihiya ka!May model ba na pangit!?" Oo na.Model ako sa isang magazine at sa isang brochure.Mga kaibigan ko lang ang nakaka-alam tsaka sila mama at papa.

"Kahit na!Ayoko pa din!Bumalik na tayo!" Reklamo ko.

"Sige..Pero bhes,matalino ka at magaling gumawa ng palusot.Pahingi nga ako." Baliw talaga toh..-_-

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now