HC35:Letter

618 36 17
                                    

7:00 palang ay nandito na ako sa room at nakatulala habang hawak-hawak yung letter na dati ko pa ginawa para kay Xiz pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din maibigay.

Naalala ko na naman yung sinabi ni Ate Faith kahapon,umamin na daw ako hangga't hindi pa huli kaya eto ako ngayon,inaalala yung mga in-advice sa akin ni Ate Fauth kahapon para mabawasan ang kaba ko.

"Unang-una,expect rejection."

Nung una ay nagtaka ako sa advice niyang iyon like,seriously?Advice ba yun?Pero sa huli ay pinaliwanag niya din.

"Expect rejection dahil when you expect low and the reality is high,the pain is low too while when you expect high and the reality is low,the pain is double."

Nosebleed man pero kinakailangan.

"Second,practice.Kahit maliit na bagay lang ang pag-amin, kailangan pa din ng matundung effort dahil kahit maliit,malaki naman ang bagay na maidudulot nun sa'yo."

Nagawa ko na ito kagabi oa pagka-uwi ko at medyo effective naman dahil kahit papaano nawala ang kaba.Ang confident ko tuloy na hindi ako magkakamali.

"And lastly,avoid eye contact. Hindi ka nga nag-expect, nagpractice ka din naman pero nung tinignan mo lang yung mata niya ay nawala lahat ng pinag-effortan mong gawin."

Napabuntong-hininga nalang ako bago tumayo,kaya ko toh.

Lumabas ako ng room tsaka dumiretso ng locker room. Tumingin ako sa paligid para masigurong walang makakakita sa akin at since 7:00 palang naman at wala pa gaanong estudyante kaya nailagay ko ng malinis ang letter sa loob ng locker ni Xiz.Sinigurado kong hindi iyon mahuhulig at mapupulot ng uba bago umalis.

Hihintayin ko nalang na mabasa niya kaya pumunta muna ako sa Garden at naupo sa isa sa mga bench duon para makita ang mga naglalabas pasok sa locker room.

Kakaunti lang ang kabang nararamdaman ko ngayon dahil hindi ang pangalan ko ang isinulat duon.

11-10-20

Kapag hinanap mo ang katumbas nang mga numerong yan sa Alphabeth ay ang mga letrang K,J at V ang lalabas na letra ng mga initials ko na K for Kylie,J for Justine at V for Villanueva.Iniba ko din ang paraan ko ng pagsusulat para secured ang identity ko.Lol.

Maya-maya pa ay dumami na ang nagdadaanang estudyante at may iilan ding naglalabas-pasok sa locker room pero hindi ko pa din makita ni anino ni Xiz.

"Kylie!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko naman si Angel.Nginitian ko siya.

"Ikaw ha!Nakilala mo kaagad si Aris!" Sabi nito sabay hampas ng bag niya sa braso ko.Sadista. -_-

"Bakit?Kaklase niyo yun di'ba?"Tanong ko.

"Kaklase nga namin pero suplado!Pero thanks to you Bhes,kinausap niya kami kahapon.Kyaah!" Tumitirik pa ang matang sabi nito.Hindi ko siya masisisi,guwapo naman talaga si Aris.

"Bakit?" Tanong ko,ang bait kaya sa akin nung lalaking yun. --,

"Gaga!Tinanong niya sa amin yung pangalan mo!Ghad,saan mo nakuha yung gayuma bhe?Akala ko ba Xiz ka lang?" Natatawang biro niya.

"Sa Quiapo,madami.Bilhan kita bukas." Biro ko pabalik sa kanya.

"O sige,una na ako ah!Hindi ko pa nagagawa yung assignment ko eh,first subject pa man din.Bye!" Nakangiting kaway niya. Kinawayan ko nalang siya pabalik.

Maya-maya,napadako ang tingin ko sa lalaking bigat na bigat sa buhat niyang lubro at mukhang kalalabas niya lang ng locker.Wengya!Nakita ko sa ibabaw ng mga libro yung letter!

Mabilis siyang naka-alis paakyat sa room niya kaya mabilis din akong nakaget-over at mabilis na umakyat sa room ko.

Start na ng first class ko.Late na ako!

~~~~

Nang dumating ang recess,imbis na dumiretso sa canteen para kumain ay pumunta ako sa clinic.

Bumungad sa akin ang busy na si Ate Faith sa pag-aayos ng mga gamot.Sumandal ako sa pader at kumatok.

"Kamusta ang misyon?" Hindi ko siya sinagot at binigyan lang siya ng 'okay' sign tsaka umupo sa isang kama.

"Nakuha niya?" Tumango ako.

"Yup,kinakabahan ako." Natatawang sabi ko.

"Pero hindi ka naman mukhang kinakabahan,sinunod mo advice ko noh?" Nakangising sabi niya.

"Yup,punta na ako sa canteen. Titignan ko kung ikukwento niya.Bye!"Sabi at lumabas na nang clinic.

Sa sobrang excitement na nararamdaman ay tumakbo ako habang nakangiti.Pagdating duon ay nginisian ako ni Juliana at tinanguan ko nalang siya.Sila Drew ay hindi alam ang pagiging secret admirer ko,tanging si Ate Faith at ako lang ang nakakaalam.

"Sigla natin ah!" Sabi sa akin ni Peach.Nagkibit-balikat nalang ako at umupo sa tabi niya.

"Makangiti ka pa kaya sa ibabalita ko?" Bulong ni Kuya Jacob,nginisian ko nalang siya.

"Guys,may ibabalita ako." Sigaw niya,tama lang para madinig ng buong barkada.

"May secret admirer si Xiz." Sabi nito.Binatukan siya ni Xiz.

"Kinikilig ang loko,hindi maiwasang hindi ngumiti." Pang-aasar pa ni Jacob habang nakangisi sa akin.

"Bakit anong bang sabi?" Tanong ni Elle na nasa akin ang tingin,halatang inaasar ako.Haha!Kung alam niyo lang.

"Tumutula yung admirer niya,makata masyado kaya mas lalong kinikilig ang loko." This time,mas malakas na hampas ang natanggap niya mula sa 'kinikilig' na si Xiz.

"Aray!Ganyan ka ba kiligin?Nagiging sadista?" Reklamo nito."Eto oh,basahin niyo."Binato niya sa mesa ang letter ko at dahil sa curiosity ay binasa nila.Wala nang nagawa si Xiz kundi maupo nalang.

"Dear Xiz,
Yung crush ko simula pa nung grade six.
Tuwing weekend ika'y namimiss
Kaya sana,pag-ibig ko'y mapansin mo.Please?" Basa ni Yesha sa unang stanza nung tulang sinulat ko.

Napatakip nalang ako sa mukha sa hiya.Natatawa sa sariling tula na ginawa ko.Haha!

"Ako'y nainlove sa iyong matamis na ngiti.
Tuwing nakikita ito'y puso ko'y parang kinikiliti.
Puwedeng pakiss kahit sa pisngi?
Para may baon ako sa aking pag-uwi."

"Ayy,may pa-kiss ang admirer." Natatawang sabi ni Sam,dahilan para magtaawanan lahat.

"Ay!Hindi mo nga pala ako maki-kiss sa pisngi.
Dahil hindi mo alam aking identity.
Trip ko magpaka-mysterious ngayon.
Pero makikilala mo naman ako soon."

"Sorry walang clue.
Mahiyain kase si Aku.
Naghirap akong mag-isip nitong tula.
Kaya ikaw naman ang maghirap na manghula."

"Nuong una,crush lang kita.
Pero ngayon,gusto kong sabihin na mahal kita.
H'wag kang maiinlove sa iba.
Hintayin mo kong makagraduate ng highschool ha!"

"Love,
11-10-20.Naks!Pa-mysterious nga ang admirer!" Nakangising sabi ni Drew.

"Selos naman si Kylie!" Sabi ni Kuya Jacob.Na-iling nalang ako.

"Hindi ah,kaibigan ko lang si Xiz." Nakangising sabi ko.

Sabay-sabay nalang silang napa-kibit-balikat.Halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko. Wengya.

"B-bili lang ako ng pagkain ko." Nakangiting sabi ni Xiz at umalis na.

Wengya,kinikilig na naman ako.

End of Chapter 35
Vomments pleaseu!🙏🙏

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now