HC13:The Day 2

672 46 2
                                    

Dumating na ang alas-onse kaya nagtipon-tipon na kaming lahat ngayon sa garden para i-announce ang mga winners pati na din ang mga champions.

"Bhes!Punta ka na duon sa gitna.Okay na stage mo!" Sabi ko kay Juliana.Napagdesisyunan namin na magkwentuhan muna habang hindi pa nag-iistart ang program.

Ang sabi ay umupo sa kanya-kanyang team pero niyaya nila ako at naki-upo kami sa bleachers kaya kasama namin ang blue team.May kanya-kanya kasing assign places ang bawat team at sa bleachers ang sa blue team.

"Hahaha!Sold out na din pala yung ticket mo!" Sabi naman ni Drew sa kanya.

"Hahahaha!Yiee!Famous na siya!" Sabi naman ni Angel habang sila Elle at Yesha ay umaarteng umiiyak.Sensya na, loka-loka lang.

"Naiiyak ako!" Ani ni Yesha pero natatawa.

"Im so proud of you!" Sabi naman ni Elle kaya naman bigla kaming napahawak sa ilong namin.

"Nosebleed Bhes!" Natatawang sabi ko.

"Hahahahaha!Syet!Nosebleed!" Natatawang sabi ni angel kaya napatawa na din kaming lahat.

"Hahahahahahahah!Hahahaha!hahahaha—" Naputol naman ang pagtatawanan namin ng magsalita na yung emcee.

"Aayyy!Paeps." Nanghihinayang na sabi ni Drew.

"Nasa climax na sana eh!" Sabi ko naman.

"Tara walk-out na tayo mga bhes" sabi ni Angel kaya umacting naman kami na tatayo.

"Hahahaha!" Sabay na tawa naming lahat.Pinagtitinginan na tuloy kami,puro kasi tawa.

"Good morning Students!We are all here to announce the winners for the 4th foundation day of our school.But before everything else.Please all welcome Ms.Clarisse Domingo!" Sabi nung emcee at pinalitan na sya ni Ninang para sabihin ang speech niya.

English yung speech kaya hindi ko maiintindihan kaya nakipagdaldalan nalang ako sa mga barkada ko.Gusto ko na sana namin na pumunta sa kanya-kanyang pwesto pero hindi na namin tinuloy dahil siksikan tsaka mas lalong iinit kapag nanduon ako.You know that?That HOT AKO feeling.Chos!

After ng ilang minutes ay inaanounce na yung winner ng basketball.

"For the 6th place /drum rolls/Green team!" Sabi nung emcee.

"Yes!"

"Wooohh!"

Sigaw nang lahat ng teams except ng green team syempre.Sino ba naman ang matutuwa kung pang-last place kayo.

"For the 5th place /drum rolls/RED TEAM!" sabi nung emcee.

"Wahahaha!Bhes!" Sabi ni Angel,nang-aasar.

"Bye bhes!" Sabi naman ni Juliana habang ako naman ay uma-acting na umiiyak with matching punas luha pa kaya tawa lang sila ng tawa.

"Ang unang iaannounce ay yung champion kaya ang hindi mai-announce meaning sila ang 1st place!Okay?!" Sabi nung emcee at nagsi-'yes' naman kaming lahat.

"And the champion is /drum rolls/."

"BLUE TEAM!!"

At kanya-kanyang talon naman ang blue team.Tss,paanong hindi mananalo eh coach ng basketball ng school ang kateam nila.

"Uhhh.Mga bhe.Pwede kong i-excuse si Kylie?" Biglang tanong nung nasa likod naman. Pagkatingin ko,si Ate Lei pala.

"Opo,sige lang kahit wag nyo na pong ibalik samin!" Sabi ni Drew.Baliw.

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now