HC28:Official

721 40 8
                                    

Hi to @jeeniexlice (tama ba?Lol) @PokpakandKookie(Nakakaloko yung pokpak)😂😂Geh bye,basa na.

~~~~

Dumating na ang kinabukasan at eto na ang araw na pinagkasunduan namin ni Andrea.

"So,handa ka na ba?"

"Saan?" Clueless na tanong ko. Mahina naman siyang napatawa.

"Seriously?Kahapon lang natin pinag-usapan pero nakalimutan mo na?" Napakamot nalang ako ng batok.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita,"Remember,magmu-move on ka within a week then ite-test kita kung wala talaga."

Napatango ako ng maalala lahat,kasama na dun ang makumpirma ko ang totoong nararamdaman niya kay Xiz at iyon ay bilang isang nakababatang kapatid lang. Naalala ko din ang sasabihin niya sa akin kung sakaling hindi ako makamove-on kay Xiz within a week,naku-curious na naman ako sa kung anong sasabihin niya.

"Ahh,naalala ko na.Kailan pala magii-start?"

"Gusto ko sana bukas,kung okay lang sayo then sa next saturday kita ite-test."

"Ahmm,okay.Payag ako bukas."

And the next day,the moving on officially starts...

~~~~

"Baba na tayo." Aya sa akin ni Van ng mag-bell na at hudyat na ng recess.

"Ikaw nalang bilihan mo nalang ako ng clover." Sabi ko sabay abot ng ten pesos ko sa bulsa ng palda ko.

Studying is my way of moving on tutal tinambakan naman kami ng kung ano-anong test,quizzes,project at homeworks ng mga teachers.

Siguradong makakamove on ako nun dahil makakapagfocus akong mag-aral.Iniiwasan ko na din ang pagpunta sa canteen at hangga't  maaari ay iwasan ang paglabas ng room during free time para maiwasan ang makita siya.

Siyempre,sino ba namang tanga ang makakapag-move on kung sa araw-araw ay puro mukha nya ang nakikita mo at kasama nun ay naaalala mo ang memories niyong dalawa.

"Oh,eto na clover mo." Sabi ni Van tsaka naupo na sa upuan niya.

Buti nalang at hindi nila napapansin ang ginagawang kong pag-iwas kay Xiz,kumakagat kase sila sa dahilan ko na "Busy sa pag-aaral" na naniniwala naman sila.

Napagdesisyunan din namin ni Ate Andrea na kami lang ang makaalam.May tendency kasi na kapag sinabi o kinuwento ko sa kanila ay umabot kay Xiz at masira ang pinag-usapan namin ni Ate Andrea.

Nang maitanong ko naman kay Ate Andrea kung bakit niya ako gustong tulungan na magmove on,"I want to make sure that Xiz will fall to the Right Girl destined for him.As his sister,ayaw kong masaktan si Xiz." ,ang nakuha kong sagot sa kanya.Hindi ko nga alam kung anong connect sa tanong ko pero sa 'right time' niya na daw sasabihin sa akin.

"Van,sa Garden na muna ako ha?" Paalam ko,hindi ko na siya inantay na sumagot at lumabas na ng room.

Ilang minutes nalang bago magbell at siguradong wala na sila duon sa tambayan kaya napagdesisyunan kong pumunta duon para kahit papaano ay marefresh ang utak ko.

Tinignan ko muna ang paligid bago mamahinga at sumandal sa may tabi ng puno.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga tsaka pumikit at dinama ang malamig na simoy ng hangin.Ber months na pala next month,parang kailan lang ay kabado-bente pa ako sa pagiintroduce ng sarili nung first day.

"Move on..Move on..Move on.."

Ang dali sabihin mahirap gawin.Ang big word para sa mga teenager na katulad ko.Idagdag mo pa ang napakalaking word na PAASA AT UMAASA sa taong gusto nila na hinding-hindi naman sigurado na magkakatuluyan kayo.

Ang sama talaga ni Destiny,ang dami ng taong ipapakilala sa'yo at ipaparamdam na may forever na kayo pero hindi pala siya yung itinadhana sa'yo.Isa siyang malaking PAASA at ikaw naman itong malaking UMASA sa bagay na gusto mo kahit uso ang salitang "WALANG FOREVER" lalo na sa panahon ngayon na nagkakalat ang mga bitter.

"Makakamove-on kaya ako?"

"Kanino?"

Asdfghjkl?!Sino yun?

Luminga-linga ako sa paligid at wala naman akong nakitang tao maliban sa Dyosang sarili ko. Chos.

Guni-guni ko lang siguro.Hindi nalang ako nagsalita at sa isip ko nalang sinabi ang mga gusto kong sabihin.

Isa,dalawa,tatlo at apat,bilang ko sa mga dahing nahuhulog mula sa puno.

Lima—teka,kailan pa naging balat ng pinagkainan ang dahon ng puno?

Tumingin ako sa taas pero wala naman akong nakitang tao.Jeez,may kapre yatang nakatira sa punong to,makaalis na nga lang.

Isang metro palang ang layo ko mula sa puno ay may nadinig na akong pagbagsak.Lumingon ako at nakita si Xiz na ngayon ay nakahiga na sa damuhan.

Sayang,hindi ko nasalo sa akin na sana siya nahulog.Chos.

Umarte akong walang nakita at nadinig tsaka mas binilisan ang pag-alis.

Mabuti nalang at nakalayo na ako ng makatayo siya.Ano kayang ginagawa nun sa taas?Sabi ko na nga ba,may lahing unggoy yun eh.Huehuehue.

Pagkabalik ko sa room ay kasabay ko ang tunog ng bell,time na pala para sa mext subject.

The discussion started pero nalipad ang isip ko,posibleng siya yung nagtanong ng 'kanino' nung sinabi kong magmu-move ako.

Paano kaya kung macurious siya tapos itanong niya sa akin tapos kapag hindi ko sita pinansin ay mapapansin nya na iniiwasan ko siya tapos masisira yung plano kong mag-move on.

Sayang effort kapag ganun,tsk!

Buong klase ay nagfocus lang ako sa mga dinidiscuss ng teacher namin,kailangan kong maintindihan ang mga lessons na itinatackle ng teachers namin since ilang araw nalang ay exam week na.

"Goodbye class,"

"Goodbye Ma'am Dela Vega." Pagkasabi ko nun ay agad akong bumaling sa bag ko at inayos ang laman nun.

Kababae kong tao,punong-puno ng basura ang bag ko.Kasalanan ko bang nakakatamad lumabas kung magtatapon lang ako ng isang piraso ng basura?!

"Kylie!" Napalingon ako sa tumawag sa akin,nakita ko naman sila Ivy at Drew.Nasa likod ang iba at handang-handa nang umuwi.

"Bakit?" Inilagay ko na sa balikat ang bag ko tsaka lumapit sa kanila.

"Punta tayo sa bahay nila Xiz,birthday niya next week."Nakangiting sabi ni Drew.

"Ahmm,susubukan ko.Malapit na kase ang Periodic test eh."

"Anu ba yan!Aral na naman,magbreak ka naman paminsan-minsan!" Hinampas pa ako ni Angel sa balikat.Ang sadista. -_-

"Oo nga.Basta,next week ah!Wag mong kakalimutan gogora na kami,babush!" Sabi ni Juliana at umalis na sila.

Hayss,makakamove on naman siguro ako next week bago ang birthday ni Xiz di'ba?

End of Chapter 28
Baka sa next update ko i-post yung ginawa kong video ng story na toh.Kineme lang yun pero sana magustuhan niyo,dugo't pawis ko yung nilaan ko dun(Nae pi tan numul).Chos.

Gomawo❤❤

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now