HC6:Clover

990 53 1
                                    

"Hahaha!Okay ka na?" Natatawang salubong sa akin ni Sarah pagkapasok ko ng room.

Mabuti nalang at pagkapunta namin duon kung nasaan sila Xiz ay nagpapractice na din kaya hindi na namin naka-usap pero pulang-pula pa din ako kaya nalaman din ng buong room na crush ko si Xiz.Tinanong kasi nila ako kung bakit ako namumula at sadyang mabilis dumaldal si Sarah kaya siya ang sumagot. Hindi tuloy ako makapag-concentrate habang nagpapractice kami at sa tuwing sinisita ako ni Ma'am ay sinisigaw agad nila yung pangalan ni Xiz. -_-

"Oo!Okay na okay ako!" Sarkastikong sabi ko at dumiretso sa upuan ko.Monday ngayon kaya may flag ceremony ngayon sa Ground.

"Tara!Baba na tayo!" Sabi sa amin ni Angel kaya bumaba na kaming lahat na nandito sa room.

Pagkadating sa baba ay dumiretso muna kami sa canteen para maki-upo at pagka-upo ay nagsimula na naman silang magdaldalan.Kahit kailan talaga 'tong mga toh.-_-

"Alam niyo bang crush ni Kylie si Pranxiz?" Balita ni Jake dahilan para matahimik kami.

"Natahimik kayo noh!Galing ko talaga." Puri nito sa sarili.

"Late ka naman!Alam na namin!" Reklamo ni Drew at binatukan si Jake.

"Aba!Malay ko bang alam niyo!" Depensa ni Jake habang hinaharang ang braso sa pambabatok ni Drew.

"Si Xiz yun diba?" Turo ni Juliana duon sa lalaking nakatalikod.May kinukuha kase ito sa locker niya.

"Yup." Sabi ni Sarah habang sumusubo ng fries na baon niya.

"Ang sipag niya mag-aral.Lahat ng libro dinadala niya." Sabi ni Drew na naki-kuha na sa Fries ni Sarah.

"Palibhasa karamihan sa mga libro at notebook mo iniiwan mo sa locker." Asar ni Jake sa kanya.

"Kylie,bracelet mo yun diba?" Tanong ni Angel habang tinuturo din yung lalaki dahilan para mahinto sa pag-aaway sila Drew at Jake.

"Oo nga,pareho kayo.Meant to be na kayo niyan?" Sabi ni Elle na napansin din yung bracelet naming dalawa.

"Baliw." Nasabi ko nalang.

"Sasang-ayon na sana ako.Kung hindi ko lang talaga yung babaeng yun." Sabi niya habang nakatingin sa babaeng nakikipag -kwentuhan kasama ang kaibigan nito na kapwa namin naka-upo dito sa canteen at mayroon din siya ng bracelet na meron ako pati na din ni Xiz.

"Yun na nga sana yung sasabihin ko eh,binili ko lang itong bracelet d'yan sa tapat ng school kaya hindi imposibleng may kapareho kami." Paliwanag ko.

"Kuya Xiz!" Tawag ni Sarah sa kanya.

"Baliw!Wag mong tawagin!" Saway ko sa kanya pero huli na dahil nakita na kami.

"Kylie!" Ako agad ang una niyang nakita dahil nasa bungad ako at ako talaga ang unang makikita dahil na din sa pwesto ko.

Kumaway siya sa amin kaya kumaway naman kami pabalik este ako lang pala.

"Yieee!!" Panunukso nila sa akin.

"Kumaway lang!" Sabi ko.

"Kahit na!Atleast magkakilala na kayo." Sabi ni Juliana.

"Malay mo hanggang dun lang pala." Balewalang sabi ko.

"Lakas naman nito maka-negative!" Sabi ni Yesha sabay hampas sa akin.

"Aray!Ang sadista naman nito,grabe maka-hampas ha!" Sabi ko habang hinahaplos yung braso ko na hinampas niya.

"Okay nga yun eh!Para mabawasan yung pagiging negative mo!" Depensa niya pero inirapan ko nalang siya.

"Negative kayo ng negative!Nagawa niyo na ba yun Assigment sa Math natin?" Biglang tanong ni Jake.

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now