HC34:Aristotle

635 31 2
                                    

After a decade!Nakapag-update na din sa wakas!Sorry guys,tinambakan lang talaga kami ng gawain ng mga teachers tapos nasira pa yung phone ko.

So hope you enjoy this update!
~~~~

"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Drew habang ako ay hindi na makapagsalita sa sobrang gulat.

Si Ate Lei na minsan din naging isa sa mga taong tumulong sa akin kay Xiz.Si Ate Lei na nagtulak sa amin ni Xiz dahilan para maging magkaibigan kami ngayon ay kasalukuyang nay gusto sa taong hindi ko inaasahan.

Kay Xiz...

Parang huminto ang mundo ko sa narinig.Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon maski kung anong sasabihin.

"M-masaya ako." Hindi ko na maintindihan kung anong nasabi ko.Hindi ko maramdaman o malaman ang dahilan kung bakit ako nakangiti habang nagsasalita.

"A-ano?Kylie naintindihan mo ba yung sinabi niya?May gusto siya kay Xiz tapos ang sasabihin mo masaya ka?!" Takot na napalingon ako kay Drew.Parang anytime ay magwawala na siya kaya nakabantay si Juliana sa likod niya.

"Pero hin-"

"Anong pero?Ganyan na ba kalala yung feelings mo kay Xiz para sabihin mong masaya ka na gusto niya si Xiz?Bhe naman!Gumising ka nga!" Sabi niya.Napatingin naman sa amin ang ilang students dito sa canteen.

"Drew kalma lang,hayaan mo siyang magpaliwanag. Pinagtitinginan na tayo." Sabi ni Juliana.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita."Drew.."Panimula ko."First of all,hindi akin si Xiz.Kaibigan natin si Ate Lei at may nararamdaman siya.Tao din siya at hindi naman imposibleng may maramdaman din siya kay Xiz.Okay kang sa akin na may gusto siya kay Xiz,hindi ko siya masisisi tsaka kung sakaling pumili man sa aming dalawa si Xiz okay lang,desisyon niya yun.Oo masasaktan ako,pero ganun talaga yun."Hinawakan ko ang kamay ni Drew para pakalmahin siya.

Sa aming magkakaibigan,si Drew ang pinakasensitive at over-protective sa aming magkakaibigan.Alam kong pinapahalagahan niya kaming mga kaibigan niya kaya masaya akong naging kaibigan niya.

"Okay,pero wag mong asahan na makakasundo ko siya kaagad." Sabi niya kay Ate Lei at umalis na.

"Pasensya na Kylie,Ate Lei." Sabi ni Juliana.Tinanguan ko nalang siya bago siya umalis.

Pagkaalis niya ay binalingan ki si Ate Lei."Pasensya na talaga Kylie,hindi ko alam kung bakit sa lahat ng lalaki ay sa kanya pa ako nagkaroon ng feelings.Hayaan mo,hindi ko hahayaang mahulog pa ako ng mas malalim.Kaibigan kita at masaya akong naging kaibigan kita."Nakangiti niyang sabi.

"Okay lang.Ganun naman ang tao,nakararanas ng sakit." Nakangiting sabi ko.

Dumating ang recess at hindi pa din maalis sa isipan ko yung sinabi ni Ate Lei.Pinilit kong hindi ipakita na nasasaktan ako kanina para hindi magalala si Drew.Nung masaya nga ako ay galit na siya paano pa kaya kung makita niyang nasasaktan ako.Edi magwawala yun.

Hindi muna ako pumunta sa canteen para kumain at dumiretso sa garden at kasalukuyan akong naupo ngayon sa sanga ng puno. Sigurado naman akong hindi ako mahuhulog,magaan lang naman ako eh.

Dumito muna ako dahil wala naman akong makasama kapag sa canteen ako pupunta.Nag-over time yung teacher nila Drew kaya baka mamaya pa sila magre-recess habang sila Ivy ay gunagawa yung assugnment sa Math na hindi pa nil tapos.Gutom na ako kaya nauna na akong kumain.

Bubuksan ko na sana ang clover ko ng may madinig akong nag-uusap.Sumilip ako at nakita si Ate Lei at Kuya Xiz,hindi ko malaman kung anong mararamdaman. Kung selos,inis o kaya naman galit,ewan.

Highschool ConfessionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt