HC30:Birthday

717 45 7
                                    

#875 na tayo sa Fanfiction..
추가헤🎉🎉
~~~~

Friday na pala,ang dami na naman sigurong mangyayari ngayon katulad kahapon.

"Mom,una na po ako." Paalam ko kay Mama.

"Ang aga mo naman,anong oras pasok mo?"

"8:00 po.May bibilhin pa po ako sa may shop dun sa kanto. Birthday po nung isa kong kaibigan kaya baka gabihin po ako ng uwi."

"Sige,basta 9:00 ay nandito ka na ah!" Sabi ni Mama.Tinanguan ko nalang siya tsaka umalis na at tumungo na sa shop na sinasabi ko.

Pagkapasok ng shop ay bumungad sa akin si Kuya Elmer,isa sa mga kuya ko sa village.Sa kanya itong shop kaya pagkapasok palang ay siya agad ang makikita mo sa may counter.

"Morning."

Nginitian ko nalang siya tsaka naghanap ng puwedeng ipang-regalo.Regalo na kakasya sa 50 or 100 pesos.Hahaha!

I'm planing to give him a bracelet o kaya naman ay keychain.

Ang daming pagpipilian,may iba-ibang kulay at design na pare-parehong maganda kaya medyo nahirapan ako sa pagpili.

After ilang minutes ay nakapili na ako,isa charm bracelet na maliit,kulay silver at may nakalaylay na letter P nagustuhan ko kaya bumili din ako ng akin yung letter K yung pinili ko.

Sa halagang 50 pesos ay nakabili na ako ng dalawa,buy one take one pala.Inilagay na ito sa box at inilagay sa isang maliit na paperbag tsaka lumabas na ng shop.

~~~~

"May regalo ka na?"Tanong sa akin ni Ivy,hindi ko kasama si Van dahil may family bonding sila ngayon dahil kakauwi lang ng Ate niya galing sa isang Meeting sa Vietnam.

"Yup,maliit lang."Sabi ko sabay pakita ng maliit na box.Tinago ko naman yung binili ko na para sa akin." Sa'yo?"

"Wag na,nakakahiya.Nakabox yung sa'yo sa akin nakaplastic." Natatawang sabi niya.

"Wow!Nahiya ka pa.Nahiya naman yung mga Gucci mong bag eh noh!"

"Tse!Wait lang,nasaan na ba yung mga yun?Tagal ah!"

Pagkasabi nun ni Ivy ay kasabay ng pagdating nilang lahat.Ang ingay pa din nila kahit naglalakad lang.

"Ang tatagal nyong mga bruha kayo!Dalawang oras kaming naghintay!" Reklamo ko.

Nang mag-uwian ay nagsipuntahan muna sila sa mga bahay nila,paano ba naman. Kinalimutan ang mga regalo.Wengya. -_-

"Sorry naman!" Natatawang sabi ni Drew.

"Hanggang anong oras kayo?" Tanong ni Juliana.

"9:00"

"9:00?!" O.A na react ni Angel."Parang ayaw ka nang pauwiin ng nanay mo."

"Bakit kayo?Hanggang anong oras?"

"9:30,curfew na kase ng 10:00." Sagot ni Elle.

"Tignan niyo!Mas matagal nga yung inyo eh!Kulang nalang mag-sleepover." Singhal ko.

"Tama na yan!Gora na tayo,baka pagdating natin dun ay malamig na yung pagkain." Awat ni Kate.

"Let's Go!"Pahabol na sigaw naman ni Sam..

OTW papuntang bahay nila Xiz ay kanya-kanyang tsismisan sila habang ako ay mukhang mamamaga na ang buong paa sa kakalakad.Maglakad ba naman ng mahigit 20 kilometro!?Argh!Bakit ba ako sumamang maglakad sa kanila kung puwede naman akong sumakay. -_-

"Eto na ba yun?" Tanong ni Peach ng mahinto kami sa tapat ng medyo may kalakihan bahay.Mas malaki ng kaunti sa bahay namin.

"Tawagan mo nalang."Suggest ko.

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now