HC10:Takbo!

860 46 13
                                    

Dumating ang kinabukasan at mas naging excited pa ako dahil simula na nga festival sa school at punong-puno ng palaro.

Pagkabangon ay agad kong inayos ang pinaghigaan ko tsaka pumunta sa banyo para maligo.
Maaga kaming pupunta ng Tropa sa School para iwas ang pila sa mga booths at para mas maaga namin maenjoy ang mga palaro.

Ngayong araw lang ako makakapag-enjoy dahil sa susunod na araw ay balik practice na kami para sa dance category at kailangan na naming makatapos dahil malapit na ang araw ng kompetisyon.

"Anak!Nandyan na mga kaibigan mo." Sigaw ni Mama mula sa labas ng banyo.Ang aga naman ng mga yun.

"Sige po!Malapit na akong matapos!" Sigaw ko pabalik tsaka mas binilisan ang pag-ligo.Masyado namang excited yung mga yun.Makikikain na naman yung mga yun dito.

Pagkatapos maligo ay isinuot ko na ang P.E. uniform ko at kinuha ang bag ko tsaka bumaba na.

"Hahabulin ka na ng suklay." Bungad ni Sarah pagkababa ko.Hindi pa kase ako nagsusuklay,hayaan mo nalang.

"Nakakahiya naman sa mga bwisita na naghihintay." Sarkastikong sabi ko.

"Makikikain sana kami bhes kung pwede." As expected, makikikain nga sila dito.

"Tara na." Yaya ko sa kanila at nauna na sa pagpunta sa kusina.

"Morning ma.Asan si Papa?"Tanong ko ng mapansin na wala si Papa.

"May meeting siya sa Company kasama ang new investors." Sagot ni Mama."Pakainin mo na din dito yung mga kaibigan mo habang mainit-init pa tong ulam."

"Salamat po!" Sigaw ni Drew at nauna na sa pag-upo.Basta pagkain talaga noh!

"Bhes paabot nga nung kanin." Pakiusap ni Angel.Grabe,nauna na sila sa akin magsi-upo.

"Oh." Sabi ko at inabot sa kanya.Umupo naman ako sa tabi ni Juliana.

"Magkakasama na naman kayo ah!Ang aga niyo naman yata pumasok?" Nakangiting tanong ni Mama.

"Opo,ekshayted na po kami pumashok." Sabi ni Drew.Puno pa bibig nyan ah.

"Sige,mag-enjoy lang kayo dahil malapit na kayong mag-highschool.Bibihira na kayo magkita at magkaroon ng free time." Sabi ni Mama at umalis na.

"Ang bait ng mama mo Bhes." Sabi ni Yesha.Nginitian ko nalang siya.

"Oo nga,bagets na bagets pa din ang itsura.Parang hindi tumatanda." Puna naman ni Sam.Pagngiti lang daw ang sikreto ni Mama atsaka iwas stress.

~~~~

"Woooohhh!!" Kanya-kanyang sigaw nila pagkapasok ng school.

Meron nang mangilan-ngilan na students na nagkalat at nagsimula nang maglaro sa mga booths na nakahanda.Pero may mga booths na nakasara pa,mukhang masyado kaming dumating ng maaga.Tatambay na naman muna kami sa room.

"Tara na!" Yaya ni Drew.

"Kayo nalang muna.Mas maganda kapag madaming maglalaro,mas mae-enjoy ko." Nakangiting sabi ko.

"Geh,sama ako sa kanya." Sabi ni Juliana at nauna na kami sa room.

"Kylie!" Tawag sa akin ni Jake.Tinanguan ko nalang siya tsaka umupo sa upuan ko.Alas-otso palang ng umaga pero pawis na pawis na ako.

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now