HC15:Chocolates and Flowers

776 56 7
                                    

"Here's your change ma'am."

"Thank you!" Sabi ko at lumabas na ng convinience store.

Bumili lang ako ng dalawang tobleron dahil valentine's day ngayon kaya bibigyan ko si Xiz.Isang tobleron lang yung ibibigay ko sa kanya,kung magpapakita siya.Hehehe!

Sana lang ay hindi toh kaagad matunaw.Ipapalagay ko toh sa ref ni Ninang.Nakakahiya naman kung ibibigay ko kay Xiz na tunaw na.


Makulimlim naman at malamig ang simoy ng hangin dahil 7:00 palang ng umaga kaya naglakad nalang ako,exercise na din yun at makakatipid din ako sa baon ko.

Malayo pa lang sa gate ng school ay dinig ko na ang love song na pinapatugtog sa loob.Nakaka-bitter,sakto pang may couple na naglalampungan na dumaan at sa harap ko pa talaga.


"I love you babe!"

"I love you too babe!"

Psh,magbe-break din kayo!Walang forever!Tsk!Kapag ako talaga nagka-boyfriend!

Ang kaso lang..

Grade 7..

Grade 8...

Grade 9..

Grade 10...

Tapos Grade 11 and 12,idagdag mo pa yung College.Grabe!Ilang taon din yun bago ako magka-jowa,kaloka.

"Hi Kylie!" Kaway sa akin ni Ate Guard.Pero dahil nabadtrip ako duon sa 'babe' couple kanina ay kinawayan ko nalang siya.

~~~~

Pagkatapos namin kumain ng chocolate ay nagkuwentuhan muna kami.Naamoy kase nila sa bag ko yung tobleron kaya imbis na ilagay muna sa ref ay nilantakan na namin.Nakita pa nila yung isa pang tobleron at sinabi kong hindi sa kanila iyon kaya nalaman nila na para kay Kuya Xiz.Alangan naman ibigay ko kay Ate Lei yun,nagmukha pa ako ng tibo ng di oras. -_-

Speaking of chocolate,paano ko kaya ibibigay yun kay Kuya Xiz?Kung ilalagay ko yun sa locker niya ay hindi puwede dahil may lock ang mga locker dito.

Kung ibibigay ko naman yun kay Kuya Xiz ng harapan,well,hindi yun kaya ng kapal ng mukha ko.

"Wuy!Ang lalim naman ng iniisip mo." Panggugulat sa akin ni Angel.w

"W-wala." Tanggi ko.Bitter din ang mga bruha kaya tumambay dito sa loob ng classroom kahit na pati dito sa loob ay mayroong bulaklak at may mga hugis puso.

"Wews,iniisip mo lang siguro kung paano ibibigay yung tobleron kay Kuya Xiz noh!" Pang-aasar ni Juliana sa akin.

"H-hindi,iniisip ko lang kung..Kung ano yung result nung exam natin last week." Palusot ko.

"Ayy!Oo nga pala,kinakabahan ako sa score ko.Lalo na sa Math!" Sabi ni Yesha.

"Paano naman ako na nanghula lang sa exam." Dagdag ni Elle.Tignan mo tong mga toh. -_-

"Labas tayo nagugutom ako!" Biglang yaya ni Drew.

"Kakakain lang natin ng chocolate,pagkain na naman hanap mo." Nakangiwing sabi ko.

"Gutom pa din ako,tara na!" Pamimilit ni Drew kaya pumunta na kami ng Canteen.

Habang naglalakad ay kanya-kanya silang kuwentuhan at gawa ng kwento kada may madadaanan kaming couple.Mga bitter lang,sensya na.

"Tignam mo toh.Grabe makahawak sa braso ni lalake." Tukoy ni Drew sa couple na makakasalubong namin.

"Oo nga,hindi naman kagwapuhan yung lalaki.Mukha ngang unggoy eh!"

Highschool ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon