HC23:Hangin

667 40 6
                                    

Paano nga ba magmove-on?

Ayan ka agad ang tinanong ko sa sarili ko matapos kong magising ng maaga.Body alarm ko na talaga ang gumising ng Alas-singko.

I-search on google at agad din namang may mga lumabas na results.Una kong tinignan ang unang Website na nakita korf.

Tips on how to move-on

1.Delete all his pictures

Number one palang nganga na ako.Wala nga akong pictures niya sa gallery,meron naman pero nasa GC namin.Mga pinagse-send ng tropa. -_-

2.Throw away all the things that makes you remember him.

Things?Pwede bang si Andrea?Sa tuwing nakikita ko kase siya,naaalala ko si Xiz eh!

3.Try to make your self busy.

Busy?Paano ba?Hmm...

Ahh!Nood ng Kpop,basa ng wattpad.Ganyan kase mga gawain nila Ivy sa tuwing may vacant time kami.

4.When you think you already feel nothing for him,test it.

Tsh,tsaka na itong pang-number four.Hindi ko pa nga nagagawa yung Number 1 to 3 tapos ite-test ko kaagad? -_-

Makakain nga muna.

~~~~

"May assignment ka?Pakopya nga!" Tignan mo tong babaeng toh.

Parang kakasabi lang niya kahapon na sisikapin niyang magkapasok sa honors tapos hindi gumawa ng assignment?!


"Oh!" Sabi ko sabay abot ng assignment ko.Hindi naman ako sure kung tama yan eh,ginawa ko lang habang kumakain.Minadali ko kaya hula-hula nalang.Bahala na kung tama o mali.

"Hahaha!"

"Libre!Libre!"

"Kahit candy lang!Haha!"

Napalingon naman ako sa grupo ng students na kakapasok lang ng canteen.I saw Andrea siya yung nasa center nila at mukhang masayang nakikipag-usap sa mga kaklase.Of course andyan si Xiz na nakikisali din.

"Akyat na muna ako sa room ha." Paalam ko kila Peach.Akmang susunod sila ng pigilan ko.

"Wag na kayong sumunod.Alam kong nagugutom kayo,hindi kayo nag-almusal kanina.Ako nalang." Sabi ko.Hindi na sila sumunod sa akin.Hindi ko na sana sila pipigilan kaso bawal na ang kumain sa room.

"Kylie!" Dinig kong tawag sa akin ni Andrea.Her being friendly and here is Me,being snob.Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang pagtingin nila sa akin.Nilagpasan ko nalang sila at nagkunwaring walang nadinig.

Pagdating sa room ay dumiretso ako sa upuan at inayos ang gamit sa bag.Naalala ko na Science ang first subject ngayon at papaakyatin kami sa AVR sa taas. May activity daw kaming gagawin.

*Kring!Kring!*

Nagbell na,hudyat na start na nh unang klase.Isinabit ko na ang bag ko sa balikat at timayo na kasama mg iba kong kaklase.Pumasok naman na sila Kate na kasalukuyang nagmamadaling ayusin ang gamit.Hindi ko na sila in-antay at pumila na kasama ang mga kaklase ko.

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now