Nicole Point of View...
Isang panibagong umaga sa pagiging Tanga.
Oh diba?
Ganito lang naman ako araw-araw eh. I smiled and hide the true feelings.
Gusto ko sanang magkaroon ng kapatid na mangu-ngulit sakin tuwing umaga. Pero mukhang malabong mang-yari 'yon.
I made my daily routine..
Ligo..
Bihis..Pagbaba ko sa sala ay sobrang tahimik ng bahay. Nakaka-bingi. Hindi pa ba ako nasanay?
Ganito lang naman araw-araw eh. Dumirekta ako sa kusina.
"Goodmorning, Nakey. Kumain ka na." anyaya ni Mama habang naghahanda ng pagkain.
"Ma? si Papa?" Direkto kong tanong kaya nag-iwas ito ng tingin.
Palaging may mali. Hindi ko lang alam kong ano.
"Maaga syang pumasok maraming appointment." Huh? Again? Appointment?
Palagi nalang busy si Papa halos di ko na nga nakikita dito sa bahay.
Minsan nga naisip ko. Nakatira pa ba dito si Papa?
"Ma, kumuha nalang kaya tayo nang katulong? Sobrang tahimik kasi ng bahay." Suhestyon ko bago umupo sa highchair. Pinapanunuod ko syang nag-ligpit.
"Huwag na nakey. Mas gusto kung ako ang nag-aalaga sainyo ng Papa mo." sagot niya agad.
Ano ba naman to si Mama. Hindi naman kami mag papa-alaga. Gusto ko lang 'yong may tao sa bahay kahit isa lang.
Nagsimula na akong kumain habang tinitigan siya.
"Hindi naman kami mag papa-alaga Ma. Para naman po may katulong kayo dito sa bahay habang busy ka sa coffeeshop." sumulyap sya sakin.
"Pag-iisipan ko," Sagot niya saka tumabi sakin.
Ano pa ba? I have to zip my mouth. Wala naman akong magagaw at sundin sila. Lalo na si Papa.
"Tapos na po akong kumain. Aalis na po ako." tumayo ako bago hinalikan sya sa pisnge.
"Ingat ka nakey, I love you." sabi ni Mama. Ang sarap sa pakiramdam. Sana naririnig ko rin yan kay Papa. Pero parang malabo yata.
And this is what I hated for. Sasakay ng taxi papuntang University.
Hindi ako pinapayagan gamitin ang kotse namin sa bahay.
Edi ano pa ba? Hindi na ako mag-rereklamo. Pinapaaral at pinapakain na nga nila ako. At kontento na ako dun.
******
BINABASA MO ANG
The Hidden Love [ Book1 ]
Teen Fiction-COMPLETED BOOK [1]- For those who are still inlove with there Ex, If there's still a chance and it's worth fighting for set aside your pride and make a move. But if there's someone involve? Move on! Move on? Pano nga ba ako makakapag move on kong a...