KABANATA 5

26.3K 525 23
                                    

Nagtungo kami sa canteen habang naka akbay sakin si Besty. Ganito naman kami palagi eh.

Siguro kong hindi pa ito bakla? Matagal ko na siguro itong niligawan.

Kaya lang ay minsan naiisip ko. Kaya tayo nasasaktan, dahil minamahal natin 'yong taong dapat ay kaibigan lang.

Buti talaga at bakla ito.

"Alam mo dam mukhang masigla ako ngayon. Parang ang lakas-lakas ko." Pakinding-kinding niyang sabi habang naghahanap kami ng bakanteng mesa.

Siraulo talaga.

Ano nanaman kaya ang naiisip nito.

"Bakit Besty nakainom ka ba ng cobra energy drink?" Nagtataka kong tanong. Diba? baka naman kasi nakainom malay natin.

"Ang slowmo mo. Syempre ang daming vitamins sa paligid. Kita mo yun, yun, at ayun pa. Doon? At doon pa?" Sabay turo niya sa mga lalaking nagkukumpolan sa iilang mesa.

"Ano ka ba nakakahilo ka naman eh." Kapit sa ulo ko at nag-kunwaring nahihilo. Wala naman kasi akong time sa mga ganyang bagay.

"Pa as if naman pero ang totoo gusto mo rin naman." Sabay kiliti niya sa tagiliran ko kaya napaurong ako sa ginawa niya. Sinamaan ko sya ng tingin.

Ganyan si Besty. Hindi mabubuhay pag walang lalaki! Ako? syempre mabubuhay ako hanggat may pag-kain. Kayo talaga huwag palaging puso ang pinapairal. Gamitin din ang utak. Hindi naman makakain yang mga lalaki.

"Huwag na huwag mo akong igaya sa kalandian mo Besty. Alam mo namang wala akung talent sa mga ganyan diba?" hinawi ko ang kamay niya sa balikat ko saka umupo sa bakanteng upoan.

Sobrang daming studyante sa canteen at halos mapuno ito.

"Alam mo dam. Kaya hindi ka pa nag kakaboyfriend kasi pinapauso mo na naman ang Mara Clara the moves mo. Iba na ngayon dam.  Kong gusto mong magka boyfriend? landi-landi din pag may time." flip hair niyang sabi sabay cross arm.

Bawat bitaw niyang salita ay nagpapa-asar sakin.

Umupo sya sa kabila habang nakatitig parin sa mga lalaki sa kabilang mesa.

Hindi ko alam kong ilang puso ang meron sya dahil lahat ng lalaki ay napupusoan niya.

"Besty mukha lang akung witch pero hindi ako bitch." Nakapamewang kong sagot kaya lumapad ang ngiti niya. Ang kanyang labi ay naglalaro at mukhang nakuha niya ang punto ko.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon