CHAPTER:78

13.5K 269 5
                                    


Belle Point of View

"Tita umalis sya kanina pa. Nag-aalala na po ako."

"Hindi pa sya umuuwi dito Junathan. Ano bang nangyari?"

Kausap ko sa telepono ngayon ang bestfriend ni nakey. Sobrang kinakabahan na ako. Isa pa kanina ko pa tinatawagan ang kanyang phone ngunit hindi ito macontact.

"Hahanapin ko po sya Tita. Sorry po talaga.."

Bigla niyang e'nend ang tawag. Napaupo ako at napahilamos sa kaba. Anong nangyari? Buong akala ko ay magkasama sila ni Justin? Bakit tumawag sakin si Jun? Hindi ko maintindihan.

Nasan ka na nakey? Anong nangyari at bakit hindi ka makontak?

Tinawagan ko si Jenrey ngunit hindi naman ito sumasagot. Pag may mangyaring masama sa anak ko hinding-hindi na sya makakalapit kay Nicole, kahit kailan.

Sinubukan kong tawagan si Justin pero hindi din ito sumasagot. Halos maiyak ako sa kaba. Ang daming katanongan sa isipan ko.

Tumunog ang door bell.

Dali-dali akong lumabas ng bahay. Baka si nakey na iyan. Hindi ko alam pero kinakabahan ako habang pahakbang na lumalapit sa gate.

May nangyaring bang masama sa anak ko? Diyos ko sana walang nang-yari.

Pagbukas ko ng gate ay tumambad sakin ang babaeng kinababaliwan ni Jenry noon. Ang babaeng naging kapatid ko at ate sa lahat ng bagay.

Sa tindig niya ngayon ay hindi ipagkakaila kong gano na sya ka. Ang kanyang mga alahas sa katawan ay sumisigaw nang karang-yaan at kayamanan sa buhay.

Hindi ko alam kong bakit niya ako natunton dito. Matagal ko na syang kinalimotan at umiiwas narin ako sa gulo. Si Jenry lang naman ang punta ng punta dito para makita si, Nicole. Alam kong mahal na mahal niya ang anak namin. Saksi ako kong gano kasaya si Jenry ng pinanganak ko si, Nicole.

"Dito pala kayo nakatira?" Taas kilay niyang saad saka ito nag palinga-linga sa paligid. Naikuyom ko ang aking kamao. Minsan na syang naging traydor sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Giit ko.

"Nothing... I'm just checking if binibigyan ba kayo ng marangyang buhay ng asawa ko. At tama nga ako. Malaki ang bahay nyo huh!?" Sambit nya bago inayos ang kulot nitong buhok.

Kahit kailan ay hindi ako nang'hihingi kay Jenry. May responsibilidad sya sa anak namin kaya hindi niya magawang pabayaan lang si Nicole.

"Umiiwas na kami sa pamilya nyo. Sayong-sayo na si Jenry, Shina. Ano pa ba ang gusto mon?" Bigla syang pumalakpak ng ilang ulit na para bang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.

"Umiiwas? Sigurado ka ba dyan?" giit niya ulit. "Yung anak mo yata ang hindi nag-iiwas," Bakit nadamay ang anak ko dito? Anong ibig niyang sabihin?

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo ko. Kinabahan ako lalo na't sa sinabi niyaa

"My son Justin Geir Givarry, is the boyfriend of your daughter," Bigla akong natulala at hindi manlang magkapagsalita. Unti-unti kong pinoproseso ang lahat ng sinabi niya. Hindi ko maintindihan. Panong? "Ang dalawang anak ng asawa natin ay nagmamahalan. Ang las-wa diba? Magkapatid sila ngunit wala silang ka alam-alam. Pano kasi itinatago mo ang tunay mong baho. You're just Jenry one night stand, right Belle?" Ngiting aso nito.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon