CHAPTER:67

16.1K 315 1
                                    

(A/N)
This is just part of my imaginary.

Nicole Point of View

Sobrang lapad ng ngiti ko habang dumudungaw sa labas ng bintana. Ang bawat hampas ng hangin sa mukha ko ay kay sarap damdamin.

Hindi ako makapaniwala na dadalhin ako ni Justin sa isa nilang resort sa Bantangas. It's Lovely resort. Buong akala ko ay si Sammantha ang isasama niya.

Excited na excited na ako. Kaya hindi ko maiwasang sumaya ng ganito.

Sumulyap ako kay Justin habang nagmamaneho ito. Dali-dali kong pinulot ang phone niya sa gilid ko saka pinagpatuloy ang naputol na paglalaro kanina. Guest what, plant Vs. Zombie. Adik ako nito eh.

"Bakit mo naisipang pumunta doon?" Tanong ko habang naglalaro.

Nakapatong ang magkabila kong tuhod sa upoan.

"Quality time." Tipid niyang sagot bago kumindat ito.

Tusokin ko kayang mata nito, pasalamat eh mahal ko. Mabuti talaga eh malakas sya kay Mama. Hayy naiisip ko palang ang reaksyon ni Mama kanina ay natatawa na ako. Alam na niyang kami na. At sobrang saya niya.

"Maganda ba talaga doon?" Tanong ko ulit habang yakap-yakap ang tuhod.

"Yes," Sabi niya na agad kong Ikinalingon."Pero mas maganda ka!" enebeyen kenekeleg eke.

Isang oras bago kami nakaabot sa resort.

Nalaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng dagat. Ang kulay asul na tubig ay kay sarap tignan at tanawin.

"We're here," Pinark nya ang kotse at agad sumulyap sakin. Binigay ko sa kanya ang cellphone niya.

"Wait!" Nagmamadali syang umikot sa direskyon ko saka niya ako pinagbuksan ng pintoan.

Bago pa ako bumaba ay ninakawan niya ako ng halik sa pisnge. Napanguso ako sa ginawa niya. Ano ba yan! Mas lalo akong maiinlove nito eh.

"Welcome back Mr. Givarry!"

Bati ng lahat ng mga empleyado sa resort.

Panay ngiti ko sa mga staff habang dire-diretso lang ang lakad ni Justin. Ang snob talaga ng higanteng ito. Hindi marunong ngumiti sa mga empleyado niya.

Pumasok kami sa elevator saka niya pinindot ang 10th floor. Sobrang tahimik talaga ni Justin. Ilang sandali lang ay bumukas ang elevator at tumambad sakin ang iilang silid.

Hila-hila niya ako sa kamay saka kami tumulak sa isang silid na nasa dulo.

Pinihit niya ang pintoan.

Tumambad sakin ang malawak ng lobby mula sa veranda. Ang malaking puting kama ay mukhang malambot.

May closet, mini desk, lamp shade at maliit na refrigerator. Nahagilap ng mata ko ang malawak na dagat at kitang-kita mula dun sa lobby. Dali-dali akong tumakbo palapit dun.

"Wah. Ang ganda pala dito, Justin!" Dungaw ko sa railing. Marahan akong pumikit at dinamdam ang ihip at hampas ng hangin.

"Let's eat, first!" Sumulyap ako sa kanya mula sa likuran at may tinatawagan ito sa phone niya.

"Ang ganda talaga. Dalhin kaya natin si Besty at Bleina dito, next time." Hindi sya sumagot dahil may kausap ito sa phone niya."Sinong kausap?" Nguso ko. Lumapit sya sakin.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon