CHAPTER:75

13.3K 264 7
                                    

Kanina pa ako tulala sa harap ng mesa habang kumakain. Kanina pa ako text ng text kay Justin, subalit kahit tuldok wala manlang syang sinagot. Hindi ko alam kong anong problema niya.

Kinakausap ko sya pero ayaw namang magsalita kahapon. Simula nong nakauwi kami galing resort ay sobrang cold na nya sakin. Hay! Sobrang sakit sa dibdib. Pinapatay niya ako sa katahimikan niya.

"Nakey papasok na ako sa shop. Ikaw na ang  bahala dito," sambit ni Mama saka ako hinalikan nito sa pisnge. Hindi ko sya sinagot. "May problema ba?" Tanong niya bago hinawakan ang aking noo.

Suminghap ako!

"Ma, bakit po may mga taong biglang nanahimik? Tapos galit, o kaya sobrang moody." Nakabusangot kong tanong. Naningkit ang mata ni Mama sa katanongan ko.

"Depende. May mga taong tahimik siguro may iniisip, yung mga taong galit? Siguro ay may nakitang hindi maganda o kaya may hinanakit sa isang tao. Pag moody naman? Yan yung mga taong sinusunod lang nila yung nararamdaman nilang sakit at galit." natahimik ako sa sinabi ni Mama.

"Ganon po ba?" Siguro nga galit si Justin sakin.

Kong sana hindi nalang kami nagyakapan ni Zin sa resort. Takot na takot ako sa mga oras na iyon. Hindi ko sinabi kay Mama ang nangyari dahil ayaw kong mag-aalala sya sakin. Ayaw kong sabihin niya na nagpabaya si Justin sakin.

"Nag-away kayo?" Direktong tanong ni Mama. Bigla akong napatingin sa kanya.

"Ewan ko, Ma. Wala naman akong naalalang nag-away kami." Hinawakan ni Mama ang magkabila kong kamay.

"Madadala yan sa masinsinang pag-uusap. Huwag nyo ng palalain." nakangiting sagot ni Mama. "Oh sya. I'll go ahead. Mag-iingat ka!" paalam ni Mama saka lumabas na ng bahay.

Siguro kailangan ko syang makausap. Gusto kong malaman kong bakit sya nagka ganon. Hayy!

Me: Miss na kita labs.

Nakatutok parin ako sa cellphone ko  Wala parin syang reply simula ka gabi. Sinubukan kong tawagin sya subalit agad ko naman i'kinancel iyon.

Bigla akong kinabahan na mya mag doorbell. Siguro ay si Justin na yan. Dali-dali akong lumabas ng bahay bago inayos ang sarili. Nakaramdam ako ng kaba ng nasa may gate na ako.

Pagbukas ko!

Zin?

Bakit sya nandito? Nakatalikod sya habang naghihintay na may magbukas ng gate. Alas otso pa ng umaga at bakit ang aga niyang pumunta dito?

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon