CHAPTER:33

17.2K 393 2
                                    

Hanggang ngayon ay hindi parin ako nirereplayan ni Besty. Gusto ko syang bisitahin. Gusto ko syang puntahan sa kanila.

Honestly. Hindi pa nga ako nakakapunta sa kanila and not even know his parents, actually. Larawan lang nila ang nakikita ko. Sa tatlong taon naming pagkakaibigan ay hindi pa ako nakatuntong sa kanilang bahay. Gusto ko ring maging close ang pamilya niya, gaya nang, kong gano sila ka close ni Mama.

Wala sa sarili akong bumaba sa sala. Nagtungo ako sa kusina at mukhang wala na dito si Mama. Kagabi pa niya ako iniiwasan at hinahayaan ko nalang sya. Hindi ko naman pwedeng pilitin si Mama eh. Kong ano man iyon ay sana ay maging okay.

Nag-salin ako ng tubig sa baso, bago umupo sa high chair. Mag-isa ako ulit. Loneliness is always around me. Nothing change and never change.

Natigilan ako sa pag-iisip ng umikot-umikot si Shimshim sa paahan ng upoan. Bumaba ako at kinarga sya. Buti pa ang pusa ko ay kinayang mag-isa dito.

Pinakain ko sya bago. Napadpad ang mata ko sa ref. Walang note mula sa harap nito na palaging dinidikitan ni Mama. Nakakapanibago naman kahit may cellphone iyon ay lagi naman syang may bilin na note.

Siguro kailangan ko naring bumisita paminsan-minsan sa shop. Kaylangan kog bisitahin si Mama. Kaylangan ko syang makausap. Kaylangan kong malaman kong anong problema. Ang dami kong kaylangang malaman.

Tumulak ako sa ref at binuksan iyon. Napatitig ako sa reflection ng aking katawan.

I wonder. Luwag naman sakin itong damit na suot ko. Bakit ngayon ay mukhang fit ng tignan? Kaylangan ko na yatang mag ersisyo.

Bumalik ako sa kwarto ko at dali-daling nagbihis. Suot ang kulay itim na leggings at kulay puting spageti strap ay mas lalong gumuhit ang kurba ng aking katawan. Suot ang kulay puting sapatos na may malaking check sa gilid ay bumagay saking kasuotan.

Ginawa ko ring ponytail ang aking buhok.

Kaylangan ko na yatang mag jogging araw-araw. Lumalaki na yata ang tyan ko.

Nag-simula na akong tumakbo. Huminto ako saglit ng mapagtanto kong hindi ko na pala nakikita si Bleina. Nasan kaya sya? Bakit sya biglaang nawala? Wala rin akong numero niya.

Napasinghap ako bago nagsimula ulit tumakbo. Naglagay rin ako ng headset sa tenga.

Now playing-Objection tango by: Shakira

Dito lang naman ako nag jojoging sa subdivision namin. Bukod sa malawak ay safety pa.

Maging sa pagtakbo ay naiisip ko si Besty. Nakakailang text at tawag na ako sa kanya subalit hindi talaga ito sumasagot.

Huminto ako sa pagtakbo ng makarating ako sa Childrens Park.

Dito ako palagi noon. Dito ako palaging dinadala ni Papa. Mas masarap ang simoy ng hangin dito at maaliwalas pa. Dahil malayo sa daanan ng mga kotse.

Umupo ako sa may nakahalerang bench. Lumilinga-linga ako sa paligid. Medyo sumisikat narin ang araw kaya ang sarap panuorin.

I really miss this place. Yung tipong gusto mong bumalik sa pag kabata. Yung tipong tuhod lang ang nasasaktan at hindi kasali ang puso.

Napapangiti ako habang pinapanuod ang mga batang dumadating. Tila excited maglaro sa ganito ka aga. Kasama ang mga Daddy nila na di umano'y masayang naglalaro ang kanilang mga anak. Sobrang sikip ng dibdib ko. Naalala ko si Papa. Kumusta na kaya sya sa business trip niya? Ang sabi niya sakin ay matatagalan sya sa Korea. Miss ko na tuloy sya!

Ilang sandali lang ay napagpasyahan kong tumayo. Inayos ko ang aking sarili.

Tumingala ako sa langit. Sobrang ganda ng kulay kahel na langit. Ang bughaw ay tinatabunan ng kulay puti at bumubuo ng kong anu-anong guhit.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon