CHAPTER:42

15.4K 352 2
                                    

Pagkatapos naming kumain sa canteen ay dumirekta na ako sa last subject ko. Nakakatamad man ang Music and Arts ngunit kailangan kong pumasok.

Hanggang ngayon ay naiisip ko parin si Toffy at Bea. Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa pagkatapos ng usapan na iyon?

Nilibang ko nalang ang sarili ko sa klase.

Natapos ang buong klase na matiwasay at buti nalang hindi ako inantok.

Dali-dali kong tinext si Besty at Bleina.

Me: Besty, mauna na akong umuwi may pinabibili kasi si Mama sakin.

Me: Bleina, hindi ako makakasabay sayo pauwi ngayon. Mag gro'grocery pa kasi ako.

Nag simula na akong maglakad sa lobby. Mukhang nag siuwian narin ang ibang studyante dahil naka lock narin ang iilang room.

Sumasagip parin sa isip ko ang dalawa. Baka nagpatayan na iyon o kaya nagsabunotan. Sa panahon ngayon wala ka ng maasahan sa mga playboy. Sana lang ay hindi nang-gulo si Toffy. Kasalanan talaga ito ni Justin. Naaawa tuloy ako sa dalawang babae.

Bakit ko nga ba sila iniisip? Naipilig ko ang aking utak.

Pababa na sana ako sa unang sahig ng hagdanan ng may biglang humila saking kamay.

Sobrang bilis ng pang-yayari ng isinandal niya ako sa pader saka ako ikinulong sa magkabila niyang braso. Nakasandal ang magkabila niyang kamay sa pader.

Halos hindi ako makahinga dahil sa tibok ng puso ko. Hinabol-habol ko ang hininga ko habang naglaban kami ng titig. Ang kanyang mata ay bumagsak sa labi ko. Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko dahil sa titig niyang nagpapahina saking tuhod.

"I'm sorry Nicole," Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Halos hindi ako makatayo ng matuwid dahil sa nginig. Hindi ko sya magawang itulak dahil pilit akong pinipigilan ng sarili ko.

Ilang segundo kaming nagkatitigan. Hindi ko inaasahan yung sunod nyang ginawa.

Nanlaki ang mata ko dahil sa labi niyang nakadampi sa labi ko. Halos hindi ko na maramdaman ang sahig dahil sa malambot at mabango niyang hininga. Nakapikit lang ito habang ako ay dilat na dilat. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa pangyayari.

Para akong nakukuryente sa sariling katawan. Nagsisiliparan ang mga paru-paro sa dibdib ko patungong tyan. Nanlambot ang mga tuhod ko at at nanginginig ang mga kamay ko. Bakit? Bakit niya ako hinalikan? Tila nawala na ako saking sarili.

First kiss. This is my first kiss ever.

"Babe,"

Agad kong tinulak si Justin ng mabilisan. Habol-habol ko ang hininga ko sa kaba. Ang pawis ko ay isa-isang bumagsak ng bumungad samin si Toffy at Bea. Oh my ghad!

"Babe, what is the meaning of this?" So Toffy saka ito lumapit sakin. "Ikaw pala ang ipinalit niya sakin? How dare you!" Aakmang sasampalin niya ako ng hinila agad ako ni Justin papalapit sa kanya. Itinago niya ako sa kanyang likuran

"Umalis kana," Si Justin na galit.

Tika lang bakit niya pinapaalis ang girlfriend niya? Nagugulohan ako. Bakit niya ako hinalikan?

"Babe you kiss her." Turo niya sakin.

"Then? Anong pakialam mo?" Nagulat ako sa sagot ni Justin.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon