CHAPTER:60

15K 315 2
                                    

Nagising nalang ako dahil sa masakit na sinag ng araw. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at nakabukas na pala ang veranda. Sigurado akong si Mama ang nag bukas nito.

Dahan-dahan akong umupo saka inayos ang buhok patagilid.

Mukhang napasarap yata ang tulog ko at tila sumisikat na ang araw. Ngayon na pala ang kaarawan ni Cris. Kailangan kong dumalo sa magaganap na birthday party niya.

Hindi ko alam kong anong susuotin ko mamaya dahil ito ang kauna-unahang humabilo ako sa ganitong kasiyahan.

"Nakey!" Bulagta ni Mama saking imahinasyon.

"Ma," Lumapit sya sakin na nakangiti. Naningkit ang mata ko. Mukhang masaya yata si Mama ngayon ah.

"Nandyan na ang sundo mo," Sambit ni Mama na ikinagulat ko.

"Sundo?" Nagtataka kong tanong.

Si Besty? Imposible naman dahil nag dedepende sa mood niya kong makikisabay sakin iyon pumasok.

Si Bleina? Hindi pa nga iyon gising sa mga oras na ito. Kong silang dalawa ang sundo ko, e,  bigla-bigla lang naman iyong papasok dito sa kwarto.

"Sii pogi nandyan na sa labas. Ano ka ba maligo ka na at magbihis." Bulyaw ni Mama saka niya sinara ang pinto.

Dali-dali akong nagtungo sa banyo. Hindi ko alam dahil bigla-bigla nalang kumiripas ang kilos ko. Pagkatapos ng dapat taposin ay bumaba narin ako.

Bumungad sakin si Mama sa may sala.

"Ma aalis na po ako," Humalik ako sa pisnge niya. Naningkit ang mata ko dahil sa malapad niyang mga ngiti.

"May pa sundo-sundo kana huh!?" biglaang kiniliti ni Mama ang tagiliran ko. Napausog ako sa ginawa niya.

"Ewan ko talaga sayo, Ma." Dali-dali ko syang tinalikuran na nakangiti.

Pinilig ko ang ulo ko dahil sa mga ngiti ko ngayon. Hindi. Ano. Kasi. Basta nahawa lang ako sa ngiti ni Mama.

Paglabas ko ng bahay ay tumambad sakin si Justin na nakasandal sa kanyang kotse. Napahinto ako sa paglalakad. Napahawak ako saking dibdib. Isinusuklay niya ang kanyang kamay sa kanyamg buhok. I admit his hot when he do that. Para bang mas lalo syang pomogi dahil sa posesyon niya ngayon.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Alam ko. Alam ko puso kaya tumahimik ka.

Nakasandal lang sya sa kanyang kotse habang nakatingin sa ibang direksyon. Bakit? Bakit? Parang--- Naging slowmo yung paligid?

Para bang may paru-parong nagsisiliparan saking dibdib.

Ang gaan sa pakiramdam na para bang lumilipad ako sa alipa'ap.

Lumingon sya sa direksyon na agad kong ikinaiwas ng tingin. Dali-dali kong inayos ang aking sarili.

"Ang tagal mo naman. Nagpapaganda ka pa ba? Hindi muna kaylangang mag paganda pa. Maganda kana saking mga mata." kindat pa nito pagkatapos sabihin ang pangungusap na iyon. Inirapan ko sya.

"Sa lalim ng iyong imahinasyon, pati ako inaambisyon mo." taas kilay kong sagot rason kong bakit sya natahimik.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon