CHAPTER:82

13.1K 282 5
                                    

Besty Point of View

Hanggang ngayon ay hindi parin nagigising si Nicole.

Nakatitig lang kami kay Tita belle habang nililinis niya si Nicole.

Okay na rin si Tita at kahapon lang sya nakalabas ng hospital. Nagwawala pa nga siya kahapon dahil sa nakita niyang nakahiga si Nicole sa kamang hindi pinapangarap ng mga bawat tao.

"Sana magising na si Nicole," nakabusangot na saad ni Bleina.

"Malakas si Nicole at palaban. Alam nating babalik siya. Gigising sya para satin." marahang sambit ni Cris mula sa sofa.

Napatingin ako sa dalawa. Alam kong may sikretong itinatago tong dalawang to. Kong ano man iyon ay wala na akong pakialam. Magmahalan sila hanggat mahal pa nila ang isat-isa. Walang forever gaya ng sinabi ni Nicole.

"Nakey," biglaang hiyaw ni Tita. Dali-dali kamig tumayo at lumapit sa kanya.

"Tita, may problema ba?" kinakabahan kong tanong.

"Gumalaw ang isang kamay niya. Gumalaw." sobrang lapad ng ngiti niya sa pagkakataong ito. Maging ako ay ganon din.

"Oh my gosh. Thanks God!" naiiyak na sambit ni Bleina.

"Tatawag po ako ng doctor," suhestyon ko. Dali-dali akong lumabas ng silid.

Hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko ngayon.

Sobrang saya ko. Magiging okay narin ang lahat. Sana naman ay gumising na si Nicole. Sembreak pa naman ngunit dito talaga siya sa hospital nagbakasyon.

Bumalik ako sa silid na kasama ang Doctor. Pagbukas palang ng pinto ay bumungad sakin ang lahat. Nandito na si Zin, Bea at si Daddy.

"Doc," Sabay ni Tita at Daddy.

"Gumalaw ang kamay ng anak ko, Doc." direktong saad ni Tita.

Lumapit ang Doctor at kong anu-ano ang pinag-gagawa kay Nicole. Ilang sandali at Pagkatapos niyang ma check si Nicole ay humarap sya samin na nakangiti. Isang ngiting nag papa gising samin ng pag-asa.

"Good news. She is resting and doing pretty well. She does seem to have a great pain, which we assume  from spike in heart rate." salaysay nito. Halos tahimik ang buong paligid. Tila seryosong nakinig sa wika ng Doctor. "Mr. Givarry and Mrs. Staines, she has some other tiny changes, she move her hand and it is a sign." dugtong pa nito na ikinahinga namin ng malalim.

"What do you mean Doc? Gigising na ba ang anak ko?" si Tita Belle na halos maluha. Hawak-hawak niya ang kamay ni Nicole.

"Yes, Mrs. Staines. She has more eyelid flutters. Still no sign of waking of her eyes, but there's no panic at this point. She's okay," napayakap si Tita sa kamay ni Nicole. Maging kami ay nabunotan ng tinik.

"Diyos ko. Tulongan nyo po ang anak ko," isa-isang tumulo ang luha ni Tita. Maging ako ay naluluha narin. Sana magising kana Nicole. Nandito pa kami at naghihintay sayong pagbalik.

"Thank you so much Doc," nakipagkamay si Daddy sa Doctor. May ngiti na sa mga labi ni Daddy at tila nabuhayan din ito ng pag-asa.

"You're welcome Mr. Givarry. Don't worry. She's wakes up, but only her mind, body and spirit are ready to back. God have a plan," tinapik ng Doctor ang balikat ni Daddy bago ito lumabas ng pinto.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon