CHAPTER:63

13.8K 291 10
                                    

Dali-dali ko syang itinulak ng inamoy-amoy niya ang buhok ko. Humarap ako sa kanya na taas kilay.

"Ang maldita mo talaga noh?" Sambit niya.

Tinitigan ko sya mula ulo hanggang pa. I admit he's cute with his black suit. Pero nakakainis parin eh.

"Masyado ka kasing chansing." Galit kong sagot ngunit tumawa lang sya ng mahina.

"No I'm not. I just want to surprise you." Nguso niya.

"Surprise ba 'yon? Minamanyak mo yata ako eh." Suntok ko sa kanyang dibdib. Lagi ko itong ginagawa sa kanya at lagi niya lang din namang hinuhuli ang kamay ko.

"Ang dal-dal mo noh? Hali ka nga kaylangan mong magbihis." Hinila niya ang kamay ko. Magbihis? Tika lang.

"Wait! Bakit? May problema ba sa suot ko? Tanong ko sa kanya na kunot noo.

Sinundan ko sya ng tingin at nakatitig lang ito sa dibdib ko. Oh my ghad.

"Oo masyadong---," Tinignan nya ulit ako head to toe. "Ugh. Inaasar mo ba talaga ako bata?" Bulyaw niyang dugtong.

"Ano? Wala namang ginagawang masama ang suot ko sayo ah." Depensa ko pero mas lalo lang syang nairita.

"Inaasar mo ako sa mga suot mong-- Masyadong expose." Iwas tingin niyang saad saka ako hinila ulit.

Hindi ko magawang pumalag dahil sa mahigpit niyang hawak sa kamay ko.

Halos napapalingon na sa direksyon namin ang ibang bisita ni Cris. Mukha na akong pagong maglakad nito dahil sa mataas kong heels.

Ang sakit-sakit na ng paa ko pero pilit ko paring umayos sa paglalakad.

Napahinto kami sa paglalakad ng may biglang tumawag kay Justin mula sa mga grupong lalaking nagkukompolan.

"Dude...Wait," Humarap kami mula roon.

Tumambad sakin ang dalawang lalaki na sobrang gwapo at chinito.

Lumapit sila samin na nakangiti.

"Oh Kevin, Drake?" Nakipag highfive ang si Justin sa kanila.

Napadpad ang tingin nila sa magkahawak kamay namin ni Justin. Mabilisan ko iyong binawi. Humalukip-kip ako.

"Whoa dude. Baka gusto mong ipakilala samin yang dala mong chix," Saad ng lalaking blonde ang buhok.

Inabot ulit ni Justin ang kamay ko. Hinila niya ako palapit sa kanya.

"Sure," Humarap sakin si Justin. "Nicole met my stupid two friends." Natatawang salaysay ni Justin kaya ngumuso ang dalawa.

Ang cute nila!

"Nice meeting you Nicole, I'm Kevin Haminez, by the way." Nakipag shake hands ako sa kanya.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon