KABANATA 22

17.1K 393 3
                                    

"Hoy Justin. Saan tayo pupunta? Ano ba bitawan ako?" Kanina ko pa iyan sinasabi subalit ayaw niya akong bitawan.

Hindi niya ako magawang lingonin at diretso lang ang tingin nito sa harap.

Bakit ganito kabilis ng tibok ng puso ko. Parang kakaiba ang bilis nito.

*Dug dug dug*

That's what I mean.

Ano ba yang naririnig ko? Makakain ba yan?

Naipilig ko ang aking utak. Nababaliw na yata ako.

"Justin. Bitawan mo ako," sigaw ko ulit. Halos matapilok ako sa ginawa niyang paghila sakin.

"Bitiwan mo ako sabi eh. Fuck you." mura ko na ikinahinto niya.

Agad syang lumingon sakin na sobrang kunot ang noo. Sobrang sama ng tingin niya sakin at di umano'y sasakalin niya ako.

Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko sabay ng pag igting ng kanyang panga.

Napahawak ako sa kamay ko na hawak niya kanina. Nagtatalo kami gamit ang mata sa mata. Kinabahan ako sa titig ni Justin.

Lumapit sya sakin! Malapit na malapit.

At di ko inasahang--------

Binuhat nya ako. OH MY GHAD! Binuhat niya ako.

*Dug dug dug*

Again?

Ano naman iyon? Makakain ka ba talaga?

"Ibaba mo ko wah!" sigaw ko habang pilit pumipiglas sa bisig niya. Diretso parin ang tingin niya sa harap.

Nakakahiya talaga. Baka may makakita samin. Lalo na kay Zin. Omo! Ayaw kong mangyari iyon.

"Ano ba justin ibaba mo ko," Sigaw ko parin ng sigaw habang paakyat sya ng hagdanan.

Sobrang lapit ng mukha namin sa isat-isa. Baka isang galaw ko lang ay mahahalikan ko na sya. What the! Halik? Wah. Ayaw ko.

"Stupid....Would you please shut-up sobrang ingay mo." mura niya na ikinatahimik ko. Ghad. Ang mabango niyang hininga ay humampas saking mukha.

Bigla akong nanghina sa amoy na iyon.

Am I stupid?

*Dug dug dug*

Yan. Yang naririnig ko. Grabe halos manghina ako sa tibok ng puso ko. Humalukipkip ako sa bisig niya at pilit humawak sa kanyang braso.

Umakyat sya sa hagdanan at napagtanto kong sa clinic ang palapag na ito. Sinulyapan ko si Justin at halos mag tama ang ilong ko at pisnge niya. Damn! Bakit ang gwapo niya? Kaya lang ay halos magkamukha sila ni Zin. Huwag na lang. Hindi nalang sya gwapo.

Ayaw ko sa kanila.

Nakarating kami sa huling silid.

Sinipa nya ng malakas ang pinto ng clinic. Pwede naman buksan ng marahan bakit sinipa pa talaga?

Sinamaan ko sya ng tingin pero di niya parin ako nililingon.

Grabe bastos talaga. Eh ano pa ba ang aasahan ko sa ugok na 'to?

Tumambad samin ang baklang nurse.

"Mr Givarry," natataranta itong tumayo.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon