KABANATA 16

17.6K 409 3
                                    

Hindi ko alam kong pano sumayaw. Kanina pa ako nahihiya sa gitna.

I can't dance or maybe headbang my head. I dont even know how to move like jagger. Wala eh. Parehong kaliwa ang paa ko. Hindi ko alam kong pano gumalaw ang mga mananayaw.

Para akong naligaw sa lugar na ito. I'm just wearing pants and halter top. Samantala ang iba ay sobrang ganda at sexy nila.

"Kumembot ka naman dyan, dam. Wooh! Party party!" hawak-hawak ni Besty ang kamay ko at itinaas niya ito sa ere. Nanatili akong nakatayo at tila ayaw gumalaw.

Kanina pa ako nakayuko sa kahihiyan kahit alam kong wala namang magkandarapang titigan ako.

Kuminding-kinding si Besty habang nakapikit sya. Di umano'y dinaramdam niya ang bawat tutog ng musika.

I cant imagine that I am here now with the people I dont even know. Flirting? Gosh. Ang galing nila sa talent na 'yan huh.

"Besty bumalik na tayo sa upoan please," hinila ko sya subalit nag mamatigas parin ito.

"No. Huwag ka nga. Alam mo sumayaw ka nalang dyan, tutal eh walang pakialaman ang mga tao dito pagdating sa sayawan. Go lang ng go dam, don't be shy." bumalik sya sa sayaw. Itinaas niya ang magkabila niyang kamay habang tumalon-talon ng mahina.

Wala akong magawa kundi sumayaw ng kaunti. Isang sayaw na kamay lang ang ginagalaw. Iginala ko ang aking mata sa buong paligid. I see Cris dancing with a girl. Kumunot ang noo ko. Hindi lang pala isa, kundi pinalilibutan sya ng mga kababaihan.

Natawa ako na wala sa sarili.

Hindi ako nakainom pero para akong nalalasing dahil sa mga nakakaduling na iilang disco light sa paligid.

Lumipat ang tingin ko sa kabila. Biglaang sumikip ang dibdib ko. Nakita ko si Mary at Zin na sumasayaw.

Hawak-hawak ni Mary ang leeg ni Zin habang si Zin ay hawak-hawak ang bewang ni Mary. Sobrang dikit nila sa isat-isa at di umano'y nag e'enjoy sa sayaw.

Sobrang sikip sa dibdib.

Umiwas ako ng tingin at mabilisang hinila si Besty palabas ng dancefloor. Hindi ko alam kong saan ako humugot ng lakas at kong bakit nahila ko sya ng ganon-ganon lang.

Nagtungo kami sa counter. Sobrang sakit na talaga ng dibdib ko. Ayaw ko talagang nasasaktan ng harap-harapan. Mas gusto ko pa iyong nasasaktan lang ako dahil sa nababalitaan.

Takang-taka si Besty sa ginawa ko.

"Yung hard please! Kahit ano basta hard," may panunuya kong wika.

"Wait a minute," hinila ni Besty ang braso ko para humarap sa kanya. "I thought you wont drunk," aniya. Bahagya akong nag taas ng kilay.

"Kanina. Pero ngayon gusto kong magpakalasing. Let's drink Besty," mabilisan kong nilagok ang alak sa isang inom lang. Halos gumuhit ang lahat ng emoji sa mukha ko.

Grabe. Ang pait. Ganito pala ang lasa ng alak? Bakit yong iba ay takam na takam sa ganitong inumin? Disgusting!

Nagpatuloy kami sa inuman ni Besty. Panay tawa namin sa isat-isa. Halos nakuha na nga namin ang atensyon ng ibang tao sa paligid eh. Sorry guys. Were so happy lang talaga. Bawal ang sad eh.

Ilang sandali lang ay bumalik kami sa dancefloor. Hindi ako marunong sumayaw pero dala nang kalasingan, feeling ko ay mukha na akung hip-hop dancer.

Natatawa ako sa bawat galaw ko sa dancefloor. Hindi ko ma'iimagine kong anong itsura ko ngayon. Well, I don't care. I just want to enjoy. And beside, masarap palang sumayaw noh? Lalo na pag lasing ka.

Sarap sumayaw hoo!

Sobrang lapad ng ngiti ni Besty at panay titig nito sakin. Tawang-tawa sya sakin.

"Ang galing mong sumayaw pag lasing," aniya. Sinuntok ko sya sa braso.

"Huwag mong ipagkalalat to ah? Sige pa....sayaw pa tayo! Wooo," nagsimula ulit kaming sumayaw. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sabay ng malakas na tugtog.

Naningkit ang mata ko dahil huminto sa pagsasayaw si Besty.

"Oh bakit ka huminto?" lasing kong tanong. Inabot ko ang kamay niya at itinaas ito. Nag-simula ulit akong sumayaw subalit hindi sya gumagalawa. "Besty," kaway ko.

Sinundan ko sya ng tingin dahil parang may tinitignan sya sa likod ko.

Dahan-dahan akong humara sa likod ko na may ngiti. Halos matumba ako bagama't nasalo agad ako ni Besty.

"K-Kaya pala," halakhak ko bago itunuro ang lalaking nasa harap. "Kaya pala tumigil ka sa pagsasayaw dahil may gwapong nilalang sa likuran ko," lasing kong wika.

Lumapit ako sa lalaki at sinuri ito. Bakit pamilyar sakin ang mga mata niya. Ang singkit niyang mata at matangos niyang ilong ay napaka-perpekto.

Nagulat ako sa ginawa niya. Hinalbot niya ako bigla sa braso saka ako hinila palabas ng bar. Oy, ano ito? Dudukotin niya ako? Gagahasain dahil lasing? Aba. Kong ganito ka gwapo ay go na go ako.

Hindi ko magawang pumiglas dahil sa hindi ko na kayang ituwid ang tayo ko. Nagpatianod ako sa hila niya. Hanggang sa makarating kami sa parking area ng bar.

"Oy tika saan mo ako dadalhin," hinila ko ang kamay ko subalit hinigpitan niya iyon ng hawak.

Hindi ko sya kilala. Sino ba itong lalaking ito?

"Ano ba. Bitawan mo ako," ma pwersa kong hinila ang kamay ko rason kong bakit ako na out balance.

Mabilisan niya akong nasalo. Napayakap ako sa kanya. Mas lalo ko ng nasilayan ang mga mata niya.

Umiigting ang panga nito habang nakayakap parin ako sa kanya. Nahihilo na ako pero amoy na amoy ko parin ang pabango nya. Ang bango niya!

Walang ekspresyon niya akong tinignan.

"Kong may balak ka sakin. Panindigan mo ako huh!?" huli kong sabi bago tuluyang bumagsak ang aking katawan sa bisig niya.

Nakapikit ako subalit ang tenga ko ay nakamasid. Rinig na rinig ko pa ang galit niyang boses at hindi ko alam kong sino ang kausap niya.

"I told you, do not bring this woman here," mapakla niyang sabi.

Sinong kausap niya?

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon