CHAPTER:45

15.5K 329 6
                                    

Ang bilis ng araw at hindi ko manlang namalayan. Tuwing byernes ay half day lang ang klase ko.

Nakabulagta parin ako sa kama na nakapikit. Ang sarap matulog buong araw pero kailangan kong pumasok. Yung feeling na nakakatamad bumangon.

Tumunog ang phone ko kaya inabot ko iyon mula sa gilid ng aking kama. Tumambad sakin ang text ni Besty.

From: Besty

Goodmorning dam. Umaga ang schedule ko ngayon. Gusto sana kitang yayaing pumunta sa bar ko mamaya. I have something to tell you. These is important, please be there.

Bar ulit? Hindi pa nga ako nakakamove'on sa lalaking nambastos sakin noon. Ano namang trip ng baklang to at sa bar pa talaga ako papupuntahin. Buti lang kong nandun si Justin.

Tika? Na mention ko ba ang pangalan niya? Pinilig ko ang ulo ko.

From: Bleina

Goodmorning friend. Busy ka ba ngayon? Magpapasama sana ako sayo mag pa check-up. Kanina ko pa kasi nararamdaman ang pananakit ng ulo ko eh.

Ghad. si Bleina.

Nagmamadali akong nanghilamos at wala na akong oras para maligo.

Hindi ko alam kong pano ako nakapag-ayos ng isang minuto lang. Kailangan kong puntahan si Bleina.

Dali-dali akong bumaba sa sala's at tumambad sakin si Mama na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng magazine.

"Goodmorning Ma!"  lumapit ako sa kanya at hinalikan ito sa pisnge.

"Oh? Diba mamaya pa ang pasok mo bakit ka naka bihis?" Ningkit mata niya.

"Naku ma, mamaya ko na sasabihin sainyo. Kailangan kasi ako ng kaibigan ko ngayon. Babalik din ako agad!" Hinalikan ko ulit sya sa pisnge saka ko sya tinalikuran.

"Nakey?" Bahagya akong lumingon kay Mama ng sumunod ito sakin. "Yung Papa mo nag-usap na kami." Naku si Mama ngayon pa talaga niya sasabihin yan, eh! nagmamadali ako.

"Wala namang bago Ma e, palagi syang wala dito sa bahay." Iwas tingin ko saka ko narinig ang kanyang buntong hininga.

"May pinabibigay ang Papa mo sayo." Nagulat ako sa sinabi ni Mama. May kinuha syang susi sa kanyang bulsa kaya laking gulat ko.

"Oh my ghad. Wah!" Agad ko syang niyakap ng mahigpit. Yes, magagamit ko narin ang kotse. Makakapag drive na ako. Tumalon-talon ako sa saya at tuwa.

Hindi ko alam kong bakit nag-bago ang isip ni Papa. Sana ay wala itong kapalit. Kapalit na bawal akong mag boyfriend.

*****

Sobrang lapad ng ngiti ko habang nagmamaneho. Pero kotse ni Bleina ang ginamit namin. Kailangan ko pa kasing linisin ang kotse kaya hindi ko magagamit ngayon. Panay sulyap ko kay Bleina habang hinilot-hilot niya ang kanyang noo.

Dr. Zaragoza Chavez

30 minutes na akong naghihintay kay Beina habang kinakausap sya ni Dr. Chavez. Kahit medyo pumayat at namumutla sya ay hindi parin nawawala ang ganda niya.

Ilang sandali nilang pag-uusap ay napagpasyahan naming umuwi.

"Anong resulta?" Sulyap ko kanya habang naglalakad kami sa corridor.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon