CHAPTER:66

14.5K 290 6
                                    


Titig na titig parin ako sa kisame habang iniisip ang nangyari kagabi. Panay ngiti ko dahil hindi ko maiwasang kiligin. Sinagot ko si Justin kagabi. Ghad, kami na ba talaga? Parang isang panaginip lang.

Yakap-yakap ko si bob habang hinahalik- halikan ito ng ilang ulit.

"Alam mo baby bob. Manang-mana ka sa amo mo, Ang bango-bango hehe!" Nakangisi kong bulong kay baby bob. Walang ka alam-alam ang dalawa kong kaibigan tungkol sa relasyon namin ni Justin.

Bigla ko tuloy naalala yung pinag-gagawa namin kagabi.


~Flashback~

"Justin? Hindi pa ba tayo papasok sa loob?" Hanggang ngayon ay nandito pa kami sa rooftop. Sabay naming tinanaw ang nagraramihang bituin sa langit.

Nakahiga ako sa dibdib niya kaya sobrang komportableng-komportable ako.

"No. Mas gusto ko dito tahimik," Sambit niya habang nakapikit.

Tumingala ako saka sya tinititigan pasandalian.

"Birthday ng kaibigan mo ngayon. Dapat ay nandoon ka. Baka kasi hinahanap narin ako ng dalawa kong kaibigan," Sagot ko sa kanya habang tinititigan ito.

"Kiss muna," Nakanguso niyang sambit. Sinuntok ko sya sa dibdib.

"Nakakarami ka na hug!?" Humiwalay ako sa pagkayakap sa kanya.

Ngumuso ako.

"Madami ba yon? 1, 2, 3!" Wika niya sabay habang nagbibilang sa kamay. Sinuntok ko ulit sya.

"Abusado ka na talaga," Hinuli niya ang kamay ko saka niya iyon inilapat sa kanyang labi. Naramdaman ko ang init ng kanyang labi sa kamay ko.

"Gusto mo ba talagang bumalik doon?" naging seryoso ang kanyang mukha.

"Oo nga," Suminghap sya bago ako inakbayan ulit.

"Okay. Pero nandun si Sammantha!? " Dungaw nyang sabi sakin. Ngumuso ulit ako.

Pano ba yan?

"Ganito nalang, huwag na huwag kang lumapit sakin huh. Hindi ako magseselos o magagalit na umaaligid yang Sammantha sayo," Naasar sya sa sinabi ko.

Ang kanyang mukha ay nakabusangot.

"Sigurado ka talaga dyan huh?"
Dahan-dahan akong tumango.

~Fast forward~

Okay fine. Binabawi ko na ang sinabi kong hindi ako magseselos o magagalit sa pinag-gagawa ng Sammantha na iyan.

Kanina ko pa sila sinusulyapan at panay himas ni Sammantha sa braso ni Justin. Minsan nahuhuli kong nakatitig sakin si Justin kaya agad-agad ko itong sinamaan ng tingin.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon