CHAPTER:41

16.5K 359 6
                                    

Hinabol ko si Justin ng makita ko sya sa corridor. Minaigi kong tumakbo ng mabilis.

"Justin, sandali lang." hingal na hingal akong maabotan sya. Nakapamulsa syang nakatitig sakin.

"Bakit ka pumayag? Hindi naman yun totoo eh!" Wika ko.

Sinuri niya lang ako. Nabigla ako ng idinikit niya sa noo ko ang puti niyang panyo. Pumikit iyon sa noo ko dahilan sa mga pawis ko.

"Magpunas ka," saad niya saka ako tinalikuran. Napanguso ako. Kinuha ko ang panyo sa noo ko at minabuting ipinahid sa pawis ko.

Nagtatanong ako, tapos panyo lang ang ibinigay? Sagot ang gusto kong marinig. Kong bakit pumayag sya?

First time kong ma detention sa buong buhay ko.

Tapos!? Pasado alas dose na kami makakalabas nito pag ganon. Ugh. Ano kayang trip ni Cris? Bakit niya kaya itinuro si Justin? At bakit ako pa?

Papasok na kami ng detention room. May isang responsible guard ang nagkabantay mula sa labas ng kwarto.

Tumango lang ito bilang pagpasok namin. Tumulak kami sa loob at bumungad sakin ang malawak na kwarto. Bakit walang upoan? Saan ako uupo nito?

"Tatayo ka lang ba dyan?" Lumingon ako sa kanya na nakaupo na ngayon sa sahig.

Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig sa loob.

"Malamig sa simento hindi ako sanay," Talaga. Wala ngang aircon sa kwarto ko. Nag-taas lang sya ng kilay.

May hinalungkat sya sa kanyang bag at napagtanto kong jacket iyon.

"Come here," Anyaya nya sabay tapik sa jacket na inilapag niya sa sahig. Bahagya akong nag-taas ng kilay. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito. Masyadong sweet, minsan bossy. Weird! "Ayaw mo? Okay. Tumayo ka dyan ng dalawang oras,

"Wait," pigil ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Dahan-dahan akong umupo bago sya sinulyapan. "Thanks!" ngisi ko subalit wala syang reaksyon.

Ang sarap sigurong maging boyfriend ni Justin. Sobrang caring.

Tika?

Sinabi ko ba iyon? Naipilig ko ang aking ulo. Shit! Kong anu-ano ang iniisip ko.

Ilang minuto kaming tahimik at walang imikan. Nakahiga sya sa sahig habang ginawang unan ang kanyang magkabilang braso.

Napagpasyahan kong hindi nalang magsalita baka madisrturbo ko pa yung tulog niya.

Na pabuntong hininga ako bago tinignan ang relo. 10:30am? Ang tagal pa bago mag alas dose. Papatayin talaga kita mamaya Cris, humanda ka talaga sakin. Naku! Galit na galit talaga ako sa ginawa niya. Nagtitimpi na ako at gusto ko na syang sakalin ngayon din.

"Sinong iniisip mo?" Bumalik and diwa ko ng marinig ko ang boses ni Justin. Bahagya akong lumingon sa kanya subalit nakapikit lang ito.

"Yung kaibigan mong baliw." Galit kong sagot.

"May gusto ka sa kanya?" Seryoso nyang tanong na ikinabigla ko. Nilingon ko ulit sya at nakadilat na ito.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon