KABANATA 19

18.2K 393 5
                                    

"Bakit mo ako iniwan kagabi kay Justin?" sinamaan ko sya ng tingin. Tila nagkaumbabaga ang kilos ni Besty.

"Eh kasi, ano." kati niya sa kanyang batok. Nanatili akong nakatayo na nakapamewang.

"A-Ano? Bakit sya ang kasama ko kagabi? Bakit sya ang naghatid sakin pauwi? God--- Besty. Baka may nangyari-----,"

"Huwag ka nga. Halika ka nga maupo ka dito," hinila niya ako patabi sa kanya. Nanatiling masama ang tingin ko kay Besty. "Let me explain, Okay." Hinawakan nya ang magkabila kong kamay.

Kumunot ang noo ko sa titig ni Besty.

"E-h kasi ganito 'yon. Pareho tayong lasing kagabi. Buti nalang talaga eh nakita tayo ni Justin. Well, una niya akong hinatid sa bahay. Then, after that hinatid karin niya." salaysay ni Besty na ikinatahimik ko.

Maniniwala ba ako sa baklang ito?

Matagal ko na syang bestfriend wala naman siguro syang tinatago sakin. I hope he's not lying. Napahilamus ako sa mukha ko.

"Oh? Bakit ka napahilamos dyan?" sumulyap ako kay Besty. Hiyang-hiya na ako ngayon. Nahihiya ako habang iniisip kong anog pinag-gagawa ko kagabi.

"Ang sabi sakin ni Mama ay nasukahan ko si Justin," namilog ang mata niya sa saad ko. Tilaay ngiti ngunit nang-aasar lang iyon. "Tapos--- Wah. Ewan ko. Nakakahiya ang ginawa ko. Umuwi syang madumi ang kanyang damit. Sigurado akong mabaho iyon," napahilamos ulit ako sa kahihiyan.

Pano nalang kong magkasalubong kami dito sa University? Hindi lang basta magkasalubong. Mag kaklase pa kami sa Mapeh. Hayy! Grabe. Ayaw ko ng umulit pang muli.

"Ganito nalang madam. Mag thank you ka nalang sa kanya. Siguro ay sapat na iyon." napasulyap ulit ako kay Besty. Siguro tama sya. Kaylangan kong pasalamatan si Justin.

Kaya ko bang kausapin 'yon? Eh. Nakakatakot ang kanyang paninitig sakin.

*****

Pumasok ako sa huli kong subject. Buti nalang talaga at walang exam at quiz kaninang umaga sa mga subject ko. Baka malaking kawalan pa iyon sa mga score at grades ko pag ganon.

Kanina pa ako pigil ng pigil sa mata kong gusto ng bumagsak. Panay siko sakin ni Besty sa tuwing ipipikit ko ang aking mata. I want to fight this sleepnesses dahil ayaw kong ma detention. Hindi ko pa iyon nararansanan. Wala na nga akong oras lingonin ang tatlo sa likod eh. Gustohin man ng leeg ko, pero pinipigilan ko ito.

Kalahating oras sa klase ay nabuhayan ako ng cell ng tumunog ang malakas na bell. Bumulagta ang ulo ko sa mesa at tila nakawala sa isang hawla. God. Inaantok na ako!

"Dam? Kaya mo pa ba?" itinaas ko ang aking kamay tanda ng kasagotan. Nanatiling nakadikit ang ulo ko sa desk. "Ihahatid na kita pauwi. Ano game?" ulit ni Besty.

Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo. Nakapikit ang isa kong mata habang ang isa ay nakadilat.

"Ice cream tayo. Gusto kong kumain ng matamis eh. Please," anyaya ko na ikinabuntong hininga niya.

"Sige. Doon tayo sa Childrens park." tumango ako at inalalayan niya akong tumayo.

"Can I join?" nagulat kami sa biglaang pag sambit ni Besty. Buong akala ko ay nakalabas na sila subalit andito pa silang lahat.

Umiwas ako ng tingin kay Zin. Nasasaktan lang ako pag tinitignan sya.

"Are you out of your mind, Cris? May lakad tayo diba? We have to go," singit ni Mary.

"Pass muna ako dyan guys. Gusto ko rin kasi kumain ng ice cream," mas lalong gumuhit ang galit na ekspresyon ni Mary.

"Ew, sasama ka ba talaga sa kanila?" sambit ni Bea. Aakmang susugorin ni Besty si Bea ng pinigilan ko agad ito.

"Why not Bea, and beside kaibigan ko si Nicole. Kayo nalang ang tumuloy sa Hiro's. Susunod nalang siguro ako," eksplenasyon ni Cris. Hindi ko alam kong bakit magtatalo pa sila tungkol dito.

"Cris," isang matalim na titig ang itinapon ni Zin kay Cris. "We have to go," dugtong nito. Napakati si Cris sa kanyang batok.

"Hayy naku. Hindi talaga kayo makakaalis hanggat hindi nakakasama ang gwapo noh?" sa pagkakataong ito ay gusto kong matawa. Nagagawa pang mag-biro ni Cris sa kalagayan na ito? Halos awayin nga sya.

"Excuse me lang guys huh!" biglang sambit ni Besty. Hinawakan ko ang braso niya dahil alam kong nagtitimpi na sya sa galit. "Hindi ko alam kong anong problema nyo samin ni Nicole. Kayo lang naman itong biglang sumisingit sa usapan naming mag bi'bestfriend," pinagbantaan ko si Besty gamit ang mata. Pero nagmamatigas ito. "At ikaw naman Bea. Kong maka ew ka samin ay daig pa namin ang basura? Hindi mo ba tinitignan yang sarili mong kay kapal ng make-up? Parang araw-araw ay may party ah?" namilog ang mata ni Bea. Halos lumuwal ito sa gulat. "At ikaw naman, Mary. Kong maka out of your mind ka dyan ay daig pa namin ang baliw? Hindi mo ba tinitignan yang sarili mong halos nagmumukhang asong gala, dahil habul ka ng habol kay Zin?" nalaglag ang panga ni Mary sa narinig. Halos gumuhit lahat ng ekspresyon sa kanyang mukha.

"How dare you to say that, baklang froglet." aakmang susugod si Mary ng pinigilan ito ni Zin. Sobrang galit na galit sya.

Lumapit si Zin kay Besty at kwenelyohan ito. Dali-dali akong lumapit kay Besty at nilabanan ng titig si Zin.

"Bitawan mo sya," bulyaw ko. Sobrang sama ng tingin niya sakin. Itinulak niya si Besty rason kong bakit ito napaatras.

"Ayusin mo 'yang pananalita mo, Jun. Baka hindi ako makapag pigil at mauupakan na kita. Baka makalimutan kong pin---,"

"Zin. Enough. Please." malamig na saad ni Justin.

Napatitig ako kay Justin at walang ekspresyon niya akong tinignan pabalik.

Jun? Paano niya nalaman ang totoong pangalan ni Besty? Tika lang?

"Let's go. They're just wasting our time." hinila ni Justin si Bea bago naman sumunod si Mary at hinila palabas si Zin.

"Sorry guys," si Cris bago ito lumabas ng silid.

Hawak-hawak ko ang braso ni Besty. Tinignan ko sya. Gusto kong mag tanong tungkol sa narinig galing kay Zin. Ako lang ang nakakaalam tugkol sa totoong pangalan ni Besty. Pano nalaman ni Zin iyon?

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon