KABANATA 12

18.4K 418 7
                                    


"Ma aalis na po ako." mabilisan akong lumabas ng kwarto ko. Gusto ko ng makita ang black eye ni Besty. Hindi ako sigurado pero ganon talaga ang nangyayari tuwing pinapatawag sya sa kanyang Daddy. Bagama't eh. Nasanay na sya sa kamao ng kanyang Daddy.

Dali-dali akong bumaba ng hagdanan. Napahinto lang ako ng marinig ko ang bulyaw ni Mama.

"Kumain ka muna, nakey." bulyaw nito. Ikinaway ko ang aking kamay patalikod.

"Sa school nalang po ako kakain. Bye, Ma."

Hindi ko na narinig ang sinabi ni Mama dahil tumakbo ako ng mabilis palabas ng gate.

******

School.

Me: Besty nasan ka? Nasa University na ako. I will wait you, nasa hall way ako.

Panay yuko ko habang nagtitipa. Kanina ko pa sya tinitext at hindi parin niya ako nirereplayan. Nasan na kaya yong bakla na 'yon? Sana lang talaga ay okay sya. Sobrang nag-aalala na ako sa kanya.

Nagbitaw ako ng hininga. Wala sa sarili akong naglakad sa hallway. Kaylangan ko ng pumasok sa una kong klase. Baka ma late pa ako,

"Fuck," isang malakas na mura ang tumambad saking tenga.

Napatuwid ako ng tayo ng may nabangga ako mula sa harap. Dahan-dahan itong humarap sakin na sobramg galit.

Na statwa ako sa nakita. Hindi ko magawang magsalita dahil nasa harapan ko si Zin at Mary.

"Bulag ka ba huh!?" galit na tanong ni Zin habang hinimas-himas ang likod ni Mary. Parang may bumara sa lalamunan ko.

Pagsinabi ko ba sayong hindi ako bulag maniniwala ka ba? Kahit na may pagtingin ako sayo?

Sabi ko sa isip ko at nanatiling nakatitig kay Zin.

"You know what, Nicole. I don't expect such a person like you. Binangga mo na nga ako. Hindi ka lang ba mag so'sorry?" sigaw ni Mary sakin rason kong bakit ako napaatras.

Ang sikip ng aking dibdib ay pinapahina ako sa kinatatayuan ko ngayon.

Parang may pumipigil sa bibig ko na magsalita. Gusto kong tanongin si Zin. May mga pasa sya at bugbog sa bawat bahagi ng kanyang mukha. Ang kanyang labi ay may pasa maging sa kanyang pisnge ay meron din.

I dont know why I'm still acting that I still care for him. Ang sakit.

"Oh now I know, why. Busy ka sa kakatingin sa boyfriend ko. Damn you, Nicole." malakas akong itinulak ni Mary rason kong bakit bumalik ang diwa ko.

Imbis na sagotin ko si Mary ay nanatili parin akong nakatitig kay Zin. Oo inaamin ko. Na-aawa ako dahil sa mga sugat niya ngayon. Bakit sya may sugat? Sinong may gawa nito sa kanya?

"Zin? Anong nangyari sayo?" wala sa sarili kong tanong.

Sobrang bilis ng pangyayari. Isang malakas na sampal ang natamo ko kay Mary. Tumagilid ang mukha ko sa ginawa niya. Ramdam ko ang mainit na palad niya sa kamay ko kanina.

"Mary why did you do that?" si Zin. Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Gosh sinampal sya."

"Baka may gusto kay Zin."

Tila umalingaw-ngaw saking tenga ang mga boses ng mga iilanh studyante sa lobby.  Hawak-hawak ko ang pisnge ko, kong saang bahagi sinampal ni Mary.

May namumuong luha sa magkabila kong mata ngunit pilit ko iyong pinipigilan.

"Huwag kang magpapahalatang mahal mo pa ang boyfriend ko, Nicole." bulyaw ni Mary. Hindi ko alam kong anong irereaksyon ko ngayon.

Natamaan ako sa sinabi ni Mary. I already asked myself everynight if I still love Zin.

"Mary, Sorry." tanging naisagot ko. Kusang lumabas lang iyon sa bibig ko. Sobrang sama ng tingin niya sakin.

"Babe, let's go." hinila sya ni Zin subalit nagmamatigas ito.

"No, babe...gusto kong awayin ang babaeng ito. May gusto sya sayo at alam kong dadating ang panahon aagawin ka niya sakin. No, way." naging ma awtoridad ang tono ng boses ni Mary.

Dahan-dahan syang lumapit sakin saka hinawakan ang braso ko. Mas lalo kong nasilayan ang galit niyang mukha.

"Stop assuming, Nicole. We're to different. Why? Simple, he left you, and thats the thing he will never do to me." Tinititigan niya pa ako ng ilang sandali bago ako nilagpasan sabay bangga niy saking balikat.

"Sorry," huling sabi ni Zin bago sinundan si Mary.

Isa-isang tumulo ang luha ko sa mata. Ramdam na ramdam ko ang hapdi ng aking pisnge sabay na paninikip ng aking dibdib. Ang sakit!

Halos hindi ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko. Nasaktan ako sa sampal ni Mary, pati sa huli niyang sinabi.

Isa lang naman akong simpleng babae na hindi hinahangad ng iba. Bakit ganon? Nagmahal lang naman ako. Mas lalong umagos ang luha ko dahil sa naririnig.

"Ambisyosa kasi."

"Malandi. Mang-aagaw ng may boyfriend."

"Kawawang nilalang. Bagay lang sa kanya  yan,"

Hindi iyong totoo. Wala akong inagaw. Hindi ko magagawa iyon. Hinawi ko ang luha ko sa mata. Hindi ko kayang gumalaw. Nanghihina ang tuhod ko at tila ayaw humakbang nito. Bagsak ang mga luha ko sa sahig.

Napasigaw nalang ako ng malakas ng may biglang bumuhat sakin. OH MY GHAD!

Nanlaki ang dalawa kong mata dahil sa ginawa niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at sa sobrang lakas nito ay halos marinig ko.

"Girls? Look!"

"Oh my gosh. What he doing."

"What? Bakit nya binuhat yang malanding yan."

Halos pagmamaktol ang narinig ko sa mga babae sa lobby. Halos hindi sila makapaniwala sa nakit. Hindi ko kayang pumalag sa ginawa niya. Dahan-dahan syang bumaba sa hagdanan. Panay titig ko sa kanya subalit nasa harap lang ang titig nito.

Bakit niya ginawa ito?

Hindi ko alam kong pano ako magsisimula. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakapulupot ang kamay ko sa leeg niya. Hindi ko alam sinong tumulak sakin para kumapit sa kanya. Malamang. Ayaw kong mahulog.

Hindi ko nalang namalayan na nasa parking area na kami. Binaba nya ako saglit at binuksan ang pinto ng kotse nya tsaka binuhat nya ako ulit at pinasok sa kotse niya. What the! Anong ginawa niya?

Humalukip-kip ako sa upoan. Isinara niya ang pinto saka ito umikot para pumasok narin.

Ramdam ko ang mabigat na awra sa pagitan namin.

Binaling ko ang tingin sa kanya. Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong inunahan.

"Here," sabay bigay ng kanyang puting panyo.

Seryoso syang nakatitig sakin na walang ekspresyon ang mukha. Naiilang at nahihiya ako sa ginawa niyang pagbuhat sakin kanina.

"Justin," may panunuya kong saad.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon