CHAPTER:44

15.1K 346 17
                                    

"Oh my gosh, friend. First kiss mo iyon?!" tanong ni Bleina habang kinikilig ito.

Halos mamaula ang aking pisnge habang inaalala ang lahat.

"Huwag kang maingay," sabay takip sa bibig niya. Kanina pa sila tanong ng tanong kaya di ko magawang sagotin kong panay tili nilang dalawa.

Nandito pa naman kami sa canteen. kakahiya.

"Alam mo pokemon ang ingay mo. Sinabi na nga diba? Paulit-ulit?" Galit na sambit ni Besty.

"Ikaw naman girl. Syempre first kiss kaya iyon ni, Nicole. Alam mo bang pag first kiss," kinikilig ulit sya at halos. "Naku, hinding-hindi ka makakatulog." Natahimik ako sa sinabi ni Bleina.

Natamaan ako sa sinabi niya dahil hanggang ngayon ay hindi ko magawang matulog ng diretso. Alingasa ako sa bawat posesyon ko sa kama.

"Okay.... ikaw na. Ikaw na ang maganda, ikaw na ang may first kiss, ikaw na lahat. Ang ganda eh!" natahimik kami sa simbit ni Besty. Kumunot ang noo ko at tila natatawa sa sinabi niya.

"Bakit ka ba nagagalit? I'm just sharing lang naman kasi," komento ni Bleina. Umirap lang ito si Besty.

"Hindi. Hindi ako nagagalit, naasar lang ako sayo." sagot ni Besty sa iritasyong tono. Mas lalong gumuhit ang question mark saking mukha.

"Bakit ka kasi naaasar sakin?" Tanong ni Bleina na taas kilay.

Hala!? Mukhang personalan na yata to.

"Kasi masyado kang pa, bida.taas kilay na sagot din ni Besty.

"Eh kasi girl masyado kang, kontrabida." Sambit naman ni Bleina saka ito tumagilid at umirap ng ilang ulit.

Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Di umano'y nagkakairitahan.

"Alam nyo, kayong dalawa para kayong teleseye," Bulyaw ko isa-isa sa kanila.

Teleserye?" Sabay nilang tanong bago umirap sakin.

"Kong di kayo mamamatay ngayon, abangan bukas. Gusto nyo ako nalang pumatay sainyong dalawa?" Namilog ang kanilang mata sa gulat. Tila natataranta.

"Madam naman eh. Joke joke lang yun. Para namang hindi ka nasanay sa lambingan naming dalawa." Wika ni Besty sabay akbay nito kay Bleina.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon