KABANATA 20

18.5K 404 7
                                    


Simula nong nang-yari kahapon ay bilib na bilib na ako kay Besty. Imagine that, nakaya niyang barangan si Justin at Zin, kahit alam niyang masusuntok sya sa mga ito.

Bakla ba talaga ito? Napakatapang kasi.

Kanina ko pa sya tinititigan habang kinakagat ang pulang mansanas. Hindi pa ako nakakapag move on sa ginawa niya kahapon eh. Sobrang swerte ko talaga sa baklang ito.

Napawi ang titig ko kay Besty ng marinig ang iilang tili ng mga babae sa loob ng cafeteria.

"Waaaaa. Ayan na sila girls".

"Oh myGod! Hawakan nyo ako girls kinikilig ako Waaaa."

"Grabe! Ang gwapo nilang tatlo."

Napangiwi ako sa nakita. Wow! As in? Gwapo ba talaga sila? Bakit hindi ko ma appreciate? Oh. Siguro bitter lang ako. Ayaw ko na sa mga gwapo. Dahil hindi sila safe.

Padabog kong tinusok-tusok ang pasta gamit ang tinidor. I hate you Zin. I hate you.

"Oh? Ano iyan? Bakit ganyan ang mukha mo," sumulyap ako kay Besty.

"I lost my apetite," may panunuya kong sagot. Natawa sya.

Hindi ko alam pero nagagalit talaga ako sa tatlo. Lalo na sa Ex-boyfriend ko.

"Nakakawalang gana ba silang tatlo?" kumunot ang noo ko sa tanong ni Besty.

"Definitely. At tska bakit ganyan ang reaskyon mo? Para kang kinikilig?" naging pagbabanta ang tinig ko.

"Nothing. Ang sarap lang pagmasdan ni Cris. Ang sarap nguyain," namilog ang mata ko sa narinig. W

"Wow Besty. Pagkatapos mo silang awayin kahapon?" tinaasan ko sya ng kilay. Sumandal sya sa backret ng upoan habang sumisim-sim ng pineapple juice.

"Syempre. Hindi ko naman sinali si Cris sa galit ko kahapon. Never," nguso niya bago kumindat.

Magaling!

Napakagaling!

Napangiwi ako bago umiling nalang. Ganito sya palagi, ang daling makalimot at ang daling magpatawad.

Binaling ko ang tingin sa direksyon nila Zun. Panay papansin ng ibang babae sa kanilang tatlo. Nasan kaya si Bea at Mary? Bakit hindi nila kasama?

Naningkit ang magkabila kong mata ng may tatlong babae ang lumapit sa kanila. Sobrang ikli ng mga palda nito. Ang mapupula nilang labi ay tila galing sa pag-aayus bago lumapit sa tatlo.

"Hi..Justin," inangat ni Justin ang kanyang ulo. Tinignan niya ang babae na walang ekspresyon. "I have something to give you," nilhad niya ang kulay pulang box. Hindi iyon tinanggap ni Justin at di umano'y hind nagustohan. "Hmhmhm. I bake this cake for you, I hope you like it." dugtong niya pa.

Nanatiling nakatitig si Justin sa pulang box. Hindi ko alam pero iba ang naiisip ko ngayon. Sana lang ay mali ako. Hindi ko sya masyadong kilala pero sa pigura at itsura niya ay sumisigaw ito ng pagka bad boy.

"Please Justin. Tanggapin mo naman oh," dugtong ulit ng babae.

"Dude. Mukhang masarap akin nalang kaya?" Sambit ni Cris na tawang-tawa. Sinamaan sya ng tingin ni Justin.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon