CHAPTER:32

16.7K 379 4
                                    


Pagkatapos ng karumal-rumal na ginawa ni Cris sa lobby ay tinanggap ko ang sorry niya. First time kong makita syang sumayaw at kumanta sa harap ng napakadaming studyante. Mas lalo syang gumwapo sa ginawa niya kaya lang ay nagmumukha syang gwapong baliw.

Tawang-tawa parin ako hanggang ngayon. Titig na titig ako sa kanya. Panay ang ngiti ko habang inaalala ang lahat ng ginawa niya kanina.

"Ang cute mo sana kanina, kaya lang bawas poge points." si Besty.

Talaga Besty? Kilig na kilig ka nga kanina eh.

"Bakit bakla? Nabawasan ba ang pagtingin mo sakin?" napaubo si Besty sa sinabi ni Cris. Tawang-tawa naman ako.

"Yuck....over my high heels," irap na sambit ni Besty. Kabaliktaran ay ang mapupula niyang pisnge tila kinikilig parin.

Napasulyap ako sa kabilang mesa kong saan tumatambay sila Zin. Bakit wala sila ngayon? Hindi ko sila nakita ngayon araw.

"Looking for someone?" bigla akong nagulat sa tanong ni Cris. Natataranta ang kilos ko ng ibinaling ang tingin sa kanilang dalawa. May ngiting aso si Besty sakin ngayon.

"A-Ah ano kasi. Nasan ang mga kaibigan mo?" utal kong tanong na ikinangisi niya.

"Si Bea at Mary sa labas kumain. Samantalang si Zin ay may klase pa iyon sa Math. Si Justin? Malamang nambabae ulit iyon," eksplenasyon ni Cris. Hindi ko lubos maisip na sasagotin niya ng direkto ang tanong ko. Why I am asking this way? No, I mean I want to know lang naman kong nasan sila.

Naiisip ko si Justin. Nambabae raw? Talaga lang huh? Wala naman pinagbago eh.

"Bakit mo sila hinahanap?" ngiting aso ni Besty. "Diba ayaw mo silang makita? Bakit bigla yatang naging interesado ka sa kanila?" napalunok ako sa dugtong niya. "Lalo na ang isa dito," ngusong turo niya kay Cris. This time ay natawa nalang ako.

"Nakakahurt kana bakla huh!?" si Cris habang hawak-hawak ang kanyang dibdib.

Napailing ako sa tawa. Nagpatuloy ako sa hapag. Ilang sandali kaming binalotan ng katahimikan tila naubosan ng sasabihin.

Naputol ang katahimikan namin ng tumunog ang cellphone ni Cris. Sabay kaming napalingon sa kanya ni Besty.

"Excuse me guys. Sasagotin ko muna saglit," tumango kami ni Besty tanda ng kasagotan. Lumayo sya samin ng kaunti.

"Sigurado akong girlfriend niya iyan. Lumayo eh. Tila ayaw niyang marinig natin. Tss," ngiwi ni Besty at padabog itong kumain ng fries. Kumunot ang noo ko sa inasta niya.

"So nagseselos ka?" mabilisan syang lumingon sakin na nanliliksik ang mga mata.

Hindi sya sumagot tsaka ito nag-iwas ng tingin. Alam ko na ang mga kasagotan sa mga iyon.

Bumalik si Cris na may ngiti.

"Guys. Aalis na ako. May pupuntahan ako saglit. Okay lang ba kong maiwan ko muna kayo?" ngisi nito.

Nag-katinginan kami ni Besty bago tumango.

"Sige, Cris. Mag-iingat ka!" ngiti ko pabalik. Sumulyap sya kay Besty.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon