CHAPTER:38

15.2K 370 5
                                    

Nang makapasok ako sa loob ay unang hinahanap ng mata ko ay si Besty.

Naiinis parin ako hanggang ngayon. Ugh. What Am I expecting for? madami syang babae at halos magaganda at sexy pa.

Tika lang ano bang pakialam ko sa bad boy na iyon? I hate him. Pagkatapos niya akong e date kahapon? I mean pag tripan? Iba nanaman ang babae niya ngayon?

Ang galing eh. Masyadong ginalingan.

Bumalik ang diwa ko ng makita ko na si Besty mula sa counter. Dali-dali akong lumapit sa kanya

"Hoy bakla!" Pinalo ko sya agad sa ulo.

"Aray naman," reaksyon nya sabay himas niya sa kanyang ulo. Galit ako sa kanya. Bakit ngayon lang sya nagparamdam sakin?

"Alam mo bang, dalawang araw akong nag e'emote. Dalawang araw sa kakaisip sayo kong nasan ka!? Dalawang araw nag momuk-muk sa kakatingin ng cellphone ko kong nagrereply ka na ba O wala pa?" sabay palo sa kanya ulit. Napahimas sya sa kamyang ulo.

"Hep," itinaas niya ang kanyang kamay. "Tama na madam, pinagtitinginan na kaya tayo oh. Baka isipin nilang girlfriend kita. Ew!" naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Aba nagawa niya pang mang-asar.

"Wala akong pakialam sa kanila. Bakit? Eh ano naman kong isipin nilang girlfriend mo ako? Single ka, single ako. May problema ba dun?" namilog ang mata niya sa sinabi ko. Tila hindi makapaniwala.

"Ew madam. Kaylan ka pa naging tomboy? Kadirali ka ah." halos mandiri sya sa sinabi ko. Napanguso ako. Hay bakla talaga kahit kaylan.

"E-Eh ikaw naman kasi e, nakakainis ka." nguso ko. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.

"Halika nga dito," Hinila nya ako paupo sa counter. Tinaasan ko sya ng kilay para simulan na ang mga kapani-paniwala nyang rason kong bakit dalawang araw syang hindi nagpaparamdam sakin. "Ganito kasi iyon,"

Bakit kinakabahan ako? I do not know. Pero parang may kakaiba. Hinintay ko syang mag paliwanag.

"Si Daddy na aksidente." namilog ang mata ko sa narinig. Parang kinurot ang puso ko.

"A-Ano? Panong? Nagagawa mo pang mag bar? Puntahan natin ang Daddy mo." Anyaya ko na ikinailing niya.

"He's fine now. Kakagising lang niya kagabi." singhap niya.

"Sorry Besty hindi ko alam. Nagalit tuloy ako sayo kahit hindi ko pa alam ang rason mo," ngumisi sya. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

"Sorry dam huh!? Pinag-alala tuloy kita." saad niya. Mabilisan ko syang hinila at niyakap. Sa pagkakataong ito ay kaylangan ni Besty ang yakap ko.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon