CHAPTER:47

14.7K 347 5
                                    

"Grabi Nicole. Ang taba-taba mo noon ngunit ngayon? Ang sexy muna," Hawak-hawak ni Mark ang magkabila kong braso.

"Kaw nga eh. Mukha kang kalansay noon, baka isang ubo mo lang sabog ka na." humalakhak ako sa tawa.

"Natatandaan mo ba non? Nong kumakain tayo ng ice cream tapos sa clasrrom. Tapos may butiking nahulog sa ice cream mo. Iyak ka ng iyak ka at sobrang nakakatawa," Natatawa niyang sabi kaya sumimangot ako.

"Hindi kaya. Ikaw nga eh pag naliligo tayo sa batis ay ayaw mong hubarin ang damit mo. Dahil baka makita 'yong katawan mong halos buto." Wika ko sabay tawa. Humalakhak kaming dalawa dahil sa naalala namin ang kabataan namin.

"Ikaw nga ayaw mong maghubad ng damit dahil baka makita yung uma alog-alog mong bilbil!" Sumimangot ako sa sinabi niya. Sinuntok ko sya sa dibdib.

"Oh diba? Ikaw ang naunang napikon." Asar niyang sabi ulit. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

Miss na miss ko na si Mark. Sigurado akong matutuwa si Mama pag nakita sya.

"Ahem," kumalas kami sa yakap. Napalingon kami sa table ng biglang umubo si Besty. Hala nakalimutan kong andyan pala si Besty. "Okay kayo na. Kayo na ang close, kayo na ang masaya, kayo na ang magkakilala. Kayo na." Malditang saad ni Besty.

"Sorry Besty," Tumabi ako sa kanya saka ko pinulupot ang aking braso sa braso niya.

"Okay lang madam. Sanay naman ako eh, M.U na ang puso ko sa mga ganyang bagay." Sumimangot ako sa sagot niya.

"Ano ka ba Besty. Classmate ko si Mark sa elementarya. Kilala yan ni Mama dahil palagi yang nakikikain sa bahaya." ngisi ko. Sa pagkakataong ito ay natawa na si Besty.

"Kaw naman madam. Kasi kayo eh. nagmumukha tuloy akong statwa dito." nguso nito.

"I'm sorry Step. Na miss ko lang talaga si Nicole. Hindi ko naman aakalain na dito lang pala kami magkikita at bestfriend mo pa," Sambit ni Mark sa usapan.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon