CHAPTER ONE

19K 429 27
                                    

Angela's POV:

Today serves as the first day I would be going to school with my four friends. They just live across my house so we tend to always go together.

We are just these normal girls with normal living, our parents do have businesses but we aren't like other kiddos who'd spent our money with nothing.

May isang oras pa ako para maghanda, 7:30 na ngayon ng umaga at mamayang 8:30 ang bell time sa papasukan namin. We are transferees and we will be hiding our identity as nerds.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at dumiretso sa banyo upang maligo, yung style ng uniporme namin ay katulad sa Japan since ang may-ari ng paaralang aming papasukan ay may lahing hapon.

Yung skirt ng uniporme ay above the knee, longsleeve polo na may necktie at itim na kneesocks. Hindi naman ako maarte sa mga dapat susuotin pero nababaguhan lang ako sa unipormeng ito lalo na't hindi below the knee.

Kita pa yata halos lahat ng balat ko sa legs ko, tsk. 8:29 na at natapos ko na ang lahat ng dapat gawin kaya kinuha ko ang bag ko at lumabas ng bahay.

Tumambad sa'kin ang apat kong kaibigan kasama ang bagong bili na Skoda SUV na gagamitin naming apat papuntang school.

"Good morning, girls." Bati ko sa kanila. "Good morning din, Gel!" bati rin nila pabalik at pumasok na sa sasakyan. Lumapit sa akin si Bea at inakbayan ako.

"Ikaw na muna ang magiging driver namin ngayon. Let's go?" napatango na lang ako at ipinadala sa kanya ang bag ko. Umupo na ako sa driver's seat at nagseat belt, ganun din ang ginawa nila.

"Male-late yata tayo ngayon. Bahala na nga basta nakabili ako nung candy sa tindahan. Nga pala, kailan tayo magpapakulay ng buhok?" excited na tanong ni Tiffany. Napalingon ang tatlo kong kaibigan sa kanya nang tinanong niya iyon.

"Gaga ka ba? Anong tingin mo sa'tin, dance troupe? Ikaw na lang Tiffany, isasali mo pa kami sa mga kalokohan mo eh!" untag ni Kylie na nasa tabi ko ngayon at kasalukuyang nakatingin sa likod.

Napatawa na lang kami dahil sa naging ekspresyon ni Tiffany, it was priceless!

"Sorry naman! Akala ko ba kasi maging pang manang yung outfit natin sa school kaya naisipan kong magpakulay ng buhok." Wika ni Tiffany habang may nginunguya na pagkain sa kanyang bibig. Patay gutom talaga.

"Anong connect dun? Saka ang laswa natin tignan 'pag masyadong pang- 'manang' outfit yung susuotin natin kaya sakto na yung binili ni mama na nerdy glasses diba?" tanong ni Nicole.

"Okay na yun, kahit mukha tayong tanga tignan pwede na rin yun." Wika ko habang patuloy sa padri-drive.

Makalipas ang limang minuto ay nakarating na rin kami sa paaralan na aming papasukan. Nagpark ako sa parking lot ng paaralan at pagkatapos ay lumabas na rin kaming lima. Inabot ni Bea sa akin ang bag ko kaya nagpasalamat ako dito.

"Saan na tayo pupunta nito?" tanong ni Bea. Umunang maglakad si Nicole at lumapit sa isang bulletin board na kung saan may nakapaskil na printed papers at nakalagay dito ang mga grade levels, section at ang mga pangalan ng bawat estudyante.

"Hm kabisado mo yata ang mga pinaggagawa ng paaralang ito, Nicole. " napatango lang siya at tinuro ang isang printed paper na kung saan nakalagay ang section naming lima. "Nag-aral ako rito noon dahil sa isang misyon."

Naalala ko na, may misyong ginawa rito si Nicole pero ayaw niya lang sabihin kung anong meron sa paaralang ito. Pero sa pagkakaalam ko, ang paaralang ito noon ay illegal at maraming estudyanteng mga siga at kung tawagin natin ay katulad naming gangsters.

Kalaunan ay huminto ang mga illegal na pamamalakad at gawain ng paaralang ito nang malaman ng gobyerno ang pinaggagawa ng mga estudyante.

Nang napalitan ang may-ari nitong paaralan ay naging maganda ito sa mga mata ng mga mayayaman at pinapa-aral dito ang kanilang mga anak. Kaya halos lahat ng mga estudyante dito ay mayayaman at ang iba naman ay scholar.

Mafia Empire: Her Lost Twin [Revising]Onde histórias criam vida. Descubra agora